Bungee jumping for kids, gaano kaligtas ang activity na ito para sa mga bata?
Father and daughter bungee jumping for kids experience
Usap-usapan ngayon sa Malaysia ang isang amang isinama na mag-bungee jump ang 2-anyos na anak niyang babae.
Sa video na inupload ng ama na kinilalang si Redha Rozlan, isang Malaysian reality star ay makikitang naka-full gear na ito para sa kaniyang bungee jumping experience. Ngunit ang nakakakabang makikita sa video niya ay ang pagsama sa kaniya ng kaniyang toddler na anak sa paggawa ng activity.
Makikitang habang yakap niya ang anak ay tinatapik-tapik niya ang likod nito bago sila tuluyang hinatak pababa sa Kuala Kuba Bharu bridge na may 196 feet ang taas.
(NOTE: Instagram Video not embedded)
www.instagram.com/p/BgbU55bnSbk/?utm_source=ig_embed&utm_campaign=loading
Reaksyon ng mga netizen
Hindi naman pinalampas ng mga netizen at iba pang nakanood ng video ang ginawa ni Redha. Kanilang ipinaabot ang pagkadismaya sa ginawa ni Redha dahil sa peligrong maaring idulot ng bungee jumping sa buhay ng anak niya.
Dahil kung titingnan sa video ay bagamat naka-safety harness ang kaniyang anak ay wala naman itong suot na helmet.
Umalma din ang isang child rights lawyer na si Goh Siu Lin sa ginawa ni Redha. Ayon sa kaniya ay kulang sa proper parental judgement si Redha para isama ang anak sa isang extreme at dangerous sport tulad ng bungee jumping.
“Rope spring jump is an extreme sport and dangerous and there is a high likelihood of the motions in such an activity causing physical injury to her.
“I have never heard of any child of that age being allowed to participate in such extreme sports.”
Ito ang naging komento ni Goh Siu Lin ng mapanood ang video.
Para naman sa human rights lawyer na si Andrew Khoo ay maaring makasuhan si Redha sa kaniyang ginawa. Pati na ang kompanya na nag-facilitate ng bungee jumping na ginawa nila.
“Yes, action can be taken under the Child Act. This clearly breached safety requirements, too.”
“The company operating the rope spring jump was also negligent for not preventing the parent from having the child tag along.”
Ito ang naging reaksyon ni Andrew Khoo ng mapanood ang video.
Ngunit ito lang ang isinagot ni Redha sa kanila.
“Chill, guys. Don’t try with your kids if your kids are not ready for this.”
Dagdag pa niya ay enjoy na enjoy ang 2-year-old daughter niya na si Mikaela sa kanilang ginawa. Sa katunayan ay nag-aaya pa daw ito na ulitin pa nila.
Bungee jumping for kids safety
Ang bungee jumping ay isa sa mga itinuturing na extreme sports ngayon. Dahil para maisagawa ito ay kailangang mag-dive ng isang tao mula sa isang mataas na lugar. Kasabay ng adrenaline rush at kaba ay kailangang masiguro ang safety ng gagawa nito. At ang unang dapat isaalang-alang ay ang pagsusuot ng tamang gear bilang proteksyon at guide ng sinumang susubok ng bungee jumping. Dahil kung magkaroon ng pagkakamali, ang bungee jumping ay maaring magdulot ng injury sa mata, spine, neck na maari ring mauwi sa kamatayan.
Bungee jumping injuries
Maaring makapagtamo ng eye injury sa bungee jumping dahil sa biglang pagtaas ng pressure sa mata dulot ng biglang pagtalon. Ito ay maaring magdulot ng temporary impairment sa vision. Maari ring makaranas ng eye infections, seeing spots at hemorrhages sa paggawa ng activity.
Ang biglaang pwersa rin dulot ng biglaang pagtalon sa bungee jumping ay maaring magdulot ng injury sa vertebrae ng spine at spinal cord. Ilan pa sa mga injury na maaring maranasan ay compression fractures, broken bones sa spine at herniated discs at spaces sa pagitan ng the vertebrae. Ang mga sumusunod na injury ay maaring gumaling ngunit maaring magdulot rin ng paralysis sa makakaranas nito.
Nakakatakot na injury rin na maaring maranasan sa bungee jumping ay ang pagkabuhol ng cord sa leeg ng jumper. Ito ang pinakadelikadong mangyari dahil maari itong makasakal sa jumper na maari niyang ikamatay.
Bungee jumping safety measures
Kaya naman para masigurong maiwasan ang mga damage at injury na ito ay dapat masigurong ready ang sinumang gagawa ng bungee jumping.
Una ay dapat dumaan sa physical evaluation ang sinumang susubok ng bungee jumping. Dapat ay tumugma ang kaniyang weight at height sa target range. Dapat din ay properly fitted ang mga equipment na kaniyang gagamitin tulad ng weight-bearing cords at body harness.
Samantala, hindi puwedeng mag-bungee jump ang sinumang nakakaranas ng sumusunod na kondisyon:
- May abnormal blood pressure, heart rate o rhythm
- Mayroong back o leg disorder
- May breathing at circulatory disorder
- Mayroong head injury
- Buntis
- Dumaan sa recent surgery
Bago gawin ang activity ay dapat masusing i-check ang equipment na iyong gagamitin. Dapat ay kumpleto ang harness, matibay ang bungee cord at ang anchor na pinagtatalian nito. Dapat ay mayroon ring airbag o webbing sa gitna ng jumping space na paggagawan ng activity upang may siguradong sasalo sa jumper sa kung sakaling may mangyaring aksidente.
Kailangan din ay nakasuot ng tamang damit ang sinumang susubok ng bungee jumping. Ito ay mga casual outdoor clothing na hindi magiging hadlang sa pagsusuot ng proper harnessing. Dapat din ay tanggalin o walang suot na accessories tulad ng jewelries, unsecure glasses o contact lenses ang gagawa ng bungee jumping activity.
Isinasaalang rin ang maayos na panahon sa paggawa ng bungee jumping. Dapat ay hindi maulan para hindi maging madulas ang mga daan at equipment na gagamitin. Higit sa lahat dapat ay properly trained ang mga taong aalalay sa bungee jumper. At dapat aware sila sa mga dapat gawin sa oras ng hindi inaasahang aksidente.
Source: SafeSport, Livestrong, NewYork Post
Basahin: WATCH: Creative dad transforms 4-year-old son’s playtime adventures into action movies