Ang pagkakaroon ng bingot ay isa sa mga kondisyong nais maiwasan ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Lalo na sa mga nagbubuntis na mga ina.
Bagaman madali na itong ayusin ngayon sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan at teknolohiya, alamin natin kung paano nga ba nagkakaroon ng bingot at paano ito maiiwasan.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang bingot at ano ang senyales nito?
Ang bingot o cleft lip and palate ay isang kondisyon kung saan bukas at may siwang ang itaas na bahagi ng bibig ng isang tao.
May tatlong uri ng bingot: ang cleft lip, cleft palate at cleft lip and palate.
Ang cleft lip ay ang pagkakaroon ng hati o siwang sa labi ng isang tao. Cleft palate naman ay ang pagkakaroon ng siwang sa ngala-ngala ng tao ngunit buo ang labi nito. Ang cleft lip and palate ay ang kombinasyon ng dalawa.
Agad na makikita ang pagkakaroon ng split (cleft) lip at palate kapag naisilang na ang sanggol. Ilan sa mga maaaring mapansin ay ang mga sumusunod:
- May hati ang kaniyang labi at taas ng ng kaniyang bibig o tinatawag na palate, na nakakaapekto sa parehong bahagi ng kaniyang mukha.
- Mayroon din hati ang kaniyang labi na tila maliit lamang na bingas at nae-extend ito sa kaniyang labi papunta sa bandang itaas ng kaniyang gilagid at taas ng kaniyang bibig at papunta sa gitna ng kaniyang ilong.
- May hati rin sa btaas ng kaniyang bibig na hindi naman makikita sa mukha kung hindi ito sisilipin sa loob.
Ang ilan sa mga hindi masyadong karaniwan na makikita kung mayroon cleft lip o palate ang isang sanggol ay kung ang bingot ay nasa muscle ng soft palate(submucous cleft palate). Nasa likod ito ng bibig na tinatakpan ng lining ng bibig.
Ang ganitong uri ng bingot o cleft ay hindi masyadong napapansin kapag isinilang ang sanggol. Kadalasan pa, hindi agad ito nada-diagnose, malalaman na lamang kapag nagpakita at nag-develop na ang mga senyales ng bingot.
Ilan sa mga sintomas ng submucous cleft palate ay ang mga sumusunod:
- Hirap siyang padedehin o pakainin.
- Nahihirapan siyang makalunok, may pagkakataon din na lumalabas sa kaniyang ilong ang pinapainom mo sa kaniya o pinapakain.
- Tila ang pagsasalita niya ang mula sa ilong o nasal speaking voice
- May chronic ear infection din siya.
Bakit nagkakaroon nito ang isang tao?
Isang isolated birth defect ito na nangyayari kapag hindi nabuong mabuti ang facial feature ng isang fetus habang nasa loob pa lamang siya ng sinapupunan ng kaniyang ina nang ipinagbubuntis pa lamang siya.
Naniniwala ang mga researcher na may kinalaman ang genetics at environmental factors sa pagkakaroon ng bingot.
Maaaring mamana ng mga anak ang ganitong kondisyon mula sa kanilang mga magulang. May ilang kaso rin kung saan naapektuhan ng environmental factors ang pagbubuntis ng isang ina na nagbunsod sa pagkakaroon nito ng cleft lip and palate.
Ilan sa mga risk factors ay ang paggamit o pagiging expose ng isang nagdadalang-tao sa mga substances mula sa sigarilyo, alak, o pag-inom ng ina ng ilang gamot panlunas sa ibang sakit.
Pahayag ni Dr. Edmund Mercado, Hospital Administrator and Chief of Clinic sa Marikina St. Vincent’s General Hospital, sa isang panayam ng theAsianparent Philippines mula sa event ng Smile Train Philippines, tungkol sa common misconceptions sa dahilan ng pagkakaroon ng cleft ng isang bata,
“Most of this, is tied in genetics. Ibig sabihin, kung may lahi ‘yong mga kamag-anak mo, most probably magkakaroon ka rin.
Though meron ring mga pinapanganak na wala sa lahi, meron ang population na isolated cases nanganganak na may mga cleft.
Bukod sa genetics, ang pinakamalaking impluwensiya, marami ring factor ay tulad ng maternal malnutirition, kulang sa vitamins, exposure sa radiation, mga ganon, mga maternal smoking.
Pero ano lang ‘yan, mga contributory factors lang ‘no, wala talang mga identified na ito ang magpo-produce nang ganyan, na nakikita lang ng karamihan na medyo may correlation.”
Maaari ring magkaroon ng bingot ang mga baby ng mga inang may diabetes o gestational obesity. Kaya naman payo ng mga eksperto sa mga nagbubuntis ay iwasan ang mga kemikal at mga gawain na nagdudulot ng pagkakaroon ng cleft lip at cleft palate sa mga sanggol.
Mga komplikasyon ng kondisyon
Ang mga taong may ganitong kondisyon ay kadalasang nagiging tampulan ng asaran dahil sa itsura ng kanilang bibig at pagsasalita. Karamihan sa mga may bingot ay may emotional at behavioral problems dahil sa stigma ng kondisyon sa lipunan.
Treatment sa bingot o cleft lip/palate
Maaaring irekomenda ng doktor ang mga sumusunod:
- Cleft lip repair – ginagawa ito sa 3 – 6 months na edad ng sanggol
- Cleft palate repair – ginagawa ito kapag nasa edad na 12 months o mas mababa pa sa 12 months kung maaari
- Follow-up surgeries – ginagawa ito sa pagitan ng 2 taong gulang o hanggang sa late teen years.
“Pero minimum age for leap, 3mos. and 5 kilos, sa palate, 1 yr old and above. Ayon, ideally, before the age of speech. Bakit? ‘pag natuto sila, ‘pag nagsalita sila nang hindi pa naooperahan, ‘yon ang dahilan kung bakit sila nangongongo.
“Usually, we accept patients after surgery na talaga. Pero ang mga di pa naooperahan, they can still consult the speech therapist before surgery regarding placement, kung paano bibigkasin ang letter, placement of the tongue, placement of the lips. “
Dagdag pa niya,
“Ideally, mastered na nila yung mga P, B, at D, do’n na pumapasok ang speech therapy, kapag hindi na mapronounce especially, ‘yong mga tinatawag natin na high-pressured sounds like ‘yung P, ‘yong S, doon sila madalas nahihirapan. So, ‘yon ang tinatarget namin sakanila.”
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng cleft lip and palate ng iyong ipinagbubuntis
Kailan dapat pumunta sa doktor?
Kung ang iyong baby ay nagpapakita ng senyales at sintomas ng submucous cleft palate, agad na magpa-appointment sa doktor. Upang malaman ang mga hakbang na inyong gagawin.
Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.