3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang 3-taong gulang na bata mula sa Delhi, India, ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon. Ito ay matapos siyang di umano’y gahasain ng security guard na nagtatrabaho sa building kung saan nakatira ang  bata.

Nangyari ang insidente sa mismong araw ng ika-6 na anibersaryo ng brutal na paggahasa at pagpatay sa isang estudyante. 

Ayon sa Delhi Women’s Commissioner na si Swati Maliwal, ang pangyayari ay isang kabiguan sa isinusulong nilang pagsugpo ng rape sa bansa.

3-taong gulang na bata, biktima ng panggagahasa

Ayon sa ulat, wala raw sa kanilang bahay ang mga magulang ng bata nang mangyari ang insidente. Di umano, binigyan raw ng suspek ng candy ang bata at dinakip ito nang makalabas ng bahay.

Nang makitang nawawala ang bata, nag-alala ang mga magulang nito at hinanap kung nasaan ang kanilang anak. Natagpuan na lang ng ama ang kaawa-awang bata na duguan, at wala nang malay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos tumawag ng pulis ang ama, dinala ang bata sa ospital kung saan siya ay agad na inoperahan ng mga doktor. Hanggang ngayon ay kritikal pa rin ang kondisyon ng minor de edad, at hindi pa alam ng mga doktor kung magiging maayos ang kaniyang kalagayan.

Nang malaman ng kanilang mga kapitbahay ang nangyari, sinugod nila ang suspek at pinagbubugbog ito. Inaresto rin ang suspek matapos gamutin ang kaniyang mga sugat, at kakasuhan ng rape.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa India, ang kasong rape ay posibleng masentensyahan ng pagkamatay.

Hindi ito ang unang kaso ng rape ng minor de edad sa India. Ilang taon nang naging problema sa bansa ang parami ng paraming kaso ng rape, lalong-lalo na ng mag minor de edad. Dahil sa mga nangyayaring insidente, nagsagawa na ng maraming kilos protesta ang mga mamamayan upang magkaroon ng mahigpit na batas laban sa rape, at upang matigil na ang ganitong mga karumal dumal na krimen.

Paano poprotektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak?

Sa panahon ngayon, mahalaga sa bawat magulang na siguraduhin ang kaligtasan ng kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya’t mahalaga sa mga magulang na malaman ang mga paraan upang mapanatiling ligtas ang kanilang mga anak. Heto ang ilan sa mga dapat na tandaan ng mga magulang pagdating dito:

  • Kausapin ang bata kung paano at saan siya makakahingi ng tulong kapag nasaktan siya o may nangyaring masama. Kanino siya puwedeng magsumbong sa paaralan? Kapag nasa mall, ituro kung saan ang mga guard at mga exit.
  • Ipaliwanag ang konsepto ng “private parts” at kung ano ang good touch, bad touch.
  • Siguraduhin na age-appropriate ang pinapanood na mga pelikula o shows. Kapag nakakapanood ang bata ng sensitibong mga scenes, baka akalain ng bata na normal itong nangyayari—or worse, baka gayahin ng bata ito.
  • Huwag hayaang kumausap ng hindi kilala ang inyong anak. Kapag sa tingin nila ay hindi sila ligtas pag kasama ang isang tao, dapat ay umalis o lumayo sila dito.
  • Turuang humingi ng tulong ang iyong anak, lalo na kung sa tingin nila ay nasa panganib ang buhay nila.

 

Source: BBC

Basahin: Kindergarten student na-gang rape sa CR ng paaralan

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara