Hindi madali para sa mga ina na tanggapin ang mga pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan. Kadalasan, ikinahihiya nila ang pagkakaroon ng stretch marks, o kaya ang pagkakaroon nila ng dagdag na timbang. At para sa aktres na si Andi Eigenmann, pinagdaanan rin daw niya ito, pero natutunan niyang mahalin ang kaniyang sarili.
Andi Eigenmann: It is about self love and appreciation
Nagpost ang aktres at ina na si Andi Eigenmann ng larawan sa kaniyang Instagram account. Dito, ipinakita niya ang kaniyang stretch marks na kaniyang nakuha matapos manganak.
Sabi ng aktres,
“My appearance hasn’t really changed, I’m very much aware of that. I admit to still having insecurities like everyone else. What changed is that I just got tired of hating my body. Now, I have come to accept myself for the way I am. Freckles, scars, stretch marks and all.”
Dahil sa kaniyang katapatan, pinuri siya ng mga netizens. Marami ang nagcomment sa post at nagpakita ng suporta kay Andi.
Sabi ng isang ina, “We always beautiful in our own complicated ways @andieigengirl I am a mom of 3 teenage boys now but it should not stop us from being amazing!”
“You have all those because you are human, It is all in these imperfections where we became perfect.,” dagdag pa ng isang netizen.
Para daw ito sa self-love at appreciation
Kahit na karamihan ng mga comments ay positibo, mayroon pa rin mga netizens na tila iba ang mensaheng gustong iparating.
Nagkomento ang isang netizen na ang gusto raw ng mga kalalakihan ay ang mga babaeng natural lang. Pinuri pa niya ang aktres at sinabing napakaganda nito.
Ngunit sinabi ng aktres na hindi naman daw niya ito ginagawa para pansinin ng mga lalake. Aniya, tungkol daw ang post niya sa self love at appreciation, at wala siyang pakialam kung ano ang gusto ng mga kalalakihan.
Kung tutuusin, tama nga ang sinabi ni Andi. Mas mahalaga na mahalin muna ng mga ina ang kanilang sarili at huwag masyadong isipin kung ano ang iisipin ng iba. Ito ay isang mainam na paraan upang maiwasan ng mga ina ang pagkakaroon ng insecurities, at para mas magkaroon sila ng positive self image.
Basahin: Andi Eigenmann on motherhood: “Your own happiness plays a crucial part”