Marami ang nakakaalam na ang pagpapa-breastfeed ay maraming benepisyo. Alam mo bang marami pa ring advantages ang breastfeeding even after 2-year old ng bata, ayon sa mga pedia.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Pediatrics group nirekumenda ang breastfeeding sa mga 2-year old kids
- Benefits of breastfeeding for your little one
Pediatrics group nirekumenda ang breastfeeding sa mga 2-year old kids
Kaliwa’ t kanan naman talaga ang benepisyong dala ng pagpapabreastfeed. Kaya nga recommended ito talaga ng mga pediatricians. Alam mo bang hindi lang pala sa sanggol maganda ang breastfeeding?
Sa bagong rekumendasyon ng American Academy of Pediatrics (AAP) pinapayo nilang magpa-breastfeed pa rin ang parents even if the child is 2 years old already. Maaari na raw ipagpatuloy pa ang breastfeeding hangga’t kaya pa ng mga magulang at sanggol na i-manage ito. Ayon ito sa lead author ng report na si Dr. Joan Younger, na isa ring professor emeritus sa Florida State University College of Medicine.
“We know that any breastfeeding is better than none… and the longer the total duration of breastfeeding, the better.”
Paliwanag ng AAP, kaya nais nilang pahabain ang recommended time ng pagpapa-breastfeed sa isang bata ay dahil sa mga benefits na nakukuha dito.
Ayon umano sa research, ang breastfeeding ay nakapagpapababa ng tsansa ng lower respiratory tract infection, obesity, severe diarrhea, ear infection at sudden infant death syndrome.
Ito raw ay dahil sa key nutrients na nakukuha ng isang sanggol sa gatas na nagmula sa ina.
Bukod pa raw sa benefits sa bata, ang nanay na nagpapa-breastfeed hanggang 2 years old ang kanilang anak ay makabubuo raw ng proteksyon laban sa high blood pressure, diabetes at breast cancer.
Hindi naman naging maganda ang balitang ito para sa isang mommy. Hindi raw kasi ito akma sa kanyang lifestyle kung saan kailangan niyang suportahan ang family financially. Pagkukwento niya isang malaking challenge rin daw ang pagpapa-breastfeed para sa kaniya.
“As a nursing parent who is also a professional therapist, I can’t just snap my fingers and arrange two years of open-ended nursing cuddle time. I need to work to help support my family financially.”
Pagkukwento niya sa kabila raw ng maraming struggle ng breastfeeding ay pinipilit niya pa ring ito ang gawing desisyon. Ito raw ay sa kadahilanang ito ang “best” para sa kanyang anak.
“Some years ago, when I was nursing my son, as we neared the one-year milestone (the recommendation at that time), both of us seemed over it. He preferred the quickness of the bottle. And I was tired of pumping on bathroom floors so I could be close to an electric outlet.”
Dumating daw sa punto na mas pinakikinggan na nila ang mga opinyon ng outsiders tungkol sa bagay na hindi naman kanila,
“My husband, noticed I was struggling. So we talked. We discussed the decision to nurse in terms of “insiders” and “outsiders.” Insiders are the ones (i.e., Charlie and me) who make the final decisions for our family. Outsiders are those whose support we take and whose opinions we listen to before we make a decision. In this case, it became clear I was giving outsiders (e.g., the AAP, our pediatrician) a say that didn’t belong to them.”
Dito niya raw na-realize na siya ang may pinakadesisyon kung paano niya iha-handle and breastfeeding para sa kanyang anak.
“My breast, my choice.”
Ang desisyon tungkol sa breastfeeding ay nakasalalay pa rin sa mga magulang o nursing parents. Maraming factor rin kasi and maaaring ma-involve sa desisyon na ito. Kaialngang i-consider kung pasok ba sa working arrangement, environment, health at iba pa. Sa ngayon suggestion lang naman ito ng mga pediatrics. At ang huling magpapasya ay ang parents sa kung ano ang mas nakabubuti para sa kanilang anak.
Benefits of breastfeeding for your little one
Ang breastfeeding ay mayroong parehong benefits sa mommies at babies. Marahil pinipili mo pa ring bigyan siya ng formula, para ma-encourage ka sa na magpa-breastfeed inilista namin ang mga dalang benepisyo nito sa iyo.
Narito ang ilan sa kanila:
- Nakaka-build ng strong emotional bond ang breastfeeding between mommies and their babies.
- Available anytime ang gatas whenever your child needs it hangga’t magkasama kayong dalawa.
- Mas kaunti ang gastos dahil free ito hindi katulad ng formula milk na may kamahalan.
- Designed ang breast milk especially for your baby kaya perfect ito sa kanya.
- Naiiwasan nito ang mga infections dahilan upang mas kaunting beses na lang ang pagbisita sa mga ospital at bilihan ng gamutan.
- Naiiwasan din nito ang ang iba pang disease na maaaring makuha ni baby tulad ng infant death syndrome at cardiovacular disease.
- Bumababa rin ang risk na magkaroon ang nanay ng breast cancer, ovarian cancer, paghina ng buto o osteoporosis, at maging labis na timbang o obesity.
- May ilang pag-aaral din na nakakababa ng chance itong magkaroon siya ng leukemia.
May kakayahan din ang breastmilk na mag-adopt sa pagbabago ng bata. Kaya kahit tumatanda na ay swak pa rin ang health benefits nito para sa kanya.