Ikinasal na ang dating artista na si Bianca King sa kaniyang non-showbiz boyfriend sa Australia, iananunsyo ni Bianca ang kanilang wedding sa pamamagitan ng isang Instagram post. Alamin ang mga detalye rito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang simpleng wedding ni Bianca King
- Relasyong Ralph at Bianca
- Mga tips sa pagkakaroon ng simpleng kasal
Relasyong Ralph at Bianca
Noong nakaraang taon, inanunsyo ni Bianca na sila’y lilipat na ng kaniyang boyfriend na si Ralph Wintle sa Australia. Pagbabahagi ni King sa kaniyang post noon,
“Something I won’t get to do anymore ever… shoot videos in this kitchen. Will miss the comfort of the creating content with friends in this house that sparked so much creativity.”
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca King
Dagdag pa niya,
“I’m moving on and starting a new chapter. Maybe a different kitchen in a different home?”
Taong 2019, nang mapabalitang nagde-date ang dalawa dahil ito sa mga sweet post ni Bianca sa kaniyang Instagram. Ayon pa kay Bianca noon sa kaniyang interview, ayaw niya umanong magkaroon ng karelasyon mula sa showbiz industry na kaniyang kinabibilangan.
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca King
Wedding nina Bianca King at Ralph Wintle
Nito ngang June 5, ikinasal ang dalawa. Simple lamang ang kasal ayon sa pagbabahagi ni Bianca sa kaniyang Instagram account, nakasaan sa kaniyang post,
“Married in our living room ❤️”
View this post on Instagram
Marami ang nagulat at natuwa sa pagbabahaging ito ni Bianca, lalo na sa pagkakaroon nila ni Ralph ng simpleng kasal. Si Ralph Wintle ay kapatid din ng asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle.
Maraming mga kasamahan ni Bianca King ang binati siya sa kaniyang simple wedding sa Australia, comment nila sa post ni Bianca,
“Welcome to the family!” – Iza Calzado
“Congratulations and best wishes!!!” – Maxene Magalona
“CONGRATS TO YOU BOTH!!” – Raymond Gutierrez
“Congratulations and best wishes!! Love you!!!” – Cheska Kramer
“Woohoo!!! Congratulations!!!” – Iya Villania-Arellano
Ilan lamang yan sa mga nagbahagi ng kanilang best wishes at congratulations sa kasal nila ni Ralph.
Ilang detalye sa wedding ni Bianca King at Ralph Wintle
Ibinahagi rin ni Bianca ang unti pang datalye tungkol sa kanyang kasal. Sa kaniyang mga IG story, sabi niya na siya ang naghanda ng lahat sa kanilang kasal sa kanilang living room. Maliban umano sa photographer at hairstylist.
Siya rin umano ang nag-make up sa kaniyang sarili at gumawa ng mga flower arrangements para sa kanilang kasal ni Ralph. Dumalo rin sa kasal ni Bianca ang matalik nitong kaibigan na si Mari Jasmine. Si Mari Jasmine ay isang Japanese-English model-TV host.
Pagbabahagi ni Bianca sa kaniyang post kung saan kasama niya sa larawan si Jasmine,
“Flower arranger, photographer, wedding witness, clean up manager at my little living room wedding.”
Larawan mula sa Instagram account ni Bianca King
Nag-comment naman si Mari Jasmine sa post na ito ni Bianca,
“I feel so lucky to have been there and played all those roles!”.
5 tips sa pagkakaroon ng simpleng kasal
Paano nga ba magkaroon ng magkaroon ng kasal sa inyong bahay o murang kasal.
- Gawin lang maliit ang inyong guest list para di ganun kalaki ang kailangan i-reserve na venue o ‘yung kasya dapat sa inyong bahay.
- Kung hindi kaya ng inyong budget, huwwag niyo nang ipilit. Maging wais at matalino lang sa pagpaplano. Maging simple lang, ito ang pinaka susi.
- Isipin at intindihin dapat ng maigi ang kanilang kalagayan. Pwede namang makapag-celebrate ng kasal nang hindi naglalabas ng malaking pera.
- Para sa mga gamit na kailangan sa kasal katulad ng dekorasyon, damit, at iba pa, divisoria ang inyong kaibigan. Madaming mura at high quality na gamit ang mabibili dito, mayroon din mga bridal gown rental tsaka tuxedo rental na makukuha sa halaga na ₱4,500.
- Akala niyo siguro imposible na ang high-end catering, magugulat na lang kayo na mga ibang catering services ay nag o-offer ng kasing baba ng ₱500 pesos per head. Basta ‘wag na lang kayo mahiya at mag tanong sa mga catering services dahil malay niyo ang makakatulong sa budget niyo.
Tandaan ang mahalaga sa kasal ay pagmamahal niyong dalawa. Hindi mahalaga kung engrande o simple lamang ito, ang mahalaga ay parehas kayong nagmamahalan.
Sources:
ABS-CBN, Rappler, GMA News
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!