REAL STORIES: "Sinisi ko ang sarili ko kung bakit ako na-CS—ang laki tuloy ng nagastos namin"

Ito ang C-section story ng isang mommy, kung saan tila sinisi niya ang kaniyang sarili kung bakit siya na-cesarean. Basahin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hi! Just want to share that I suffered Postpartum Depression in four months after giving birth. Actually, pagkapanganak ko palang at pag0uwi namin sa bahay mula sa ospital iyak na agad ako ng iyak. Here is my c-section story.

My c-section delivery story

I keep on saying “Sorry sorry” sa partner ko dahil na CS ako. Dinadamdam ko talaga ‘yon. Sobrang laki ng gastos and hindi talaga namin in-expect na ma-CS ako dahil sa eclampsia.

Sobrang sinisisi ko ‘yong sarili ko dahil feeling ko kasalanan ko kung bakit ako na CS at naging sobrang iyakin yung baby ko. Gabi gabi akong umiiyak dahil sobrang hirap na hirap ako.

Naging sobrang mahirap din para sakin ‘yong unang pagdede ni baby sa akin kasi sobrang sakit talaga! Hindi ko ma-explain ‘yong sakit.

My C-Section delivery story | Larawan mula sa author

Pero para akong kinukuryente tapos sobrang hina pa ng gatas ko kaya kapag dedede si baby nagsusugat talaga ang nipple ko at nagdudugo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buti na lang may mga sinalihan akong breastfeeding mom groups para sa mga tips about breastfeeding at dun ko talaga natutunan lahat hanggang sa pang pump and everything.

Hindi ko alam kung paano ko nagagawa lahat pero sobrang saludo ako sa mga nanay na cesarean na nagagawa pa ding mag alaga ng baby ng walang tulong ng iba bukod sa partner nila.

Mga pagsubok sa pag-aalaga kay baby

Wala kaming ibang kasamang matanda sa loob ng bahay na maga-guide man lang sana sa akin sa kung paano ang tama at mali pagdating sa pag-aalaga ng baby.

Kahit pagligo kay baby everyday hirap na hirap ako to the point na lagi ko pang inaantay ‘yong mommy friend ko na pumunta sa bahay para siya ‘yong magpaligo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Feeling ko kasi hindi tama ang mga ginagawa ko sa baby ko as a first time mom. Tho, tinuruan naman ako ng mother-in-law ko pero hindi ko talaga alam kung bakit takot na takot ako.

Iba ‘yong takot na nararamdaman ko tuwing mag-uumaga na at alam ko na maliligo na siya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong unahin ang dami ko ng tinanong na mga friends ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang dami ko nang pinanood na videos sa Youtube kung paano ang tamang pagligo pero hindi pa rin ako talaga confident na magpaligo kay baby na walang nararamdamang kaba or takot.

BASAHIN:

REAL STORIES: “I had an emergency CS and I didn’t have anyone with me at the hospital.”

Just gave birth via CS? Here are some tips to recover after a C-Section

CS mom confession: “Sinabihan ako na maarte kaya hindi daw ako nakapag-normal delivery”

Pakiramdam ko isa akong failure

Feeling ko failure ko ‘yon as a mom na hindi man lang magawang paliguan ng tama ang sarili kong anak. Kaya sobrang dinamdam ko ‘yon.

Iniiyak ko ‘yon gabi-gabi lalo na kapag habang nililiguan ko siya. Grabe ‘yong iyak niya na naririnig na ng kapitbahay iniisip ko na baka iniisip nila na,

“Ano ba yan hinahayaan lang umiyak yung anak”, “Kawawa naman ‘yong baby iyak ng iyak”

Pakiramdam ko ganun ang mga naiiisip nila tuwing umiiyak ang baby ko habang pinapaliguan ko. Tapos lagi pa siyang nangingitim kapag umiiyak siya, iyong tinatawag nilang “Nag-iihit”. Kaya doble-doble at patong-patong talaga ‘yong takot ko.

Nalampasan ko rin iyon at ito ang tips ko sa inyo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa author

Pero nalampasan ko ‘yon kasi bumalik na ko sa sa trabaho ko after four months. So may nag-aalaga na kay baby at na lessen na ‘yong pag iyak ko sa gabi dahil stay in ang nag-aalaga. Ayoko naman na makita niya akong umiiyak.

Minsan kailangan mo lang din talaga ng ibang mapaglilibangan bukod sa pag-aalaga sa ating mga baby. I suggest mag-business ka or talk to your mom friends.

Lagi kang humingi ng advise sa kanila kasi kapag kinulong mo lang ‘yong sarili mo sa depression ay matatalo ka. Kaya mommies kaya natin ito.

Isipin na lang natin na ito ang pinakamalaking pagsubok sa buhay natin at hindi tayo pwedeng magpatalo para sa ating mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Krizia Saclolo