Sadyang nakakabahala nga ang pagtaas ng kaso ng mga bata na naiwan sa kotse at namamatay. Samantalang pinaghalong pagsisisi naman at kalungkutan ang nararamdaman ng mga magulang na nawalan ng mga anak dahil sa mga ganitong insidente. Isa na nga rito ay si Kim Rowlands, 29 ng Cardigan Wales, United Kingdom.
Image from pexels
Bata na naiwan sa kotse
Sadyang nakakabahala nga ang pagtaas ng kaso ng mga bata na naiwan sa kotse at namamatay. Samantalang pinaghalong pagsisisi naman at kalungkutan ang nararamdaman ng mga magulang na nawalan ng mga anak dahil sa mga ganitong insidente. Isa na nga rito ay si Kim Rowlands, 29 ng Cardigan Wales, United Kingdom.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kim Rowlands ang isang tribute video para sa kaniyang anak na si Kiara Moore. Isang dalawang-taong batang babae na namatay matapos iwan ng kaniyang inang si Kim sa kotse na dumausdos pababa ng rampa at lumubog sa freezing waters ng River Teifi sa Cardigan, Wales. Nangyari ito noong nakaraang March 19, tatlong araw bago ang kaarawan ni Kiara.
Ayon kay Kim, kinailangan niyang pumunta sa opisina ng kaniyang asawa para kumuha ng pera matapos hindi gumana ang bank card niya. Iniwan niya lang si Kiara na nakaupo sa kaniyang carseat sa upuan sa harap ng kotse. Matapos ang dalawang minuto paglabas niya hindi na niya nakita ang kotse sa pinagparkan niya at inakalang nanakaw ito kasama ang kaniyang anak.
Matapos ang dalawang oras na paghahanap, napansin ng isang police officer ang tila bubong ng kulay silver na kotse sa ilog. Kaya nagdesisyon itong sisirin para tingan at kumpimarhin kung ito nga ang kotse ni Kim. Sa ilalim ng nagyeyelong tubig, doon nga ay nakita ang lumubog na kotse na kung saan kinailangang basagin ang bintana nito para makuha si Kiara.
Dead on arrival
Nang madala nila si Kiara sa pampang sinubukan nilang i-revive ito sa pamamagitan ng CPR ngunit huli na ang lahat at ito ay patay na.
Ayon sa imbestigasyon, napag-alamang hindi nai-on ang handbrake ng kotse ni Kim nang kaniya itong i-park na naging dahilan para dumausdos ito pababa sa nagyeyelong ilog kasama ng kaniyang anak.
Sa ngayon ay labis ang pagsisi ni Kim sa nangyari habang patuloy na inaalala ang saya at kulay na ibinigay ng maikling buhay ni Kiara sa kanila.
Hindi dapat iniiwan ang bata sa kotse nang mag-isa
Isa lamang ang kaso ni Kiara sa marami pang bata na naiwan sa kotse at namatay. Kaya naman pinapaalalahanan ang mga magulang na mas maging maingat sa kanilang mga anak.
Samantala maliban sa kaso ni Kiara, isa sa nangungunang dahilan ng ikinamamatay ng mga bata na naiwan sa kotse ay ang hyperthermia o heat stroke.
Dahil ito sa init ng temperatura sa loob ng kotse na maaring tumaas ng hanggang 20 degrees sa loob ng sampung minuto at 40 degrees sa loob ng isang oras lamang. Habang ang katawan ng isang bata naman ay umiinit ng mas mabilis ng tatlo hanggang limang beses kumpara sa katawan ng matatanda. At ang init ng temperatura lagpas ng 70 degrees ay maaring na maging dahilan ng kamatayan dahil sa heatstroke. Ang bahagyang pagbaba ng bintana ng sasakyan ay hindi rin makakatulong upang pigilan ang mabilis na pagtaas ng init ng temperatura sa loob nito.
Ang heatstroke ay maari ring maging dahilan ng damage sa utak at iba pang organs sa katawan.
Samantala, ang iba pang naging dahilan ng pagkamatay ng bata na naiwan sa kotse ay pagkakulong sa loob ng trunk ng kotse dahilan para hindi ito makahinga. At ang paglalaro at pagpapaandar sa kotse dahilan para mauwi ito sa isang aksidente. Kaya naman importanteng bigyan ng doble pansin ng mga magulang ang kanilang mga anak at gawin ang mga sumusunod:
- Ugaliing i-check muna ang sasakyan bago bumaba para masiguradong walang batang maiiwan dito.
- Lagyan ng alarm ang sasakyan o ang iyong cellphone bilang paalala na kailangang icheck ang loob ng sasakyan bago iwan ito.
- Huwag hayaang maglaro malapit o sa loob ng kotse ang mga bata.
- Itago sa lugar na hindi maabot o makukuha ng mga bata ang susi ng sasakyan.
- Kung sakaling mawala sa paningin ang anak, icheck agad ang loob ng sasakyan pati ang trunk nito na maaring pagkakulungan ng bata.
- At kung sakaling nakulong sa loob ng sasakyan ang iyong anak tumawag agad sa emergency services para mabigyan agad ng pangunang lunas ang bata o ang karapatang medical na atensyon at maagapan ang mas malala pang pwedeng mangyari.
Ang mga bata ay normal na makukulit at mapaglaro kaya naman ibayong pagbabantay at pag-gabay sa kanila ang maaring magawa ng mga magulang para maiwas sila sa kapahamakan. Maari din sila paalalahanan ng mga hindi dapat nilang gawin para maiwas sila sa mga bagay na ikapapahamak ng kanilang buhay.
Sources: CNN, Seattle Childrens, HealthLine, The Sun
Also read: Depensa ng ina ng batang iniwan sa kotse: “Sandaling-sandali lang po ‘yon.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!