Narito ang mga bible verses for kids na nagtuturo ng magandang asal. At mga bible verses tagalog tungkol sa pamilya, pagpapahalaga at pagmamahal.
Bible verses for kids
Kung mayroon ngang libro na makakapagturo ng magandang asal sa isang bata, ito ay ang bibliya. Dahil ito ay puno ng mga aral at pangyayari na nagpapakita ng bawat aspeto ng buhay at ang katotohanang nasa likod nito. Ito rin ay puno ng mga verses na para sa iba ay ginagawa nilang paalala at inspirasyon sa kanilang buhay.
Habang para sa mga bata, ito ay isang nakakatuwang paraan upang sila ay magabayan sa paglaki bilang isang mabuting tao na may mabuting asal.
Ilan nga sa bible verses for kids na maari mong ipasaulo sa iyong anak at ma-aapply niya sa pangaraw-araw ay ang sumusunod:
1. Colossians 3:20
“Mga anak, magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka’t ito’y totoong nakalulugod sa Panginoon.”
2. Mga Awit 107:1
“Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka’t siya’y mabuti: sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.”
3. Mga Taga-Efeso 4:32
“At magmagandang-loob kayo sa isa’t isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.”
4. 1 Juan 4:19
“Tayo’y nagsisiibig, sapagka’t siya’y unang umibig sa atin.”
5. Mateo 19:14
“Datapuwa’t sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka’t sa mga ganito ang kaharian ng langit.”
6. 1 Timoteo 4:12
“Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.”
7. Mga Taga-Efeso 6:1-3
“Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”
8. John 3:16
“Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
9. Kawikaan 1:8
“Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina.”
10. Mga Awit 127:3
“Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.”
11. Genesis 1:27
“At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.”
12. Mga Awit 34:11
“Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako: aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.”
13. Mga Taga-Filipos 4:13
“Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.”
14. John 14:6
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.”
15. 1 Juan 3:23
“At ito ang kaniyang utos, na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo, at tayo’y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos sa atin.”
Bible verses tagalog tungkol sa pamilya
Narito naman ang mga bible verses na nagtuturo ng pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya.
16. Exodo 20:12
“Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.”
17. Mateo 19:19
“Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.”
18. Kawikaan 6:20
“Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina.”
19. Colosas 3:13
“Mangagtiisan kayo sa isa’t isa, at mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin.”
20. 1 Mga Taga-Corinto 13:13
“Datapuwa’t ngayo’y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.”
21. 1 Timoteo 5:8
“Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumalikod na sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di-mananampalataya.”
22. Kawikaan 11:29
“Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin: at ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso.”
23. Mga Awit 133:1
“Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!”
24. 1 Corinto 13:4-8
“Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait, ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas. Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sarilingkapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama. Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroong paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kung may pagsasalita ng mga wika, sila ay titigil.Kung may kaalaman, ito ay lilipas.”
25. Mga Romano 12:18
“Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.”
26. Mga Gawa ng mga Apostol 16:31
“At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.”
27. Mga Romano 12:5
“Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa’t isa.”
28. Kawikaan 17:17
“Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.”
29. Kawikaan 17:6
“Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.”
30. Marka 10:9
“Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.”
Sources:
Basahin:
Bible movies for kids na puwede niyong panoorin ngayong semana santa