Best car bed in the Philippines para sa mahimbing na tulog ng kids

Magde-decorate ka ba ng room ni baby, alamin sa article na ito ang iba’t ibang design ng car bed sa Philippines!

Isa sa mga challenges ng parents ang pagpapatulog ng kanilang mga anak dahil kadalasan uncooperative ang kids pagdating ng bedtime.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Why choose a car bed for kids
  • How to choose a car bed for kids in the Philippines
  • Best Car Bed for Kids na Available sa Philippines

Sa pag-decorate ng kanilang bedroom ayon sa mga hilig nila, siguradong mahihikayat ang kids na pumasok sa kwarto at matulog. Alamin sa article na ito ang iba’t ibang design ng mga car bed sa Philippines!

Why choose a car bed for kids

Tulad ng totoong sasakyan, may iba’t ibang feature din ang mga car bed. Best for your kids ang mga car bed na may barrier sa gilid para hindi sila mahulog. Maganda rin ang mga car bed na may kasama nang shelves para sa mga laruan at libro ng kids.

May mga car bed din na dinesenyo bilang storage beds. Best ito para sa mga kwartong may limited space. Madalas na sa ilalim na bahagi ng car bed ang storage area nito kung saan pwedeng ilagay ang mga damit at iba pang bedroom essentials ng kids.

Beneficial both sa kids at parents ang pagkakaroon ng car bed. Nabibigyan nito ng mas malawak na space at extra time ang parents para sa kanilang sarili habang busy sa paglalaro sa kanilang car bed ang kids. Samantala, matutulungan nito ang kids na magkaroon ng healthy sleeping pattern at mapalawak ang kanilang imagination.

 

How to choose a car bed for kids in the Philippines

Iba’t iba ang needs ng bawat bata kaya mabuting alamin kung akma ba sa pangangailangan ng inyong kids ang bibilhing car bed. Narito ang ilan sa mga dapat tandaan sa pagbili ng car bed na best para sa inyong kids:

  • Size: Alamin ang sukat ng bibilhing car bed at piliin ang angkop sa height ng inyong kids. Mahalaga ring alamin kung akma ba ang size ng car bed sa espasyo ng kwartong paglalagyan nito.
  • Safety: I-check kung saang material gawa ang car bed at kung mayroon ba itong feature na hindi angkop para sa inyong kids na maaaring magdulot ng injury sa kaniya. Iwasang bumili ng car bed na may matutulis na kanto.
  • Quality: Mas mahimbing ang magiging tulog ng inyong anak kung komportable at safe ang kaniyang bed. Pumili ng car bed na dekalidad ang pagkakagawa. Alamin kung matibay at sturdy ang frame ng car bed para matiyak na hindi masisira habang nakahiga ang kids.
  • Design: Available sa iba’t ibang shapes, styles at designs ang mga car bed sa Philippines. Pumili ng design na akma sa preference ng inyong kids para siguradong ikatuwa niya ito. Alamin din ang feature ng car bed na maaaring makatulong sa mahimbing niyang pagtulog.

 

Best Car Bed for Kids na Available sa Philippines

Nahihirapan ka bang pumili ng car bed para sa iyong kids? Narito ang ilan sa best car bed sa Philippines na magugustuhan ng kids.

Best Car Bed for Kids
Stitching Bedside Bed
Best car bed for room sharing
Bumili sa Lazada
Tao Bulky Furniture Car Bed
Best car bed Philippines with storage
Bumili sa Lazada
Taozhimeng Children's Car Bed
Best for spacious room
Bumili sa Lazada
Multi-Functional Combination with Guardrail Cartoon Bed
Best mattress and bed frame
Bumili sa Lazada
Creative Children's Car Bed
Best for bed time stories
Bumili sa Lazada

Stitching Bedside Bed Review

Best car bed for room sharing

Easy-split at may high fence design ang Car Stitching Bedside Bed. Maaari itong gamitin bilang individual bed para sa toddlers na may sariling kwarto.

Pwede ring alisin ang isang fence upang idugtong sa kama para naman sa mga batang natutulog kasama ang magulang. Removable ang bawat fence kaya pwedeng ipwesto kahit saang side ng bed ng parents.

Gawa ang frame nito sa rubber wood na rich sa Southeast Asian countries. Environment-friendly at walang bad odor ang kahoy ng car bed na ito.

