X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Dapat bang ipag-alala ang pagkakaroon ng regla kapag buntis?

3 min read
Dapat bang ipag-alala ang pagkakaroon ng regla kapag buntis?Dapat bang ipag-alala ang pagkakaroon ng regla kapag buntis?

Ano nga ba ang ibig sabihin kapag buntis pero may regla ang isang ina? Dapat ba itong ipag-alala, o normal lang ba itong nangyayari sa ibang mga nanay?

Maraming bagay na inaalala ang mga nagbubuntis. Nagiging maingat sila sa kanilang kinakain, sa mga gawain upang masiguradong ligtas ang kanilang sanggol. Ngunit paano kung isang araw, mapansin ng ina na dinudugo siya? Normal lang ba ang maging buntis pero may regla? At kailan ba dapat itong ipakonsulta sa mga doktor?

Posible bang maging buntis pero may regla?

Maraming posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng 'regla' ang mga buntis. Ngunit mahalagang malaman ng mga ina na hindi puwedeng maging buntis pero may regla ang isang babae. Ito ay dahil kapag buntis ang isang babae, tumitigil ang kaniyang menstrual cycle. 

Ito ay dahil ang menstrual cycle ay nangyayari kapag naglalabas ng unfertilized na egg cell ang babae. Kapag buntis ang isang ina, tumitigil ang prosesong ito, kaya't nawawala ang kanilang buwanang dalaw.

Ngunit posibleng magkaroon ng spotting o kaunting pagdurugo ang mga ina kapag sila ay nagdadalang-tao. Sa unang trimester ng pagbubuntis, nasa 30% ng mga ina ay nakakaranas ng spotting, o kaunting pagdurugo. Bagama't normal ito, mahalaga pa rin na magpunta ang mga ina sa kanilang OB-GYN upang masiguradong wala silang problema sa pagbubuntis.

Ang kadalasang sanhi nito ay ang implantation bleeding o pagdurugo dahil kumapit na ang nabuong baby sa uterus ng ina. 

Kailan dapat mag-alala ang mga ina?

Posible rin naman na maging epekto ito ng mas malubhang kondisyon. Kapag maraming dugo na lumalabas, kadalasan itong sintomas na nalagalag na ang sanggol. Ito ay pinakamapanganib sa unang trimester, dahil sa unang trimester madalas nalalaglagan ang mga ina.

Minsan naman, nagkakaroon ng pagdurugo, ngunit hindi nalaglag ang bata. Ito ay nangyayari kapag mababa ang lokasyon ng placenta sa cervix ng ina. Ang ganitong kondisyon ay tinatawag na placenta previa, at kinakailangang maging maingat ang mga inang mayroong ganitong kondisyon. Madalas ay nirerekomenda ng mga doktor na magpahinga lamang ang mga inang may placenta previa, at umiwas sa pakikipagtalik habang nagbubuntis.

Posible rin na sintomas ito ng premature na panganganak o kaya placental abruption kung saan bumibitaw ang placenta sa uterus. Kapag nangyari ito, madalas ay makakaramdam ng matinding sakit ang mga ina at matinding pagduruigo. Sa kabutihang palad ay bihirang-bihira ang ganitong mga kondisyon.

Ang kailangan lamang tandaan ng mga ina ay huwag nilang balewalain ang mga kakaibang sintomas habang sila ay nagbubuntis. Kung nagdududa ka sa nararamdaman mo, mabuting magpakonsulta na agad sa doktor upang masiguradong walang magiging problema ang iyong pagbubuntis.

 

Source: Women's Health

Basahin: 6 dahilan kung bakit nade-delay ang menstruation

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Dapat bang ipag-alala ang pagkakaroon ng regla kapag buntis?
Share:
  • Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mga sex dreams?

    Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mga sex dreams?

  • Bakit sumasakit ang pusod kapag nagbubuntis?

    Bakit sumasakit ang pusod kapag nagbubuntis?

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

app info
get app banner
  • Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mga sex dreams?

    Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mga sex dreams?

  • Bakit sumasakit ang pusod kapag nagbubuntis?

    Bakit sumasakit ang pusod kapag nagbubuntis?

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.