Burger Steak 101: Paano Gumawa ng Langhap Sarap na Burger Steak?

Sa isang sikat na fast food restaurant, ang burger steak ay isang bestseller na tinatamasa ng marami. At dahil diyan, ipapakita namin sa iyo kung paano gumawa ng iyong sariling bersyon sa bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pamilyar tayo lahat sa mga hamburger: makatas na mga patty gawa sa karne ng baka na naka-sandwich sa pagitan ng dalawang buns na may mga kamatis, lettuce, sauce, at iba’t ibang mga sidings pa. Ngunit sa isang bansa na mahilig sa kanin, ano ang iba pang magandang paraan upang gawing masarap sa klasikong burger? Bilang isang Burger Steak, siyempre!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sangkap sa Burger Steak
  • Paraan ng pagluluto ng Burger Steak

Ang Burger Steak ay ibang bersyon sa klasikong hamburger na may kanin sa halip na tinapay. Naka-serve siya kasama ng kanin at isang malasa at masarap na gravy na may mushrooms pa! Tinatawag din ito ng “Salisbury Steak” sa ibang bansa, ngunit dito sa Pilipinas, kilala ito bilang isang “Burger Steak”.

Naging sobrang sikat ang Burger Steak kaya ang isang lokal na fast food chain ay nagsimulang mag-alok nito sa menu. Nailalarawan ng isang “langhap sarap” na lasa, ang murang at abot-kayang pagkain na ito ay naging paborito ng mga Pilipino at kahit din ang mga foreigners.

Imbis na bilhin ito sa fast food chain na iyan, maaari mo rin itong gawin sa bahay ng mas masarap pa lalo. At pwede mo ring palitan ang ground beef para sa ground pork, o kahit ihalo ito depende sa iyong diyeta at kagustuhan.

Dito, ipapakita namin sa iyo kung paano gumawa ng iyong sariling Burger Steak na masarap, malasa, at malinamnam pa!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Burger Steak Recipe (nagsisilbi 4)

Mga sangkap:

Burger Patty:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • ½ kilo ng Giniling na Baka (80:20 ground chuck) o Giniling na Baboy
  • 1 Puting Sibuyas
  • 2 pirasong White Bread (pwede ring breadcrumbs)
  • 2 tsp ng Worcestershire Sauce
  • 1 na Itlog
  • Asin at paminta
  • 2 tsp ng Pickle Relish (opsyonal)
  • 2 tsp ng Mantika

Larawan mula sa iStock

Gravy:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • ¼ tasa ng Beef o Pork Drippings (mantika ito na galing sa niluluto mong Burger Patties)
  • 2 tsp Harina
  • Tubig
  • ½ lata ng Button Mushrooms
  • Asin at Paminta

Mga Pamamaraan:

  1. Hiwain ng pino ang puting sibuyas o white onion.Maaari mo ring gamitin ang isang grater para dito. Itabi.
  2. Ilagay ang iyong White Bread sa food processor at ipulso hanggang maging pino siya. Maaari mo ring gamitin ang breadcrumbs kung gusto mo o punitin ang iyong tinapay sa maliliit na piraso.
  3. Hiwain mo nang manipis ang iyong mga Button Mushrooms at itabi. Gagamitin ito para sa gravy mamaya.
  4. Sa isang mangkok, pagsamahin ang iyong Ground Beef o Pork, tinadtad na Sibuyas, White Bread, Worcestershire Sauce, Egg, at Pickle Relish. Timplahan ng asin at paminta, pagkatapos ay ihalo gamit ang kamay hanggang sa pagsamahin ang mga sangkap.
  5. Kukuha ka ng 1/3 na tasa ng karne at gawing bola. Pisain ang mga ito hanggang bumuo ka ng burger patties, pagkatapos, gamitin ang iyong malaking daliri para gumawa ng isang indent sa gitna. Huwag mong butasan ah! 

Sa ganoong paraan, pantay ang pagkaluto ng patties. Ulitin hanggang sa ang buong timpla ng karne ay ginawang patya.

Tip:

Maaari mong i-freeze ang natitirang mga patties para sa susunod na kainan. Maglagay lamang ng wax paper sa ilalim ng bawat isa at ipatong-patong sa freezer)

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

  1. Sa isang kawali sa katamtamang init, ilagay ang iyong Cooking Oil. Kapag mainit na, maingat na ilagay ang iyong mga patties. Hayaan silang magluto hanggang kayumanggi ng mga 2 minuto, pagkatapos ay ibaliktad. Alisin mula sa init kapag tapos na at itabi.
  2. Huwag itapon ang langis! Idaan mo sa isang salaan at alisin ang mga anumang nasunog na mga piraso. Idagdag muli ang langis sa iyong kawali, babaan ang apoy, pagkatapos ay idagdag ang harina. Paghaluin hanggang sa maalis mo ang lahat ng mga buo-buo, pagkatapos ay magdagdag ng tubig nang maingat. Paghaluin hanggang maabot ang nais na consistency na gusto mo. Kung masyadong malapot, dagdagan ng tubig. Kung malabnaw, lagyan ng kaunting harina. Pagkatapos ay timplahan ng asin at paminta. Idagdag ang mga nahiwang Button Mushrooms at at ihalo hanggang sa pagsamahin.
  3. Ilagay ang iyong kanin sa isang plato, pagkatapos ay lagyan ang mga patties sa gilid. Ibuhos ang iyong gravy at i-serve. Enjoy!

Sinulat ni

Diane Nicole Go