Balot ang Car Stitching Bedside Bed ng high quality leather thread na may natural texture, comfortable sa balat, at breathable. Malambot at komportableng sponge naman ang inner filling nito.

May sukat na 93cm ang taas ng headboard area mula sa floor, 23cm naman ang fence mula sa inner filling, may haba na 200-210 cm at lapad na 167 cm ang buong car bed. 

Features na gusto namin dito:

  • Size: Best for 1–3-year-old kids ang car bed na ito. Ayos din sa maliit na kwarto.
  • Safety and Quality:  Balot ng high-density sponge at leather fabric ang car bed na ito. Maiiwasang masaktan ang kids tuwing tatama ang bahagi ng katawan sa mga kanto ng bed kapag naglalaro. Komportable rin ang lambot ng sponge na gamit dito at pakurba at hindi matulis ang edges.
  • Design:  May high fence design para maiwasang mahulog o gumulong ang bata mula sa pagkakahiga. May cute soft ladder din na kasama para makapasok nang safe ang smaller kids sa loob ng car bed. Available din sa iba’t ibang kulay na attractive sa kids.

Tao Bulky Furniture Car Bed Review

Best car bed Philippines with storage

Best ang car bed na ito sa pag-organize ng mga gamit ng kids. Kung limited ang space sa kwarto ng inyong kids, mabuting bumili ng car bed na tulad ng Tao Bulky Furniture Car Bed na may fairly sized at reachable storage space. Matutulungan ka nitong ilagay sa ayos ang mga gamit ng kids.

Best din ito para sa mga kids na mahilig mangolekta ng laruan o mga gamit tulad ng postcards, stickers, stamps, at toy cars. May dalawang drawers ito kung saan pwedeng ilagay ang toys ng kids. May taas na 65 cm ang headboard area mula sa foor, 36 cm naman ang fence mula sa floor, may haba na 221 cm at lapad na 150 cm ang buong car bed. 

Features na gusto namin dito:

  • Size: Best sa 5 years old pataas ang car bed na ito. Perfect sa hindi kalakihang kwarto dahil may storage area kung saan pwedeng ilagay ang ibang gamit ng kids. 
  • Safety and Quality: Sturdy ang car bed na ito dahil gawa sa high-quality solid wood na may anti-decay property at high compressive strength. Pakurba rin ang mga edges nito at safe sa kids mula sa injury.
  •  Design: Inspired sa fashion sense ng sports cars na may empennage ang design ng car bed na ito. Best para sa kids na mahilig sa toy race cars. Maaliwalas tingnan ang car bed sa kulay nitong white at blue.

BASAHIN: 

Best Thermometer for Baby in the Philippines: Must-have digital thermometers and their prices

LIST: best toddler beds in the Philippines under P6,000

Best blackout curtains to help create a better sleeping environment in your room

Taozhimeng Children’s Car Bed Review

Best for spacious room

Available sa iba’t ibang kulay ang Taozhimeng Children’s Car Bed at tatlong iba’t ibang sizes: 120cmx190cm, 180cmx200cm, at 150cmx190cm. Best ito para sa kids na may sariling room na spacious.

May kasama nang mattress na gawa sa coconut palm na effective sa pagprotekta sa spine ng kids. Good pick ang car bed na ito dahil sa adopt human isothermal sleep design technique. Gamit ang technology, dinisenyo ang mattress ng car bed na ito na maging consistent ang internal temperature sa temperature ng human body.

Breathable and moisture proof din ang Taozhimeng Children’s Car Bed. Dumaan sa production process na pumipigil sa production environment ng mites. Beneficial sa environmental health ng kids at maging ng parents. Finally, gawa sa high-quality leather material ang bed body na may uniform pores, air permeability, sweat absorption, at moisture proof characteristics. Sa E1 grade environmentally friendly plates naman gawa ang body frame nito.

Features na gusto namin dito:

  • Size: Best para sa maluwag na kwarto dahil may kalakihan ang car bed na ito. Kasya ang dalawang bata na nasa edad 6 na taon pataas.
  • Safety and Quality: Gawa sa healthy at environment-friendly materials na safe sa kids. Soft at comfortable ang texture ng car bed para sa mahimbing na pagtulog. May anti-collision arc din para maiwasan ang injury sa kids. Dumaan ito sa durability test at may strong extrusion resistance kaya hindi madaling mag-collapse. Ang service life nito ay kayang tumagal ng 5 times kompara sa ordinary mattress.  
  •  Design: Siguradong adventurous ang trip ng kids patungo sa kanilang “dreamland" sa luxurious design ng car bed na ito. Wear-resistant, scratch-resistant, fashionable, at childlike ang design.

Multi-Functional Combination with Guardrail Cartoon Bed Review

Best mattress and bed frame

Gawa sa environment-friendly coconut palm, breathable fabric at high-density sponge ang mattress ng Multi-Functional Combination with Guardrail Cartoon Bed. Sumailalim sa field test upang masigurong swak sa standard value ng national authority ang formaldehyde emission. Safe ang car bed na ito sa kids at sa environment.

May internal spring ang mattress na hindi nagdudulot ng ingay o kakaibang tunog na maaaring maka-istorbo sa tulog ng kids. Pwedeng i-angat ang body ng car bed para mabuksan ang storage box sa ilalim nito.

Ang rib grills ng Multi-Functional Combination with Guardrail Cartoon Bed ay gawa sa high-quality hardware pneumatic rod na kayang saluhin ang 60 kg pressure. Samantala, gawa naman sa Russian Larch ang bed frame. Ang Larch ay isa sa pinakamatibay at may mechanical strength na coniferous tree species.

Skin-friendly, breathable, wear resistant, at durable naman ang leather material ng car bed. Mafi-feel ng kids na nakaupo talaga sila sa back seat ng totoong car sa texture ng leather headboard.

Features na gusto namin dito:

  • Size: May sukat na 120cm x 190cm, 180cm x 200cm, at 150cm x 190cm. Kasya ang dalawang bata na nasa edad na 3-years old pataas.  May malawak na storage area sa ilalim ng bed grills na maaaring lagyan ng gamit ng mga bata.
  • Safety and Quality: May guardrail feature para maiwasang mahulog ang mga bata.   Gawa sa safe at high-quality materials ang car bed na ito. May load bearing capacity na 400 kg ang bed frame, 60 kg pressure ang rib grills, at aabot ng 6 years ang service life ng mattress.
  • Design: Pakurba ang design ng edges kaya safe sa kids. Available sa tatlong kulay: cool sapphire blue, classic milky white, at dynamic brown.

Creative Children’s Car Bed Review

Best for bed time stories

Kung high-tech na car bed ang bet ng inyong kids, best na piliin ang Creative Children’s Car Bed.  Mayroon itong leather back surface, solid wood frame, car hood storage area, LED soft light lamp belt, at Bluetooth audio. Gawa sa Intelligent system ang audio speaker na maaaring ikonekta sa Bluetooth at i-charge gamit ang USB.

Ma-eexcite ang kids sa pakikinig sa story ni mommy o daddy habang nakahiga sa Creative Children’s Car Bed, with matching lights at sound effects pa. Pwede ring makinig ng calming music gamit ang Bluetooth audio upang matulungan siyang makatulog nang mahimbing at marating ang kaniyang dreamland. Best sa pag-establish ng parent-child bonding at interaction.

 Features na gusto namin dito:

  • Size: May sukat ito na 1380mm x 2450mm x 1200 mm. Kasya ang parent at kid para sa bedtime stories.
  • Safety and Quality: May Q-bomb sponge wrapping at anti-collision corners din para maiwasan ang injuries. Gawa ito sa stable at odorless solid wood board at soft and delicate leather na mataas ang kalidad at safe sa environment.

Design: Pwedeng i-angat ang car hood upang mabuksan ang storage box at ilagay ang mga gamit ng kids.

Price Comparison

Challenging pa rin ba ang pagpili ng car bed na best para sa inyong kids? Narito ang listahan ng car beds na available sa Philippines:

Product Price
Car Stitching Bedside Bed ₱21,869.00
Tao Bulky Furniture Car Bed ₱58,953.00
Taozhimeng Children ‘s Car Bed ₱38,994.00
Multi-Functional Combination with Guardrail Cartoon Bed  ₱30,652.44
Creative Children’s Car Bed ₱37,975.00 – ₱51,907.00

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

Sinulat ni

renee