Bianca Gonzalez' daughter Lucia graduates kindergarten: "“We are so proud of how much you have grown."

Hugot ni Bianca, mas mahirap magpalaki ng anak ngayon sa gitna ng makabagong teknolohiya. Paano masisigurong helpful sa iyong anak ang mga nababasa o napapanood niya online? Narito ang ilan sa mga dapat mong gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bianca Gonzalez super proud sa eldest daughter niyang pinahalagahan ang education at  nakapagtapos ng kinder ngayong taon. Kilalang TV host may hugot rin sa pagiging magulang sa ngayon.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Bianca Gonzalez proud kay Lucia na may bagong achievement sa education
  • Hugot ni Bianca Gonzalez sa pagiging magulang sa panahon ng makabagong teknolohiya

Bianca Gonzalez proud kay Lucia na may bagong achievement sa education

Image from Bianca Gonzalez Intal’s Instagram account

Isa si Bianca Gonzalez sa mga magulang ngayon na proud na proud sa achievements ng kanilang anak. Dahil ang panganay ni Bianca na si Lucia naka-graduate na sa kindergarten. Ito ang masayang ibinagi ng TV host sa kaniyang Instagram account kahapon.

“We are so proud of how much you have grown and learned this year, Lucia.”

Ito ang bungad ni Bianca sa kaniyang post na may kalakip na teary eyed emoji.

Pero ang achievement ng anak na si Lucia ay hindi daw magagawa nito kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang mga teachers at classmates.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya masayang sabi ni Biance excited na sila sa pagpasok ni Lucia sa Grade 1. Bagamat sa ngayon ay susulitin muna nila ang bakasyon nito at break sa pag-aaral.

“Thank you to her amazing teachers and awesome classmates for making back to face to face class a joy for her. Next up, Grade 1!!!  For now… summer break!”

Hugot ni Bianca sa pagpapalaki ngayon ng bata sa gitna ng makabagong teknolohiya

Image from Bianca Gonzalez Intal’s Instagram account

Samantala sa isang hiwalay na Instagram post ay may hugot si Bianca Gonzalez sa pagpapalaki ng mga bata ngayon sa gitna ng makabagong teknolohiya, kaya kailangang maging tutok ang mga magulang sa education ng kanilang mga anak.

Giit ni Bianca ay sadyang napakahirap maging magulang at magpalaki ng anak. Lalo na ngayon mas mabilis ang access ng mga bata sa teknolohiya at impormasyon sa paligid nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang hirap maging magulang. Ito pala pakiramdam ng magulang natin nung tayo ang pinapalaki nila sa nagbabagong mundo.”

“Habang tinitingnan ko ang aming mga anak, nag-aalala ako sa mundo ng teknolohiya at disinformation na kalalakihan nila. Paano kaya namin sila matuturuan ng kung ano ang tama at mali, na maging matatag sa kanilang prinsipyo kahit na minsa’y magiging mas mahirap piliin, na matutong makinig, rumespeto at maging bukas sa ibang paniniwala pero wag bibitawan na ang tama ang tama at ang mali ay mali.”

Ito ang bahagi ng post ni Bianca.

Image from Bianca Gonzalez Intal’s Instagram account

Pero paano nga ba masisigurong makakabuti para sa iyong anak ang mga nababasa at napapanood niya sa internet? Ayon sa mga eksperto, narito ang ilan sa maaari mong gawin para magawa ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Bianca Gonzalez on protecting the joy of play: “Let our kids enjoy being kids.”

Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: “Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako.”

Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

Paano mo masisigurong safe at makakatulong sa development ng iyong anak ang mga nababasa o napapanood niya online

  1. Makipag-usap sa iyong anak tungkol sa kaniyang online activity.

Ang pinaka-unang hakbang para masiguro mong positibo ang epekto ng mga online activity ng iyong anak sa kaniya ay alamin kung ano ang mga ito. Alamin ang mga websites o applications na ginagamit niya online.

Tabihan ang iyong anak habang ina-access ang mga websites at applications na ito upang maging familiar ka. Saka ipaliwanag sa iyong anak ang iyong concern para sa ligtas niyang online activity.

Mahalaga rin na ipaliwanag sa kaniya ang tamang behavior na kailangan niyang ipakita habang siya ay gumagamit ng internet o social media. Ituro sa kaniya ang kahalagahan ng pagpapakita ng respeto sa kapwa na nakakausap o nai-encounter niya online.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Siguraduhing nakikita o natatanaw mo ang iyong anak sa tuwing sila ay gumagamit ng mga screens o devices.

Mahalaga ito upang makita mo ang mga pagbabago o reaksyon nila sa kanilang mga nakikita o nababasa. Sa ganitong paraan ay agad kang makakalapit sa kaniya at mabibigyan siya ng tamang paliwanag o sagot sa anumang katanungan o gumugulo sa kaniya.

Mabuti rin na magkaroon kayo ng agreement sa paggamit ng gadgets at devices. Tulad ng pagkakaroon ng time limit sa paggamit ng mga ito o mga list of websites na pinapayagan mo siyang bisitahin o i-access.

  1. Gamitin ang parental control o search restrictions ng web browser na ginagamit ng iyong anak.

Para masigurong nasasala mo ang mga nasi-search o na-access ng iyong anak online ay mabuting gamitin ang parental control o search restrictions ng web browser na ginagamit ninyo. Sa ganitong paraan ay hindi mo siya kailangang bantayan sa lahat ng oras at kampante kang makakabuti sa kaniya ang mga ina-aaccess niya online.

  1. Maging good example sa iyong anak.

Dahil ikaw ang laging nakakausap at nakakasama ng iyong anak, mahalaga na sa lahat ng oras ay maging good example sa kaniya. Maging magandang halimbawa sa kung paano ka nakikipag-usap o nag-bebehave sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pati narin sa pagpili ng mga online content na iyong babasahin o panonoorin. Ito ay para ma-lead siya sa tama at maisabuhay niya ang mga aral na sinasabi mo sa kaniya.