IVF cost Philippines? Alamin ‘yan dito!
Nakakalungkot mang isipin, may mga pagkakataon na nahihirapang magbuntis ang isang mag-asawa. Minsan rin ay nada-diagnose ang isa sa kanila na may infertility o pagkabaog.
Isa man itong malaking hamon para sa inyong relasyon, ‘wag sana kayong panghinaan ng loob. Dahil maraming paraan ang pwedeng gawin para masolusyonan ito.
Pwedeng magsimula sa pag-inom ng gamot. Pero kung hindi ito epektibo, mayroong isang treatment na pwede niyong pagdaanan. Ito ay ang IVF o In Vitro Fertilization.
1. Ano ang IVF o In Vitro Fertilization?
Mas kilala sa tawag na “test-tube babies” noon, kauna-unahang IVF ay nangyari noong 1978. Si Louise Brown, mula England, ang unang batang naipanganak mula sa prosesong ito.
Ayon sa American Pregnancy Association o APA, ang IVF o In Vitro Fertilization ay isang reproductive technology na tumutulong sa fertilization.
Isa ito sa mga paraan upang matulungan ang mag-asawa na gustong magkaanak ngunit may sumusunod na medical issues.
- Blocked o damaged fallopian tubes.
- Male factor infertility tulad ng decreased sperm count o sperm motility.
- Babaeng may ovulation disorders tulad ng premature ovarian failure.
- Mga babaeng pinatanggal ang kanilang fallopian tubes.
- Babae o lalaking may genetic disorder.
- Hindi maipaliwanag na fertility.
- Pagkakaroon ng Endometriosis ng babae, kung saan naaapektuhan ang ovaries, uterus at fallopian tubes nito.
- Upang maiwasan ang pagkakapasa ng genetic disorder muli alinman sa mag-asawa
- Fertility preservation para sa may cancer o iba pang health condition.
Para matagumpay na maisagawa ang IVF ay may ilang factors ang dapat na tignan. Tulad ng reproductive history, maternal age, dahilan ng infertility, at lifestyle ng isang tao.
Pero base sa data ng APA, mas mataas ang success rate ng IVF para sa mga babaeng edad 35-anyos pababa. Habang bumaba naman ang success rate kapag mas matanda na ang isang babae.
Maaari ding gamitin ang IVF upang maiwasan ang mga genetic problems na pwedeng mamana ng isang bata.
2. Paano isinasagawa ang IVF?
May 5 basic steps ang IVF at ang embryo transfer process. Ito ay ang sumusunod:
- Para mastimulate ang egg production ng babae, binibigyan siya ng fertility medication. Ito ay para makakuha ng mas maraming eggs na gagamitin para sa fertilization. Kailangan ding tignan ang kaniyang ovaries at hormone level.
- Ang egg retrieval ay gagawin sa pamamagitan ng isang minor surgical procedure. Gagamitan ito ng ultrasound imaging na magsisilbing guide ng isang karayom. Pagkatapos ay pupunta sa pelvic cavity ng isang babae para kumuha ng eggs. Sa pagsasagawa ng proseso ay may gamot na ibibigay upang mabawasan o maalis ang discomfort. Kung mayroon man.
- Kailangan rin mag-produce ng sperm ng lalaki na ipapares sa egg cells na nakuha sa babae.
- Ang sperm at eggs ay pagsasamahin sa proseso na insemination. Saka ito ilalagay sa isang laboratory dish para sa fertilization.
- Sa oras na ma-fertilized ang egg at sperm at maganap ang cell division, ang produkto ay tinatawag na embryos.
Photo by Jonathan Borba from Pexels
- Ang nabuong embryos ay ililipat na sa uterus ng isang babae. Madalas ito ay ginagawa 3-5 araw matapos ang egg retrieval at fertilization. Ginagawa ito sa pamamagitan ng catheter o maliit na tube na ipapasok sa uterus ng babae.
- Painless ang procedure na ito bagamat may ilang babae ang nakaranas umano ng mild cramping. Kung ang procedure ay naging matagumpay, ang implantation ay magaganap 6-10 araw matapos ang egg retrieval.
Ang proseso ng IVF ay magkaiba sa artificial insemination. Sa artificial insemination, inilalagay ang sperm sa uterus para magkaroon ng natural na fertilization.
3. Risk ng IVF process
Ang pagiging successful ng 5 basic steps ng IVF ay hindi siguradong makakabuo ng sanggol. Marami pang pagbabago ang dapat paghandaan para sa pagbubuntis.
Habang may ilang mag-asawa naman ang nasa unang hakbang palang ay hindi na matagumpay.
Ilan nga sa risk na nararanasan ng mga couple na dumadaan sa prosesong ito ay ang sumusunod:
- Cycle cancellation – hindi maayos na nagrerespond ang katawan ng isang babae sa medication.
- Wala o kakaunti ang eggs na nakukuha sa isang babae.
- Fertilization failure – walang nabuong embryo. Ito ay maaaring dahil sa poor quality ng eggs at sperm.
- Implantation failure – ang hindi pagkakapit ng embryo sa uterus ng isang babae.
- Miscarriage – ang pagkakalaglag ng dinadalang sanggol. Mas mataas ang tiyansa na maranasan ito ng mga babaeng higit sa 40-anyos na ng magbuntis.
- Ectopic Pregnancy – ang embryo ay nag-develop sa labas ng uterus.
- Multiple Pregnancy – ang pagkakaroon ng twins o higit pa. Ito ay nangangailangan ng dagdag na pag-iingat upang masigurong maisisilang ng ligtas ang mga baby.
