Candy Pangilinan son Quentin fully vaccinated na kontra COVID-19.
Mababasa sa artikulong ito:
- How Candy Pangilinan convince son Quentin to have a vaccine.
- Paano pakalmahin ang batang may special needs para mabakunahan.
How Candy Pangilinan convinced son Quentin to have a vaccine
Ang COVID vaccine ang tanging paraan sa ngayon na pumoprotekta sa isang tao laban sa kumakalat na sakit. Kaya naman lahat ay hinihikayat na magpabakuna na partikular na ang mga may iniindang karamdaman o comorbidities.
Sa ngayon, naaprubahan at sinimulan na ang pagbabakuna sa mga batang edad 12-anyos pataas. Pasok sa age bracket na ito ay ang anak ng kilalang aktres at komedyante na si Candy Pangilinan.
Ang anak niyang si Quentin ay 17-anyos na mayroong autism spectrum disorder (ASD) at attention deficit hyperactivity disorder (ADHD). Ang mga sakit na ito itinuturing na comorbidity at dapat i-prioritize na mabakunahan ng COVID-19 vaccine.
Sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi ni Candy kung paano niya annoyed at pinakalma ang anak na si Quentin na mabakunahan ng COVID vaccine.
1. Mainam kung ikokondisyon ang isip ng isang bata tungkol sa vaccination ilang araw bago ito maganap.
Kuwento ni Candy Pangilinan sa kaniyang vlog, ang mga new o unfamiliar things tulad ng vaccination ay dapat sinasabi sa isang batang tulad ni Quentin madalas ilang araw bago ito maganap.
Sa pamamagitan nito, nakokondisyon ang kaniyang utak at hindi magugulat o magwawala kapag siya ay nasa actual activity na. Pero sa naging first dose ni Quentin ay naging mabilis ang pangyayari.
Sapagkat nalaman lang nila Candy na puwede na siyang mabakunahan gabi bago ang activity.
2. Ginamit nila ang salitang “superpower” imbis na vaccination.
Para masabi kay Quentin ang mangyayaring activity at hindi siya mabigla, ginamit ni Candy at doktor ni Quentin ang salitang “superpower” na dapat ibigay sa kaniya kinabukasan. Dahil pamilyar sa kaniya ang salita at alam niya ang ibig sabihin nito ay hindi siya natakot at sa halip ay na-excite sa mangyayari.
3. Ipaliwanag sa kaniya ang benepisyo ng pagbabakuna na na-eenjoy o gusto niya.
Dahil sa mahilig si Quentin na mamasyal ay ginamit nilang dahilan ito para makumbinsi siyang mabakunahan.
“Sinabi niya na its superpower its good. Kinausap ko ring mabuti. ‘Di ba Quentin when you have a vaccine saka ka lang puwedeng lumabas.”
Ito ang bahagi ng pagkukuwento ni Candy sa ginawa nila ng doktor ni Quentin para maihanda ito sa gagawing pagbabakuna sa kaniya.
Image from Candy Pangilinan’s Facebook account
4. Ipakausap siya sa doktor niya o isang tao na may authority na kaniyang pinakikinggan.
Nakatulong din umano ayon kay Candy, ang pakikipag-usap ng doktor ni Quentin sa kaniya. Sapagkat napaliwanag nito ang kahalagahan ng vaccine at kung bakit kailangang mabigyan nito si Quentin. Pero siyempre sinabi rin nila sa kaniya na isa itong happy event at wala siyang dapat ipag-alala.
“Always prepare your child for the activity that’s going to happen. Just like any normal child, kids with ADHD and autism are scared with injection.”
“The preparation to make it happy event is very important. Although he is scared of the process Quentin knows he needs the vaccine.”
Dagdag pa ni Candy, dahil sa minor pa si Quentin ay humingi siya ng referral mula sa doktor nito bago magpabakuna. Ito ay bilang katunayan na ready at fit na si Quentin para sa vaccination.
Maliban dito, napakahalaga rin na makausap ng isang batang may special needs ang doktor niya na itinuturing niyang may authority at kaniyang sinusunod.
“ASD is considered a comorbidity. I suggest that you tell your dev ped or pedia that you are interested to have your child vaccinated.”
Ito ang sabi pa ni Candy.
BASAHIN:
Candy Pangilinan: “Nanay lang iyong napagpasabay lahat. I think all mothers are like that.”
6 notes kung paano alagaan at palakihin ang batang may autism
My Child has ADHD. How do I make a decision about medication?
5. Ipakausap siya sa taong kinatutuwaan o pinagkakatiwalaan niya.
Para mas makumbinsi si Quentin na magiging isang happy event ang vaccination, ay ipinakausap rin ni Candy ito sa kaniyang crush. Ito ay para ipaliwanag sa kaniya ang halaga ng vaccination at siguraduhing magiging happy event ito na kaniyang ikakatuwa.
6. Bigyan siya ng reward matapos magawa ang activity.
Isa pang paraan para maging positive ang memory ng isang bata sa kaniyang naging vaccination ay makakatulong kung bibigyan siya ng reward.
Sa ganitong paraan iisipin niyang very good ang bagay na kaniyang nagawa. Kung mauulit man ito ay siguradong makakatanggap na naman siya ng bagong reward para sa kaniyang job well done.
7. Mas mabuting sa ospital siya pabakunahan kung saan trained ang mga doktor at nurse sa pakikipag-deal sa mga batang may special needs tulad ni Quentin.
Tulad ng inaasahan ay nagwala si Quentin ng nasa vaccination area na. Pero naging malaking tulong ang mga friendly nurse at doktor na alam kung paano makipag-usap sa mga batang tulad ni Quentin.
Image screenshot from YouTube video
8. Hayaang kumalma ang bata at maging komportable.
Hindi rin dapat umano piliting mabakunahan ang isang bata kung siya ay nagwawala. Mabuting hayaan lang muna siyang kumalma at maging komportable.
Magagawa ito sa pagbibigay ng mga gusto niya. Sa kaso ni Quentin ay nag-request siyang maupo muna. Tinanong din siya kung sinong gusto niyang magbakuna sa kaniya, at kung saang braso niya gustong gawin ang pagbabakuna, sa kanan ba o kaliwa.
Gamit ang mga tips na ito ay matagumpay na nabakunahan si Quentin. Sa 2nd dose rin ay ito ang kanilang ginawa. Good job Quentin!
Image screenshot from YouTube video
Source:
YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!