Masayang ibinahagi ni Bianca King ang nalalapit niyang panganganak sa kaniyang Instagram account. Kasabay nito, sa post ni Bianca ay naglahad din siya ng sweet message para sa kaniyang baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mensahe ni Bianca King sa kaniyang baby
- Ano ang Braxton Hicks?
Mensahe ni Bianca King sa kaniyang baby
Sa post ni Bianca King sa kaniyang Instagram account ibinahagi niyang handang-handa na siya sa pagdating ng kanilang baby ng asawang si Ralph Wintle. Caption niya,
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca King
“Dear baby, the longest month. I’m on a mad dash to buy as much as I can for your arrival, declutter and deep clean the entire house, batch cook frozen meals, deliver content I owe and hopefully have a week to disconnect from the world and focus on relaxing. “
Pagbabahagi pa ni Bianca, nakakaranas na rin siya ng pananakit ng sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan, gawa nga ng malapit na siyang manganak.
“We are struggling with various aches and pains from hand to pelvis. We are trying it all – massage, acupuncture, acupressure, physiotherapy, birth ball exercises and meditation. I can feel you pressing down, Braxton hicks are intense and you seem ready to come! But where are you? ”
Nagpapasalamat din umano si Bianca King, dahil normal ang kaniyang dinadalang baby sa kaniyang sinapupunan. At handang-handa na ang kanilang list para sa nalalapit niyang pagle-labor.
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca King
“We are lucky so far we are low risk and you are perfectly normal. The pool is pumped, our labour prep list is ready. Are you really inside me?”
Panghuli, ibinahagi rin ni Bianca King na handang-handa na siya sa pagdating ng kaniyang baby at magiging patient siya hanggang sa dumating ang moment na ito. Pahayag niya,
“I’m going to listen to my body and prioritize my wellness now. I wish I did this sooner but I will learn from this. Cocooning starts now… a day before our estimated due date. But that’s what it is – a rough estimate! I will be patient. Come when you’re ready, we are now ready for you.”
Marami ring mga netizen ang nagbigay ng congratulatory message kay Bianca sa nalalapit niyang panganganak.
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca King
Ano ang Braxton Hicks?
Ang Braxton Hicks contraction ay pag-tight ng iyong adomen na pawala-wala. Isa itong contration sa iyong uterus pero hindi pa ito ang labor. Ito’y paghahanda lamang ng iyong katawan sa panganganak.
Hindi nagdudulot ng labor ang Braxton Hicks, kaya hindi ka dapat bahala sapagkat normal lamang itong nangyayari sa mga babaeng malapit nang manganak.
Kung hindi ka naman sigurado kung Braxton Hicks ang iyong nararanasan, mas mainamn pa ring magpakonsulta sa iyong doktor. Sa ganitong paraan, mapapanatag ka at malalaman mo kung ano ba ang iyong nararanasan. Matutulungan ka rin ng iyong doktor sa mga dapat mong gawin.
Pakiramdam ng nakakaranas ng Braxton Hicks
Ang pakiramdam ng mga nakakaranas ng Braxton Hicks contractions ay para bang may muscle tightening sa iyong tiyan, at kapag inilalagay mo ang iyong kamay sa iyong tiyan habang nakakaranas ka ng Braxton Hicks ay para bang nagiging matigas ang iyong uterus.
Irregular itong nararanasan na nagtatagal lamang ng 30 seconds. Samantala, maaaring maging uncomfortable sa pakiramdam ito pero hindi naman ito masyadong masakit o hindi talaga masakit.
Kailan ito mararanasan ng isang nagbubuntis?
Kadalasan mararanasan ito ng isang buntis sa unang bahagi pa lamang ng pagbubuntis pero mararamdam ito pagsapit ng second trimester. Kung unang beses pa lamang ang iyong pagbubuntis, maaari na itong maranasan pagsapit ng 16 weeks.
Kapag malapit naman nang manganak ang isang buntis, mas madalas mararanasan ang Braxton Hicks at tumatagal lamang ito ng 10-20 minutes. Isa itong senyales na naghahanda na ang iyong katawan para labor o panganganak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!