Galit na galit sa suspek ang ina ng isang 12-taong gulang na batang babae nang malaman niyang ang kaniyang anak ay biktima ng panghahalay. Ito ay dahil naging biktima raw ang bata ng isang lalaking nakilala niya sa Facebook.
12-gulang na babae, biktima ng panghahalay
Ayon sa biktima, nakipaglibing lang daw siya noong araw na nangyari ang insidente. Ngunit dahil inabot na ng gabi, at mayroong curfew sa lugar nila, napagdesisyunan niyang makitulog sa bahay ng kaibigan na si Geronimo na 19-taong gulang. Dito na nangyari ang panghahalay.
Ayon sa biktima, nagsisisi siya na nakitulog pa siya sa bahay ni Geronimo. Aniya, alam daw niya na mali ang kaniyang ginawa, ngunit hindi niya inaasahan ang panggagahasa.
Base naman sa statement ng suspek, hindi raw niya ginahasa ang biktima. Aniya, matagal na raw silang may relasyon nito, at ang biktima pa raw ang humalik sa kaniya.
Dagdag pa niya na ginusto raw itong mangyari ng biktima. Isang bagay na mariing tinantanggihan ng 12-gulang na bata.
Ayon sa mga pulis, sasailalim sa medico legal ang biktima. Ito ay upang malaman kung mayroon ngang nangyari sa kanilang dalawa ng suspek. Kung mapatunayan, posibleng maharap sa kasong rape ang suspek.
Malaking problema ang rape sa Pilipinas
Hindi biro ang dami ng kaso ng rape na nagaganap sa ating bansa araw-araw. Madalas, ito rin ay nangyayari sa mga minor de edad. Kaya’t mahalagang alamin ng mga magulang ang kanilang magagawa pagdating sa ganitong klaseng pangyayari.
Dito sa theAsianparent, nais naming paalalahanan ang mga magulang na mainam na alam ng mga bata ang mga panganib. Narito ang ilang tips:
- Kausapin ang bata kung paano at saan siya makakahingi ng tulong kapag nasaktan siya o may nangyaring masama. Kanino siya puwedeng magsumbong sa paaralan? Kapag nasa mall, ituro kung saan ang mga guard at mga exit.
- Ipaliwanag ang konsepto ng “private parts” at kung ano ang good touch, bad touch.
- Siguraduhin na age-appropriate ang pinapanood na mga pelikula o shows. Kapag nakakapanood ang bata ng sensitibong mga scenes, baka akalain ng bata na normal itong nangyayari—or worse, baka gayahin ng bata ito.
Hindi parating nakabantay tayong mga magulang kaya importante na alam ng bata kung siya ay nasa panganib.
Source: GMA Network
Basahin: Kindergarten student na-gang rape sa CR ng paaralan