Isang Cebuano ang naghahandog ng bioplastic mula sa balat ng mangga at seaweed. Kanya lamang nakuha ang ideyang ito mula sa pagkakanuod sa isang video sa Facebook.
Denxybel Montinola
Ang ideya ay nabuo ng 23 taong gulang na si Denxybel Montinola. Siya ay isang research intern sa Institute of Biological Chemistry ng Academia Sinica sa Taiwan. Siya ay nagtapos mula sa University of San Carlos (USC) sa kursong Bachelor of Science in Applied Physics.
Kanyang ihahandog sa 2019 DOST-BPI Science Awards competition ang kanyang natuklasan. Ang nasabing awards competition ay gaganapin mula sa unang 2 araw ng Agusto 2019.
Balat ng mangga at seaweed
Nakuha ni Denxybel ang ideya mula sa isang Facebook video kung saan may gumawa ng bioplastic mula sa seaweed. Dahil dito, naisipan niyang gamitin ang kaalaman sa Biophysics at i-recreate at lalong pagbutihin ang imbensiyon.
Ayon kay Denxybel, ang kanyang bioplastic ay gawa sa pectin at carrageenan mula sa balat ng mangga at seaweeds. Dahil dito, nagiging masmatibay at masflexible ang nagagawa niya – sapat na para tapatan ang mechanical strength ng conventional na plastic. Bukod dito, hindi ito nagiging microplastics at natutunaw ito sa tubig.
Ang kanyang imbensiyon ay maaari ring gamitin bilang tissue scaffold. Ito ay dahil sa taglay na flexibility at tibay para magawang makasabay sa paggalaw ng tao.
Ginamit niya rin ang kasaganaan ng Pilipinas sa balat ng mangga at seaweeds para sa kanyang pangunahing sangkap. Ayon sa kanya, isa ang mangga sa pinakamalaking na-eexport ng bansa. Dahil din sa kasaganahan nito, maraming balat ng mangga ang tinatapon at nagiging environmental issue. Kinikilala niya rin ang mga ito bilang nasasayang na potential na resource. Kinikilala rin ang Pilipinas bilang pangalawang pinakamalaking exporter ng seaweeds. Ang paggamit ng pectin na makukuha dito sa iba’t ibang gamit ay ilang dekada nang ginagawa.
Hangarin ni Denxybel ang i-maximize ang resource ng bansa. Bukod sa mga pangunahing sangkap, nais niyang makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan sa manufacturing at production nito.
Para kay Denxybel, ang pagkamig ng sustainable development goals, hindi kailangan ng malalaking solusyon. Kundi, kailangang tignan kung ano ang mga mayroon tayo at suriin ang mga maaaring gawin dito upang gawing sustainable ang bansa.
Source: CebuDailyNews
Basahin: Identifying children with high IQ: An age-by-age guide for parents