Mayroong ibang mga factors na hindi pa sapat ang pruweba o research tungkol dito.
- Ang pagkakaroon ng birth defect ay nakasalalay sa edad ng ina ng ipagbuntis nito ang bata. Ito ay kahit anumang proseso ang ginawa. Wala pang sapat na research na nagpapatunay na may direktang implikasyon ang IVF sa pagkakaroon ng birth defects.
- Bagama’t may ilang pag-aaral na nagsasabing pwedeng maging dahilan ang ilang gamot na ginamit para sa egg growth at development, wala ring sapat na research para dito.
IVF cost in the Philippines. | Image from Freepik
4. Pagkatapos ng IVF: Ano ang maaaring resulta
Mga 12 araw hanggang 2 linggo pagkatapos ng egg retrieval, susuriin ng iyong doktor ang isang sample ng iyong dugo upang matukoy kung ikaw ay buntis.
- Kung ikaw ay buntis, ire-refer ka ng iyong doktor sa isang obstetrician o iba pang espesyalista sa pagbubuntis.
- Kapag hindi naman matagumpay ang isinagawang IVF, hihinto ka sa pag-inom ng progesterone at magkakaroon ng iyong regla sa loob ng isang linggo. Kung hindi dumating ang iyong regla o mayroon kang abnormal na pagdudugo, agad na makipag-ugnayan sa iyong doctor.
- Para sa nais namang sumubok muli ng isa pang cycle ng IVF, pwedeng mag-suggest ang iyong doktor ng mga pwede mong gawin para mapabuti ang susunod na cycle mo.
5. Mga paghahanda
Bago sumabak sa IVF, narito ang ilang mga proseso na kailangang pagdaanan bilang paghahanda sa proseso ng In Vitro Fertilization:
- Ovarian reserve testing
- Semen analysis
- Infectious disease screening
- Practice (mock) embryo transfer
- Uterine exam
6. Mga factors na nakakaapekto sa pagsilang ng malusog na bata
Ang mga pagpapanganak ng isang batang malusog sa pamamagitan ng IVF ay nakasalalay sa iba’t ibang mga factors kabilang ang:
- Maternal age
- Embryo status
- Reproductive history
- Cause of infertility
- Lifestyle factors
7. IVF cost in the Philippines?
Sa mga nais pumasok sa proseong ito, ang tanong ng marami ay may ganito na bang procedure sa Philippines at cost ng IVF process dito?
Sa Philippines, ang cost ng IVF sa mga ospital ay maaaring mula sa Php 250,000 hanggang Php 500,000 at pataas. Tandaan na may iba pang mga kadahilanan na magdadagdag sa presyo.
Ilan sa mga ospital o clinic na nagsasagawa nito sa bansa ay ang sumusunod:
St. Luke’s Medical Center – Center for Advanced Reproductive Medicine and Infertility (CARMI)
- Ground Floor, Medical Arts Building, St. Luke’s Medical Center-Global City, 32nd St. Bonifacio Global City, Taguig City, Metro Manila 1112 Philippines
- Telephone No. (632) 789-7700 ext. 2111
Medlink Multi Specialty Clinic and Home Care Services
- 124 J.P. Rizal, Project 4, Lungsod Quezon, 1109 Kalakhang Maynila
- Phone: (02) 3437 6540
Providence Hospital Inc
- 1515 Quezon Avenue, West Triangle,
- Quezon City, Metro Manila, Philippines
- Tel: (+632) 8558 6999
Manila Doctors Hospital
- 667 United Nations Ave, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila
- Phone: (02) 8558 0888
Quirino Memorial Medical Center
- J.P. Rizal, Project 4, Lungsod Quezon, 1109 Kalakhang Maynila
- Phone: (02) 5304 9800
Asian Tropics Center for Aesthetic Wellness
- 3 Anonas, Project 3, Quezon City, 1102 Metro Manila
- Phone: 0918 985 3668
Victory A R T Laboratory Philippines Inc Reproductive Health Clinic
- Unit D-1 Medical Plaza Makati Amorsolo corner, Dela Rosa Street, Legazpi Village, Makati, 1229 Metro Manila
- Phone: (02) 8884 2290
Asian Hospital and Medical Center
- 2205 Civic Dr, Alabang, Muntinlupa, 1780 Metro Manila
- Phone: (02) 8771 9000
Centralle Medical Diagnostics and Polyclinic
- G/F 1st AMIJI Mansion, 6th ave., cor. M.H. Del Pilar Street, Caloocan, Metro Manila
- Phone: (02) 8330 1596
Kato Repro Biotech Center
- 8Th Floor Tower 1, The Enterprise Center, 6766 Ayala Avenue corner Paseo De Roxas Street, Ayala-Paseo De Roxas, Makati, 1226 Metro Manila
- Phone: (02) 8822 1209
Makati Medical Center
- 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, 1229 Kalakhang Maynila
- Phone: (02) 8888 8999
The Medical City
- Ortigas Ave, Pasig, Metro Manila
- Phone: (02) 8988 1000
Paranaque Doctor Hospital
- 175 Doña Soledad Ave Better Living Subdivision, Parañaque, 1711 Metro Manila
- Phone: (02) 8776 0644
Dr Jesus C Delgado Memorial Hospital
- 7 Kamuning Rd, Diliman, Quezon City, 1103 Metro Manila
- Phone: (02) 8924 4051 ext. 412
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!