Breech baby naputol ang ulo sa sinapupunan ng kaniyang ina

Alamin ang posibleng risks kapag premature ang baby at breech ang posisyon nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang baby ang nasawi matapos maiwan ang ulo nito sa sinapupunan ng kaniyang ina. Breech o suhi ang posisyon ng sanggol, na kulang rin sa buwan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Baby naiwan ang ulo sa sinapupunan ng ina
  • Mga risks ng normal delivery kapag breech baby
  • Mga risks kapag premature ang sanggol

Breech baby naiwan ang ulo sa sinapupunan ng ina

Kalunos-lunos ang nangyari sa isang pamilya sa Negros Occidental. Ito ay matapos maputol ang ulo ng sanggol na bagong silang habang nasa labor ang kaniyang ina.

Ang insidente ay nangyari noong June 8. Nasa isang infirmary ang mag-asawang sina Nereza at John Tarig. Ito ay dahil sumakit ang tiyan ni Nereza, na noon ay buntis.

Ayon sa report ng GMA Regional TV News, napag-alaman ng mga medical staff na breech ang posisyon ng sanggol. Ibig sabihin, imbis na ulo ang nasa bandang vaginal canal, ang nakapwesto rito ay ang paa ng baby.

Isinagawa ang normal delivery sa sanggol na premature o kulang sa buwan. Ngunit pagluwal sa bata ay hindi ito buong nailabas sa sinapupunan ng nanay. Naiwan ang ulo ng baby sa bahay-bata ng kaniyang ina.

Kaya naman agad na dinala ang nanay sa isang district hospital para doon makuha ang naiwang parte ng baby sa kaniyang sinapupunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon ay nakalabas na si Nereza sa ospital. Humihiling ang mag-asawa na maipaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari sa kanilang anak.

Mga risks ng normal delivery kapag breech baby

Ang breech pregnancy ay uncommon sa pagbubuntis ng mga mommy. Ayon sa Cleveland Clinic, nasa 3 hanggang 4 percent lang ng pregnancy ang nagkakaroon ng breech baby.

Apat ang posibleng maging fetal position kapag breech baby. Ito ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Frank breech – Ang bandang pwet ng baby ay nakapwesto malapit sa vaginal canal. At ang mga legs nito ay naka-bend patungo sa ulo.
  • Complete breech – Ang buttocks naman ng sanggol ay nakapwesto downward. Habang ang tuhod naman ay naka-fold, mistulang nakaupo sa sinapupunan ng ina.
  • Footling breech – Sa naturang posisyon, ang unang lumalabas ay ang isang paa ng baby.
  • Transverse lie – Ang posisyon ng baby ay pa-horizontal imbes na vertical. Ibig sabihin, ang bandang balikat ng baby ang unang lalabas sa panganganak ng isang mommy kapag ganitong uri ng breech pregnancy.

Para sa mga breech pregnancy, wala namang kinalaman ito sa magiging health at development ng baby. Lalaki pa na malusog ang mga breech baby.

Ngunit pagdating sa delivery, minumungkahi ng karamihan ng doktor na gawin ang Caesarean section delivery. Ito kasi ang pinakaligtas na paraan para mailuwal ang isang breech baby.

Sa ika-36 weeks sa pagbubuntis, kapag breech pa rin ang posisyon ng baby ay doon na inaabisuhan ang nanay tungkol sa posibleng pagbabago sa kanilang birthing plan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa nakitang pag-aaral na nai-publish sa The Lancet, nakitang ang rate ng infant death ay higit na mas mababa kapag ang delivery sa mga breech babies ay sa pamamagitan ng Caesarean section.

Samantala, may mga gumagawa pa rin ng normal delivery para sa breech pregnancy. ‘Yun nga lang, mas prone ang injury sa baby kapag normal labor ang pagdadaanan ng isang ina.

Ang ilang puwedeng karahapin ng isang ina na susubok ng vaginal breech birth ay posibleng pagka-dislocate ng buto ng sanggol. Partikular na posibleng maapektuhan ay ang legs at arms ng baby.

Bukod pa rito, posible ring magkaroon ng problema sa puwesto ng umbilical cord. Ito’y dahil posibleng maging flat o ma-twist ang cord, dahilan para posibleng maubusan ng oxygen ang baby.

May procedure na tinatawag na ‘external version (EV)’, kung saan susubukan ng doktor na ilagay ang baby sa correct position para maipanganak ito ng maayos. Ngunit base sa American College of Obstetricians and Gynecologists, nasa kalahating pagkakataon lang nagiging successful ang EV.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

What moms need to know about ‘suhi’ or breech birth

REAL STORIES: “Nakunan ako kasi sinunod ko ‘yong in-laws ko na magpahilot imbis na pumunta sa ospital.”

Premature baby problems: 14 Short-term and long-term health issues faced by premature babies

Mga risks kapag premature ang sanggol

Itinuturing na premature ang isang baby kapag ito ay ipinanganak tatlong linggo bago sumapit ang due date nito. Ibig sabihin, mailalarawang premature ang baby kapag ito ay iniluwal bago sumapit ang 37th week ng isang nanay.

Ilan sa mga posibleng komplikasyon na harapin ng isang premature baby ay ang mga sumusunod:

  • Problema sa paghinga – Ito ay dahil sa pagiging immature ng respiratory system dahil kulang sa buwan. Posibleng magkaroon ng respiratory distress syndrome ang isang baby dahil hindi normal ang function ng lungs nito.
  • Heart problems – Common sa mga premature babies na posibleng maranasan ay ang mababang blood pressure at patent ductus arteriosus (PDA). Ang PDA ay ang persistent na pagbubukas ng aorta at pulmonary artery.
  • Kondisyon ng brain – Kapag maagang naipanganak ang isang baby, mas lumalaki ang risk sa intraventricular hemorrhage, o pagdudugo sa utak.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement