Trina Candaza on her 26th birthday celebration: “Kung anong iniyak ko noon, ayon naman sinaya ko ngayon.”

Birthday wish ni Trina Candaza, sana magkaroon na sila ng dream house nila ng anak na si Mithi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Trina Candaza age: Sinorpresa si Trina Candaza ng mga kaibigan at kapatid niya sa kaniyang 26th birthday. Ayon kay Trina kung noong nakaraang taon ay pag-iyak ang ginawa niya ngayon naman ay sobrang saya ng naging birthday niya. And alamin din dito ang nangyari sa kanila ni Carlo Aquino.

Trina Candaza age: 26th birthday ni Trina

Thinking about Trina Candaza age? Noong Mayo 8, 2022 kasabay ng Mother’s day celebration ay nagdiwang din ng kaniyang 26th birthday ang model at vlogger na si Trina Candaza.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi niya ang ilang larawan sa kaniyang naging birthday celebration na may pa-sorpresa raw mula sa mga kaibigan at kapatid niya.

Pinasalamatan niya ang mga ito sa naging birthday celebration niya na pambawi daw sa naging birthday niya noong nakaraang taon na malungkot siya.

Image from Trina Candaza's Instagram account

“Thank you for making me happy on my birthday and Mother’s Day.”

“First time kong masurprise. Gusto ko talagang mag birthday party because ilang years na din ako hindi nagsi-celebrate and last year was my saddest birthday. I thought hindi ako makakapag-celebrate kasi walang mag aalaga kay Mithi, but ayan!! May pa-surprise bigla!”

Ito ang pagpapasalamat ni Trina sa ginawang birthday surprise ng kaniyang mga kaibigan. Pinasalamatan niya rin ang mga ito sa pagmamahal na ibinibigay nila sa kaniya at sa anak niyang si Mithi.

“Thank you for loving me and my Mithi, thank you nandiyan kayo sa buhay naming mag ina.”

Birthday wish ni Trina

Kahapon ay ibinahagi na ni Trina sa kaniyang vlog ang naging birthday celebration niya. Doon ay makikitang very cute at adorable ang anak nila ni Carlo Aquino na si Mithi. Si Mithi ay mag-dadalawang taong gulang palang ngayong taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mag-ina sinalubong ang birthday ni Trina sa pagshoshopping at pag-grocery. Saka sila nagtungo sa hotel na pinagdausan ng birthday party ni Trina.

Bagamat kuwento nito sa kaniyang vlog, ang buong akala niya ay sila ng Mama at mga kapatid niya ang mag-cecelebrate ng birthday niya. Kaya naman laking gulat niya na nandoon ang mga kaibigan niya at sinurpresa siya.

“Bumili ako ng balloons ko. Kasi wala akong ine-expect na kahit ano. Kasi yung friends ko sabi sa group namin busy daw sila, habol daw. Eh kapag sinabi kasing hahabol, susunod, hindi na ako naniniwala dun. Matik na 'yon na hindi na talaga pupunta.”

Pero hindi tulad ng inaasahan ni Trina present ang mga friends niya sa birthday niya na sinasabi niyang pambawi sa lungkot at pag-iyak niya noong nakaraang taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ilang years na akong hindi nag-celebrate ng birthday. 'Yong last birthday ko kasi saka last Mother's Day hindi ako nag-celebrate. Umiyak lang ako nun.”

“Kung anong iniyak ko noon, ayon naman sinaya ko ngayong taong ito.”

Ito ang sabi pa ni Trina.

Pagdating sa kaniyang birthday wish, ito ang simpleng kahilingan ni Trina para sa kanilang dalawa ng anak niyang si Mithi.

“Wish ko lang sana magkaroon narin kami ng dream house ni Mithi at tumaba ako, Diyos ko.”

Ito ang natatawang sabi ng single mom at model na si Trina Candaza sa kaniyang naging 26th birthday celebration.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Trina Candaza's Instagram account

BASAHIN:

Trina Candaza ibinahagi ang “paghiram” ni Carlo Aquino sa kanilang anak

Trina Candaza to netizen na nagsabing inagaw niya si Carlo Aquino: “Wala akong inagaw.”

Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: "Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako."

Trina Candaza and Carlo Aquino break-up

Enero nitong taon ng magsimula ang usap-usapang hiwalay na si Trina Candaza at aktor na si Carlo Aquino. Ito ay matapos mag-post si Trina sa Facebook tungkol sa pagloloko ng isang lalaki na kahit ano umanong mangyari ay hindi na magbabago.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya 'pag wala ka na sa kaniya.”

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…”

“'Wag na kayo umasang mag babago pa 'yong jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na 'yan magbabago.”

Ito ang pahayag ni Trina noon sa naturang Facebook post.  Sinundan ito ng ilan pang social media post niya tungkol sa asawang lalaki na nambabae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gaya nalang ng IG post niya na ito na kung naka-relate daw siya sa video ng isang mommy na puyat sa pagpapatulog at pag-aalaga ng baby niya. Habang ang mister niya, mahimbing ang tulog at ibang babae pa daw ang iniisip.

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

At ilang araw ang lumipas, ibinahagi ni Trina na lumipat na sila ng bahay ng anak niyang si Mithi. Bagamat nang mga panahong iyon ay nanatiling tikom ang bibig ni Carlo sa estado ng relasyon nila.

Hanggang sa nitong Abril, ay tuluyan ng kinumpirma ni Carlo ang paghihiwalay nila ni Trina. Bagamat hindi niya idinetalye ang naging dahilan ng hiwalayan nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento ng aktor bagamat hiwalay na sila ay maayos naman ang relasyon nila sa isa’t-isa para sa ikabubuti ng anak nilang si Mithi.

"Nag-uusap kami every once in a while. Nahihiram ko si Mithi, pero siyempre dahil nga pandemic pa rin, 'yung safety muna niya kapag may trabaho ako nag-aantay ako ng ilang days."

Ito ang kumpirmasyon noon ng aktor na si Carlo Aquino tungkol sa hiwalayan nila ng model na si Trina Candaza.