Cat Arambulo humingi ng tawad sa kaniyang viral floatie remark sa social media, tuturuan daw ang anak na maging socially aware at active

Ilang netizens na-offend sa viral remark ni Cat matapos ang pagbaha at pagsalanta ng bagyong Carina kamakailan lang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Socialite na si Cat Arambulo humingi ng tawad kasunod ng kaniyang viral floatie remark sa social media. Ayon kay Cat, ang karanasan naging learning opportunity sa kaniya sa pagiging isang magulang.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Cat Arambulo viral floatie remark.
  • Paghingi ng tawad ni Cat.

Cat Arambulo viral floatie remark

Larawan mula sa Facebook

Naging usap-usapan sa social media ang isang viral video ng socialite at entrepreneur na si Cat Arambulo nitong kasagsagan ng bagyong Carina. Dahil sa kaniyang video, ang mga netizen tila nasaktan at sinabing insensitive daw si Cat. Lalo pa’t tila ginawa nitong katuwaan ang nararanasang pagbaha sa ilang lugar sa Maynila. Ito ang bahagi ng pahayag ni Cat sa kaniyang viral video.

“First time for the kids to experience baha here in Manila. Safe kaya mag-floatie diyan, Yaya? I guess so, it’s just water.”

Ang pahayag na ito ni Cat nakasakit sa damdamin ng ilang netizens. Ito ay tinawag na insensitive lalo pa’t maraming Pilipino ang apektado at nawalan ng maayos na tirahan dahil sa naging pagbaha. Habang ang mga elitista daw na tulad ni Cat ay ginagawang tila katuwaan lang ang delubyong nararanasan ng mga mahihirap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa PIA

Paghingi ng tawad ni Cat

Nakaabot kay Cat ang mga hinaing na ito ng mga netizens. Ito ang naging reaksyon niya at paghingi ng tawad.

“I deeply apologize for my insensitivity and my actions, especially during a time of crisis.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Cat sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa niya, ang naging karanasan, gagamitin niyang learning opportunity para maturuan ang kaniyang anak na maging socially aware at active. Sa ngayon ay nakatutok daw siya sa pagtulong sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyo at mga pagbaha kamakailan lang.

“I hear you and I will use this as a learning opportunity for myself and to teach my kids to be more socially aware and active. I am now focusing my efforts on providing relief to different communities. My prayers go out to everyone affected.”

Ito ang sabi pa ni Cat Arambulo ukol sa kaniyang viral social media remark.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement