Kahit sinong babae, ay siguradong magagalit kapag nalaman na mayroong kabit ang kanyang mister. Ngunit sa Tsina, sa halip na komprontahin ang asawa tungkol dito, umabot sa pambubugbog ang ginawa ng isang galit na misis. Kuhang-kuha sa video kung paano nya binugbog ng takong ang kabit ng kanyang asawa. Yun nga lang, buntis raw ang kabit na kanilang sinaktan!
Kabit binugbog ng takong ng galit na misis!
Nakuha sa camera ang buong pangyayari kung saan sinugod ng galit na misis ang kabit ng kanyang mister. Mayroon pang kasama ang galit na misis na tumulong din sa pananakit sa kabit.
Kitang kita rin sa video na sinisipa nila ang kanyang tiyan, habang may suot silang takong na sapatos!
Matapos nito ay pinahiya pa nila ang kabit at hinubaran matapos nilang bugbugin. Nakakaawa ang inabot ng nagdadalang-tao na kabit sa kamay ng misis at ng kanyang mga kasama
Pinagbubugbog ng grupo ng misis ang walang kalaban-laban na kabit.
Hindi tama ang manakit ng kapwa
Kung tutuusin, hindi tama ang naging relasyon ng mister at ng kanyang kabit. At may rason kung bakit nagalit sa kabit ang misis.
Ngunit ang hindi tama ay umabot sa pananakit ng kapwa ang mga pangyayari. Una sa lahat, kailangan ring managot ng mister, at pangalawa, nagdadalang-tao ang kabit niya. Hindi naman kasalanan ng bata na nabuo siya dahil sa pagkakamali ng kanyang ina at ama, kaya’t hindi naman siya dapat saktan ng misis.
Mas maganda sana kung nagsampa na lang ng kaso ang misis sa kanyang asawa at humingi ng dispensa sa kanyang nagawang pagkakamali. Bukod dito, dahil sa nangyaring pambubugbog, pwede pang kasuhan ng kabit ang misis at ang kanyang mga kasama. Lalo lamang lalaki ang gulo dahil ito.
Kailangang pairalin ang pag-iisip at huwag pabugso-bugso ng desisyon. Huwag rin gamitin ang galit na magdesisyon para sa iyo. Mahirap malaman na niloko ka ng iyong asawa, pero mas mahirap kung gumawa ka ng isang bagay na nadala ka lang ng matinding galit, dahil siguradong pagsisisihan mo ito sa huli.
Panoorin ang video sa LINK na ito.
Basahin: Misis: “Kabit ng asawa ko… si yaya!”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!