Nagbigay inspirasyon si Bianca Gonzalez bilang brand ambassador sa naganap na Cetaphil Skin Summit 2022. Ibinahagi niya ang karanasan sa pagkakaroon ng acne breakout at ang kaniyang naging skin care journey.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bianca Gonzalez ibinahagi skin care routine kontra acne
- Different skin types at kung paano ito aalagaan
Biance Gonzalez ibinahagi ang kaniyang skin care routine
Ikinuwento ni Bianca Gonzalez sa interview ng Cetaphil Skin Summit 2022 ang kaniyang karanasan sa pagkakaroon ng acne breakout. Ani Bianca, dry to combination ang kaniyang skin type, at may mga araw na oily siya.
Dahil celebrity, madalas siyang exposed sa iba’t ibang elements na maaaring mag-contribute sa dryness ng balat. Akala aniya wala lang ang dry and rough patches niya pero senyales na pala iyon ng sensitive skin.
Salaysay niya pa, hindi lang problema ng teenagers ang pagkakaroon ng acne breakout dahil pinagdaanan niya rin ito during adulthood.
“I’m 39, nagka big break out ako two years ago when the pandemic started. So, at the age of 37 akala ko graduate na ako sa mga breakouts, sa mga acne.”
Naranasan niya rin daw magkaroon ng acne breakout noong siya ay buntis dahil sa hormonal changes.
Kwento niya pa, noong nagkaroon ng lockdown dahil sa pandemic, kung anu-anong sinubukan ni Bianca Gonzales na skin care routine.
Ito marahil aniya ang dahilan kaya lalong lumala ang breakout niya. Dahil celebrity at bahagi ng trabaho ang humarap sa camera, nag-panic daw si Bianca nang lumala ang acne breakout.
“If you break out, it really affects how you present yourself as well.”
Nagpakonsulta si Bianca Gonzalez sa dermatologist at doon na nagsimula ang tinatawag niyang skin reset bilang skin care routine niya. Bukod sa mga Cetaphil products ay inirekomenda sa kaniya ng doktor na mag-take ng oral medications.
Napakasimple lang ng skin care ni Bianca Gonzalez — tuwing umaga at bago matulog ay gumagamit siya ng gentle skin cleanser, moisturizer at eye cream serum.
Ipinaliwanag din ng TVhost na bukod sa mga ito ay kailangan ding bantayan ang food na kinakain at mag-ehersisyo. Dagdag pa rito, mahalaga rin aniya ang paggamit ng sunscreen tuwing lalabas ng bahay, maulan man o maaraw.
Para kay Bianca Gonzalez, mahalagang magamit ang platform niya para mag-spread ng awareness lalo na sa mga kabataan.
“When we’re young and we breakout we just wanna hide.”
Sa pamamagitan nito ay mai-educate ang mga tao sa halaga ng pag-aalaga ng skin at sa pagkilala at pag-embrace ng iyong skin type bilang bahagi ng self-acceptance. Sa sariling social media sinusubukan niyang maging transparent tuwing siya ay may bad skin day o bad hair day.
“I don’t want to be a part of a society and a future where my two girls kasi I have two daughters, who will grow up in a world that is so pressured to look picture perfect every time. Because that is not real life.”
“Let’s all support each other and share those stories of struggle when it comes to our skin, when it comes to our confidence as well. Kasi I think that empowers each other.”
BASAHIN:
Bianca Gonzalez’ daughter Lucia graduates kindergarten: “We are so proud of how much you have grown.”
LOOK: Kiray Celis surprises mom with a money cake for her birthday!
Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: “Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan.”
Different skin types at paano ito alagaan
Larawan mula sa Pexels kuha ni Cotton Bro
Ano nga ba ang skin care routine na angkop sa iyong balat? Narito ang iba’t ibang type ng skin at kung paano ito maaalagaan:
- Dry skin – madalas na tuyot at magaspang ang balat lalo na matapos maligo o mag-swimming. Maaari itong magkaroon ng flakes, cracks, pangangati, o pamumuti. Kapag ganito ang iyong balat, kailangan mo ng very gentle cleanser at heavier moisturizer kompara sa ibang skin type. Iwasan ang mga produktong may alcohol, retinoids, alpha-hydroxy acids, at fragrance.
- Oily skin – madalas na tila mamantika at makintab ang iyong balat lalo na sa bahagi ng ilong at noo. Mayroon ding large pores ang oily skin. Prone sa acne at blackheads ang ganitong skin type. Advise ng mga dermatologist na gumamit ng non-comedogenic products ang mga may oily skin. Ito ay para maiwasan na mabarahan ang pores na magdudulot ng breakouts.
Maaari ding gumamit ng oil-free moisturizer at sunscreen para di madagdagan ang oil sa balat. May mga moisturizer na may additional ingredients na makatutulong para ma-absorb ang oil tulad ng: corn o rice starch, kaolin o bentonite clay, dimethicone.
Good idea rin na gumamit ng water-based makeup imbes na oil-based ang gamitin.
- Combination skin – ang ilang bahagi ng skin ay oily habang dry naman ang ilan. Prone sa oiliness ang noo, ilong, at baba, habang ang pisngi at iba pang bahagi may feel normal or dry. Para sa ganitong skin type, sundin lang din ang advise ng derma para sa may oily skin type. Para naman sa dry patches, maaaring mag-apply ng more intensive moisturizer sa dry areas.
- Sensitive skin – madaling mairita ang balat ng taong may sensitive skin. Madalas din ang inflammation sa balat. Maaaring makaranas ng burns, stings, at pangangati ang balat kapag nag-apply ng skin products. Mahalagang gumamit ng hypoallergenic, fragrance-free products na may simple ingredients. Kung gagamit ng bagong produkto, subukan muna ito sa small area ng skin to test kung may negatibo ba itong epekto sa iyong balat.
- Normal skin – hindi kapansinpansin ang pagiging oily o dry ng normal skin. May even complexions at kaunting blemishes lang ang balat.
Cetaphil Skin Care Summit
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!