"Blue’s Clues" may bagong Fil-Am na host

"Blue’s Clues" may bagong Fil-Am na host

Matapos mawala sa ere, magbabalik muli ang Blue's Clues sa telebisyon. Isang Fil-Am, si Joshua Dela Cruz, ang nakuhang bagong host ng Nickelodeon show!

Ang Filipino-American na si Joshua Dela Cruz ang bagong host ng Blue's Clues & You!

Blue's Clues & You

Ang Blue’s Clues ay nagsimula nuong 1996. Dito, isang host kasama ang animated na asong nagngangalang Blue ang naghahanap ng tatlong mga clue sa isang bagay na hinahanap nila.

Sa itinakbo ng palabas, nagkaroon na ito ng 2 hosts—si Steve Burns at Donovan Patton—at si Josh ang magiging pangatlo.

Si Josh Dela Cruz ay isang 23 taong gulang na theater actor. Siya ay dati nang gumanap bilang understudy ng main character na si Ali sa Aladdin noong 2017 sa Broadway musical ng sikat na pelikula ng Disney. Ang kaniyang role sa Nickelodeon show ang kanyang magiging unang pag-ganap bilang host sa telebisyon.

Nagpahayag ng kaniyang excitement ang batang Broadway actor sa kaniyang Instagram account.

"CANNOT wait to share the rest of the show with you! It has been such a dream working on Blues Clues and You."

May ilan pang mga magiging pagbabago sa kiddie show sa pagbabalik nito sa telebisyon matapos ang 12 taon. Kapansin-pansin na ang suot ni Josh ay asul, taliwas sa nakagawiang berdeng rugby shirt na suot ng mga nakaraang hosts.

Pinalitan na din ang title nito at ginawang Blue's Clues & You. Ang animated dog na si Blue ay tila CGI na rin ngayon. Kasama ang dati nang mga sikat na kagamitan at karakter, madadagdagan din ito ng Handy Dandy guitar.

Ang bagong Blue's Clues & You ay naka-set na magkaroon ng 20 episodes na magsisimula ngayong November.

Source: GMA News Online, Bustle, CNN

Basahin: 6 Reasons why your kid shouldn't watch Peppa Pig, according to parents

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner