X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Trina Candaza on her 26th birthday celebration: “Kung anong iniyak ko noon, ayon naman sinaya ko ngayon.”

5 min read
Trina Candaza on her 26th birthday celebration: “Kung anong iniyak ko noon, ayon naman sinaya ko ngayon.”Trina Candaza on her 26th birthday celebration: “Kung anong iniyak ko noon, ayon naman sinaya ko ngayon.”

Birthday wish ni Trina, sana magkaroon na sila ng dream house nila ng anak na si Mithi.

Trina Candaza sinurpresa ng mga kaibigan at kapatid niya sa kaniyang 26th birthday. Ayon kay Trina kung noong nakaraang taon ay pag-iyak ang ginawa niya ngayon naman ay sobrang saya ng naging birthday niya. And alamin din dito ang nangyari sa kanila ni Carlo Aquino.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Trina Candaza 26th birthday celebration
  • Birthday wish ni Trina

Trina Candaza 26th birthday celebration

Nitong Mayo 8 kasabay ng Mother’s day celebration ay nagdiwang rin ng kaniyang 26th birthday ang model at vlogger na si Trina Candaza.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi niya ang ilang larawan sa kaniyang naging birthday celebration na may pa-sorpresa daw mula sa mga kaibigan at kapatid niya.

Pinasalamatan niya ang mga ito sa naging birthday celebration niya na pambawi daw sa naging birthday niya noong nakaraang taon malungkot siya.

trina candaza birthday celebration

Image from Trina Candaza’s Instagram account

“Thank you for making me happy on my birthday and Mother’s Day.”

“First time kong masurprise. Gusto ko talagang mag birthday party because ilang years na din ako hindi nagsi-celebrate and last year was my saddest birthday. I thought hindi ako makakapag-celebrate kasi walang mag aalaga kay Mithi, but ayan!! May pa-surprise bigla!”

Ito ang pagpapasalamat ni Trina sa ginawang birthday surprise ng kaniyang mga kaibigan. Pinasalamatan niya rin ang mga ito sa pagmamahal na ibinibigay nila sa kaniya at sa anak niyang si Mithi.

“Thank you for loving me and my Mithi, thank you nandiyan kayo sa buhay naming mag ina.”

Birthday wish ni Trina

Kahapon ay ibinahagi na ni Trina sa kaniyang vlog ang naging birthday celebration niya. Doon ay makikitang very cute at adorable ang anak nila ni Carlo Aquino na si Mithi. Si Mithi ay mag-dadalawang taong gulang palang ngayong taon.

Ang mag-ina sinalubong ang birthday ni Trina sa pagshoshopping at pag-grocery. Saka sila nagtungo sa hotel na pinagdausan ng birthday party ni Trina.

Bagamat kuwento nito sa kaniyang vlog, ang buong akala niya ay sila ng Mama at mga kapatid niya ang mag-cecelebrate ng birthday niya. Kaya naman laking gulat niya na nandoon ang mga kaibigan niya at sinurpresa siya.

“Bumili ako ng balloons ko. Kasi wala akong ine-expect na kahit ano. Kasi yung friends ko sabi sa group namin busy daw sila, habol daw. Eh kapag sinabi kasing hahabol, susunod, hindi na ako naniniwala dun. Matik na ‘yon na hindi na talaga pupunta.”

Pero hindi tulad ng inaasahan ni Trina present ang mga friends niya sa birthday niya na sinasabi niyang pambawi sa lungkot at pag-iyak niya noong nakaraang taon.

“Ilang years na akong hindi nag-celebrate ng birthday. ‘Yong last birthday ko kasi saka last Mother’s Day hindi ako nag-celebrate. Umiyak lang ako nun.”

“Kung anong iniyak ko noon, ayon naman sinaya ko ngayong taong ito.”

Ito ang sabi pa ni Trina.

Pagdating sa kaniyang birthday wish, ito ang simpleng kahilingan ni Trina para sa kanilang dalawa ng anak niyang si Mithi.

“Wish ko lang sana magkaroon narin kami ng dream house ni Mithi at tumaba ako, Diyos ko.”

Ito ang natatawang sabi ng single mom at model na si Trina Candaza sa kaniyang naging 26th birthday celebration.

trina candaza with mom and siblings

Image from Trina Candaza’s Instagram account

BASAHIN:

Trina Candaza ibinahagi ang “paghiram” ni Carlo Aquino sa kanilang anak

Trina Candaza to netizen na nagsabing inagaw niya si Carlo Aquino: “Wala akong inagaw.”

Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: “Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako.”

Trina Candaza and Carlo Aquino break-up

Enero nitong taon ng magsimula ang usap-usapang hiwalay na si Trina Candaza at aktor na si Carlo Aquino. Ito ay matapos mag-post si Trina sa Facebook tungkol sa pagloloko ng isang lalaki na kahit ano umanong mangyari ay hindi na magbabago.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya ‘pag wala ka na sa kaniya.”

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…”

“’Wag na kayo umasang mag babago pa ‘yong jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na ‘yan magbabago.”

Ito ang pahayag ni Trina noon sa naturang Facebook post.  Sinundan ito ng ilan pang social media post niya tungkol sa asawang lalaki na nambabae.

Gaya nalang ng IG post niya na ito na kung naka-relate daw siya sa video ng isang mommy na puyat sa pagpapatulog at pag-aalaga ng baby niya. Habang ang mister niya, mahimbing ang tulog at ibang babae pa daw ang iniisip.

trina candaza and carlo

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

At ilang araw ang lumipas, ibinahagi ni Trina na lumipat na sila ng bahay ng anak niyang si Mithi. Bagamat nang mga panahong iyon ay nanatiling tikom ang bibig ni Carlo sa estado ng relasyon nila.

Hanggang sa nitong Abril, ay tuluyan ng kinumpirma ni Carlo ang paghihiwalay nila ni Trina. Bagamat hindi niya idinetalye ang naging dahilan ng hiwalayan nila.

Kuwento ng aktor bagamat hiwalay na sila ay maayos naman ang relasyon nila sa isa’t-isa para sa ikabubuti ng anak nilang si Mithi.

“Nag-uusap kami every once in a while. Nahihiram ko si Mithi, pero siyempre dahil nga pandemic pa rin, ‘yung safety muna niya kapag may trabaho ako nag-aantay ako ng ilang days.”

Ito ang kumpirmasyon noon ng aktor na si Carlo Aquino tungkol sa hiwalayan nila ng model na si Trina Candaza.

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Trina Candaza on her 26th birthday celebration: “Kung anong iniyak ko noon, ayon naman sinaya ko ngayon.”
Share:
  • REAL STORIES: "Ayaw akong pagtrabahuhin ng partner ko kahit P100 lang binibigay niya araw-araw."

    REAL STORIES: "Ayaw akong pagtrabahuhin ng partner ko kahit P100 lang binibigay niya araw-araw."

  • Princess Punzalan nagpalaglag noong edad 15: "The guy would not stand up for the baby."

    Princess Punzalan nagpalaglag noong edad 15: "The guy would not stand up for the baby."

  • Ryza Cenon tuwing may tantrums ang kaniyang anak: "Huwag sabayan, maging mahinanon"

    Ryza Cenon tuwing may tantrums ang kaniyang anak: "Huwag sabayan, maging mahinanon"

app info
get app banner
  • REAL STORIES: "Ayaw akong pagtrabahuhin ng partner ko kahit P100 lang binibigay niya araw-araw."

    REAL STORIES: "Ayaw akong pagtrabahuhin ng partner ko kahit P100 lang binibigay niya araw-araw."

  • Princess Punzalan nagpalaglag noong edad 15: "The guy would not stand up for the baby."

    Princess Punzalan nagpalaglag noong edad 15: "The guy would not stand up for the baby."

  • Ryza Cenon tuwing may tantrums ang kaniyang anak: "Huwag sabayan, maging mahinanon"

    Ryza Cenon tuwing may tantrums ang kaniyang anak: "Huwag sabayan, maging mahinanon"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.