Baby na-lock sa loob ng kotse, ni-rescue ng mga criminal

undefined

Bukas kotse inmate at apat pang kriminal iniligtas ang isang baby na nalocked sa loob ng sasakyan.

Bukas kotse inmate at iba pang low-level offender criminals sa Pasco Country, Florida, iniligtas ang one year old baby na na-lock sa loob ng kotse.

Bukas kotse inmate nirescue ang isang bata na nalocked sa loob ng kotse.

Image screenshot from Facebook video

Isang baby ang aksidenteng nai-lock sa loob ng kotse ng kaniyang ama.

Sa kuwento ng ama ng baby ay inayos niya daw ang strap ng car seat ng kaniyang anak sa backseat ng kotse. Habang ginagawa ito ay inihagis niya naman ang susi ng kotse sa front seat.

Nang matapos ayusin ang car seat ng kaniyang anak ay isinara niya ang back door at nagulat nang ma-reliaze niya na na-lock na pala ang kotse niya.

Hindi nga alam ng ama ng baby ang gagawin nito lalo pa’t parehong nasa loob ng kotse ang susi at ang anak niya.

Bukas kotse na kriminal

Mabuti na nga lang daw at may mga inmates na nag-aayos ng median sa kalsada—bilang parte ng kanilang sentensya na community service—na tumakbo at agad na tinulungan sila.

Right timing nga naman talaga na isa sa mga inmate ang dating miyembro ng bukas kotse gang na agad ginawa ang nalalaman niya para mai-save ang bata.

Kasama ang mga police officers na nagbabantay sa mga inmate ay ginawa ng mga ito ang makakaya nila para mabuksan ang na-lock na kotse sa pamamagitan lang ng isang clothes hanger.

Matapos nga ang ilang minuto ay nabuksan ang na-locked na kotse at nai-save ang bata na naiyak matapos ang insidente.

Ang pagsagip sa bata sa tulong ng bukas kotse inmate at iba pang kasama nito ay nai-record ng ina ng bata na si Shadow Lantry na ipinost nito sa Facebook.

Sa ngayon nga ay mayroon na itong 238 thousand views at isinishare na ng mahigit ng 260 times na kung saan may iba’t-ibang reaction din ang mga netizens.

“Not all heroes wear capes, all you need is car thief” 😂

“CRIMINALS SAVE THE DAY AND A BABY GIRL! HOW VICIOUS ARE THEY?”

“Hahaha laking tulong ng mga carnapper 🙌👏”

“Inmates doing road repair in Florida use their “skills” to rescue a one-year-old from a locked car. Teamwork!”

“1 year old accidentally trapped inside the SUV rescued by inmates😱👏🏼👏🏼👏🏼 faith in humanity restored!”

 “Nice to have some helpful prisoners around.”

When they could have taken advantage of the chaos. Lelz

“…These good people…. All the prisoners… Thank you…”

 

Sa video nga ng 5-minute rescue operation sa baby ay maririnig ang kaniyang ina na si Shadow Lantry na nagpasalamat sa mga criminals at sinabing nirerespeto niya ang mga ito.

Samantala, ayon naman sa Pasco Country Sheriff na si Chris Nocco, ang nangyaring insidente daw ay isang unique na sitwasyon na kung saan kinailangan nilang hayaang gamitin ng isang bukas kotse inmate ang kaniyang skills para mabuksan ang kotse at mailigtas ang baby na nasa loob nito.

Dagdag pa niya ay may maliit na percentage lang ng mga kriminal sa mundo ang gustong labanan at atakihin ang batas.

Ngunit karamihan sa mga ito ay alam ang mali nilang ginawa at gustong gawin na ang tama sa kanilang buhay. Tulad na nga lang daw ng limang inmates na nagligtas sa na-trap na bata. Ang mga ito raw ay low-risk offenders lamang at kasulukuyang nasa rehabilitation para magbalik ulit sa normal nilang buhay.

Care safety para sa mga bata

Lubos na mapanganib na naiiwan ang mga bata sa loob ng sasakyan. Maaari itong ma-suffocate dahil sa kawalan ng hangin sa loon ng kotse o di kaya ma-heat-stroke sa sobrang init. Puwede rin nilang paglaruan ang kotse katulad ng handbrake at biglang mapa-andar ang kotse.

Upang makaiwas sa disgrasya, importanteng bigyan ng dobleng pansin ng mga magulang ang kanilang mga anak at gawin ang mga sumusunod:

  • Ugaliing i-check muna ang sasakyan bago bumaba para masiguradong walang batang maiiwan dito.
  • Lagyan ng alarm ang sasakyan o ang iyong cellphone bilang paalala na kailangang icheck ang loob ng sasakyan bago iwan ito.
  • Huwag hayaang maglaro malapit o sa loob ng kotse ang mga bata.
  • Itago sa lugar na hindi maabot o makukuha ng mga bata ang susi ng sasakyan.
  • Kung sakaling mawala sa paningin ang anak, icheck agad ang loob ng sasakyan pati ang trunk nito na maaring pagkakulungan ng bata.
  • At kung sakaling nakulong sa loob ng sasakyan ang iyong anak tumawag agad sa emergency services para mabigyan agad ng pangunang lunas ang bata o ang karapatang medical na atensyon at maagapan ang mas malala pang pwedeng mangyari.

 

Sources: Inquirer, CNN

Basahin: 2-taong gulang na bata naiwan sa loob ng kotseng hindi naka-handbrake

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!