Kadalasang sinasabi ng mga nakakatanda na ang pag-aasawa ay hindi biro. Kadalasan din ay hindi natin ito nare-realize kung gaano ito katotoo hangga’t mag-asawa na tayo.
Maraming responsibilidad na kaakibat ang pagkakaroon ng asawa at pamilya. Hindi lang ito totoo sa mga babae kapag nagka-anak na, ngunit pati na rin sa mga lalaki. Mayroong mga bagay na kailangan na ihinto na gawin o di kaya’y bawasan dahil ang panahon at oras ay mas naka-focus na sa pamilya. Sa madaling salita, hindi na puwedeng mag buhay binata.
Sa theAsianparent app community, nagtanong si Mommy Elle kung ano ang unang hininto o ginive-up kani-kanilang mister nang magkapamilya na ang mga ito.
Itinigil na ang buhay binata
Ayon sa mga mommy na sumagot sa tanong, ito raw ang mga nakita nilang pagbabago sa kanilang mga mister nang ito ay naging pamilyado na at nang natigil na ang buhay binata days nito.
1. Madalas na pag-inom o paglabas kasama ang barkada
Kung dati ay linggo-linggo na lumalabas kasama ang barkada para mag-enjoy at mag-unwind, ngayon ay bihira na raw lumabas si mister. Gumigimik na lamang siya kapag may espesyal na okasyon o di kaya’y paminsan-minsan na lang kapag stressed sa trabaho.
Kadalasan ginugugol niya ang kaniyang extra time para makasama ang kaniyang misis at anak.
2. Maagang umuwi
Kung dati-rati ay pa-morning-an ang paglabas kasama ang mga kaibigan o di kaya ay nag-overtime sa trabaho, ngayon nasa disenteng oras na kung umuwi si mister. Daig pa niya si Cinderella dahil wala pang alas-dose ay nasa bahay na ito!
Again, tanggap kasi niya na may responsibilidad siya sa bahay. Sabik din siyang makasama ang mga anak pagkatapos ang mahabang araw sa trabaho at sa trapik.
3. Nagpapaalam kung saan siya pupunta
Ngayong alam niyang may umaasa na sa kaniya, sinisiguro niyang alam ng kaniyang misis kung nasaan siya para hindi ito mag-alala kapag late na makakauwi o kapag may pupuntahang malayo.
4. Pagiging ma-pride
Kung dati rati ay hindi ito nagpaparaya sa mga argumento, ngayon ay hindi na ito nagdadalawang isip bago ito magparaya at humingi ng tulong kung kinakailangan. Mas alam na niya ngayon kung ano ang priorities niya at hindi isa rito ang pagkakaroon ng mataas na loob.
5. Pag-iwas sa ibang mga babae
Kusa na siyang umiiwas sa ibang babae, mapa-kaibigan man o katrabaho. Ayaw niyang mabigyan ng kulay ang relasyon niya sa mga ito dahil may asawa na siya.
Alam niya na maraming tukso kaya’t hindi na niya nilalagay ang sarili niya sa posisyon kung saan maaari siyang magkasala at mabali ang pangako niyang misis lang niya ang mamahalin niya pang-habangbuhay.
6. Mas responsable sa pera
Kung dati ay kasama ang mga luho niya sa mga gastusin, ngayon alam niyang may mga ibang bagay na mas kailangan paglaanan ng pera tulad ng pag-iipon, pera panganganak ng misis, mga gamit ng bata, edukasyon, at ang pang-araw-araw na gastusin.
May iba na tuluyan nang nagbenta ng kanilang mga prized possessions katulad ng bike o mga koleksyon para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
7. Bisyo
Hindi lang pag-inom ang nabawasan pati ibang bisyo katulad ng paninigarilyo. May iba rin na binawasan na ang paglalaro ng basketball o di kaya’y computer games noong nagkapamilya na.
Kayo, anong mga ginive-up ng mga asawa ninyo mula nang magkapamilya kayo?
Basahin: Ano ang dapat gawin kung malungkot ang relasyon ninyong mag-asawa
Photo by Wil Stewart on Unsplash