X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Bianca Umali sa pagkawala ng kaniyang mga magulang: "Every year that I get old, mas nagiging raw or fresh sa akin na wala akong mommy at daddy."

3 min read
Bianca Umali sa pagkawala ng kaniyang mga magulang: "Every year that I get old, mas nagiging raw or fresh sa akin na wala akong mommy at daddy."

Ibinahagi ng Kapuso actress Bianca Umali ang kaniyang mga karanasan sa pagkawala ng kaniyang mga magulang sa kaniyang murang edad.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ibinahagi ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang kaniyang mga karanasan habang lumalaki na wala ang kaniyang mga magulang. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Bianca Umali sa pagkawala ng kaniyang mga magulang sa murang edad
  • Pananaw ni Bianca Umali sa kamatayan at mensahe niya sa kaniyang mga magulang
  •  

Bianca Umali sa pagkawala ng kaniyang mga magulang sa murang edad

bianca umali

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Umali

Hindi alam nang karamihan na ang Kapuso actress na si Bianca Umali ay ulila na. Sapagkat noong siya’y bata pa lamang ay namatay na ang kaniyang mga magulang. 

Pagkukuwento niya kay Boy Abunda sa show nito, namatay umano ang kaniyang Nanay noong siyang 5 years old pa lamang sa sakit na cancer. 

Samanatalang, ang kaniyang Tatay naman ang namatay noong siya’y 10 years old pa lamang dahil sa heart attack. 

Pagkukuwento pa ni Bianca Umali, 

“Noong bata po kasi ako, wala pa naman po akong naiintindihan. So, I did not know the gravity ng sitwasyon kung nasaan ako na I was losing both of my parents. Kapag umiiyak ang ibang tao umiiyak ako, kapag masaya ang ibang tao masaya ako.”

Hindi pa umano masyadong maunwaan ni Bianca ang severity ng pagkawala ng kaniyang mga magulang noong siya’y bata pa. Pero pagbabahagi pa ng aktres, 

bianca umali  at kaniyang ama at ina

Larawan mula sa GMA Network Facebook Page

“Ngayon na tumatanda ako, habang lumilinaw ang pag-iisip ko at nakikita ko ang realidad ng mundo, every year that I get old, mas nagiging raw or fresh sa akin na wala akong mommy at daddy.”

Pagbabahagi pa ng aktres, may mga bagay umano siya na dapat natutunan mula sa kaniyang mga magulang o mga bagay na dapat kasama niyang ginagawa kasama ang kaniyang parents, pero hindi na niya raw ito magagawa o matutunan sapagkat wala na ang kaniyang mommy at daddy. 

Madalas din umanong sumasagi sa isip ng aktres na sana buhay pa ang kaniyang mga magulang pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi niya umano pinapahalagahan ang pagpapalaki ng kaniyang lola sa kaniya. 

“Talagang ‘yong buong buhay ko, ‘yong buong ako, I owe it to my lola.”

bianca umali at kaniyang lola

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca Umali

Pananaw ni Bianca Umali sa kamatayan at mensahe niya sa kaniyang mga magulang

Pagbabahagi pa rin ni Bianca Umali, simula nang pumanaw ang kaniyang mga magulang nag-iba ang kaniyang pananaw patungkol sa kamatayan. 

Hindi na umano siya takot sa kamatayan. Dahil para sa kaniya iyon ang maaaring pagkakataon para makita at makasama niyang muli ang kaniyang yumaong mga magulang. 

“I used to be afraid of death. But now thinking of it that you asked me, I think it’s not scary for me to die, kasi makikita ko sila ulit. I know that they will be with me holding my hand when I go through it.”

bianca umali

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca

Mensahe umano ni Bianca Umali sa kaniyang magulang ay sana proud ang mga ito sa kaniya. Dahil lahat umano ng kaniyang ginagawa ay para sa kaniyang mga magulang. 

“I hope I make you proud, lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa inyo. Para sa Ama at para kay mama.’ I dedicate everything to them.”

 

YouTube

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Bianca Umali sa pagkawala ng kaniyang mga magulang: "Every year that I get old, mas nagiging raw or fresh sa akin na wala akong mommy at daddy."
Share:
  • This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

    This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

  • Travel Now, Pay Later: I-GCash Mo Na 'Yan!

    Travel Now, Pay Later: I-GCash Mo Na 'Yan!

  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

    This Broadcast Journalist Wakes Up at 3AM and Still Makes It to Family Game Night

  • Travel Now, Pay Later: I-GCash Mo Na 'Yan!

    Travel Now, Pay Later: I-GCash Mo Na 'Yan!

  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko