Ibinahagi ni Bianca King sa kaniyang social media na pregnant na siya sa kanilang first baby ng husband na si Ralph Wintle.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bianca King 15 weeks nang pregnant: “It was a long journey to get here”
- Ano ang in vitro fertilization o IVF?
Bianca King 15 weeks nang pregnant: “It was a long journey to get here”
Masayang ibinahagi ni Bianca King sa kaniyang Instagram post na 15 weeks pregnant na siya. Excited na sila ng kaniyang non-showbiz husband na si Ralph Wintle na maging new parents.
Kuwento ni Bianca King, ginawa na raw niya ang lahat ng dapat niyang gawin sa buhay para sa oras na simulan naman nila ang pangarap na bumuo ng pamilya ay magiging handa siya sa motherhood.
Aniya, “It was a long journey to get here. It was not easy – being in our mid-late 30s.”
Halos sumuko na nga raw si Bianca King na sumubok maging pregnant. Dahil nasa mid-late 30s na ang mag-asawa, naisip na raw nina Bianca King at Ralph na sumailalim sa in vitro fertilization (IVF) para maging pregnant.
Kaya naman laking pasasalamat ng mga ito nang biglang nakabuo nga sila bago pa isagawa ang planong IVF.
“I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened,” saad ni Bianca King.
Nagpasalamat si Bianca King sa kaniyang asawa sa suporta nito sa kaniya at sa pagiging ‘best dog dad’ nito sa pet nilang si Willow.
“We both feel confident that we will be the best parents…I hope our baby inherits his looks and athleticism but my personality and creativity, and our shared wit and wisdom.”
Inulan ng congratulatory message ang comment section ng naturang post mula sa mga kapwa artista at mga fan ni Bianca.
Sa kahiwalay na Instagram post ay nagpasalamat si Bianca King sa lahat ng nagpabatid ng well wishes sa kaniyang pregnancy.
“It’s a relief to be 15 weeks pregnant and share the news. I enjoyed reading all your guesses on how far along I am. Thank you for the love,” saad ni Bianca King.
Excited na rin daw siyang ibahagi sa fans at mga mahal sa buhay ang kaniyang journey mula pregnancy, to birth, hanggang sa motherhood.
Matatandaang ikinasal sina Bianca King at Ralph Wintle noong June 2021 sa kanilang bahay sa Sydney, Australia. Sa ngayon ay doon na rin nakabase ang dalawa. Si Ralph Wintle ay kapatid ni Ben Wintle na asawa naman ng aktres na si Iza Calzado. Tulad ni Bianca King ay pregnant din si Iza Calzado ngayon sa kaniyang first child.
Ano ang in vitro fertilization (IVF)?
Isa nga ang IVF sa mga naisipang gawin ni Bianca King para mabuntis. Pero bago pa sumailalim sa prosesong ito ay naging pregnant na si Bianca King naturally.
Ano nga ba ang in vitro fertilization?
Isa ito sa mga kilalang paraan ng assisted reproductive technology. Sa pamamagitan nito ay matutulungan ang couple na hirap makabuo ng baby sa natural na paraan. Ang IVF procedure ay kombinasyon ng mga gamot at surgery na tutulong sa sperm ng lalaki para ma-fertilize ang egg cells ng babae. Tutulungan ng procedure na ito na ma-implant ang fertilized egg sa uterus para makabuo ng baby.
Paano nga ba ito isinasagawa?
- Magte-take ng fertility medications ang babae sa loob ng ilang buwan para matulungan ang ovaries na mag-produce ng mature eggs na handa sa fertilization.
- Kapag sapat na ang na-produce na eggs, tatanggalin ng doktor ang eggs na ito sa pamamagitan ng minor surgery. Bibigyan ka ng gamot na makatutulong sa’yong makapag-relax habang isinasagawa ang proseso.
- Sa tulong ng ultrasound, titingnan ng doktor ang loob ng iyong matris.
- Habang inu-ultrasound, ipapasok ng doktor ang manipis na tube sa ari ng babae patungo sa ovary at follicles na nagho-hold sa iyong eggs. Mayroong karayom ang suction device na ito. Ito ang kukuha sa eggs nang dahan-dahan mula sa bawat follicle.
- Sa laboratory, ihahalo ang nakuhang mature eggs sa sperm cells ng iyong partner o ng donor.
- Ilalagay sa special container ang pinaghalong eggs at sperm cells at doon magaganap ang fertilization.
- Imo-monitor ng mga laboratory staff ang progress ng fertilization at pagkabuo ng embryo.
- Makalipas ang tatlo hanggang limang araw, ibabalik sa iyong uterus ang isa o higit pang embryo. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpasok ng manipis na tube sa iyong cervix patungo sa iyong uterus. Sa pamamagitan ng tube mailalagay nang direkta sa iyong matris ang embryo.
- Magsisimula na ang pagbubuntis kapag kumapit na ang embryo sa iyong uterus.
Sa clinic ng doktor o ospital isinasagawa ang IVF. Karaniwang hindi naman masakit ang proseso nito. Mahalaga rin na magpahinga nang buong araw matapos na ma-itransfer ang embryo sa iyong matris.
+Source: