Marami ang nagmamahal kay Pope Francis sa buong mundo ngunit kamakailan lamang ay umani siya ng kritisismo dahil sa paglaganap ng balita ng mga catholic church sex abuse cases at sa tila pagkunsinte ng pope sa mga pag-“cover up” nito.
Ngunit ipinakita niya na hindi niya binabalewala ang nakakabahal na eskandalong ito. Sa kamakailan lamang na pagbisita ng Pope sa Ireland, humingi siya ng tawad sa Diyos sa harap ng halos 500,000 na tao na dumalo sa misa sa National Marian Shrine sa Dublin, Ireland.
Pope Francis Ukol sa Catholic Church Sex Abuse: “Nagmamakaawa ako na patawarin ng Panginoon ang mga pagkakasalang ito…”
“Itong malubhang sugat na ito ay humahamon sa ating maging matatag sa pakikipaglaban para sa katotohanan at hustisya,” sabi ni Pope Francis. “Nagmamakaawa ako na patawarin ng Panginoon ang mga pagkakasalang ito at paghilumin ang sakit na naidulot nito sa mga miyembro ng pamilya ng Diyos.”
Matapos humingi ng tawad, nanawagan ang santo papa na nawa’y lumabas na ang katotohanan upang mabigyan ng hustisya ang mga bata na naging biktima ng molestation at rape, ang mga bata na ninakawan ng kanilang kamusmusan.
“Hinihingi ko ang intercession ng Blessed Mother para sa paghilom ng mga sugat na naidulot nito at pagtibayin ang determinasyon ng bawat isang Katoliko na hindi hayaang mangyari pa ito muli,” pagpapatuloy niya.
Sinabi rin niya na malalim na sakit at kahihiyan ang nararamdaman niya dahil sa eskandalo ng Catholic church sex abuse na matagal nang problema sa buong mundo.
Nanawagan rin siya para mas maging maigting ang parusa at pagusig sa mga kasong ganito.
Bago pa man bumisita ang santo papa sa Ireland, sumulat siya ng isang liham, kung saan kinundena niya ang pang-aabuso ng mga pari.
Binisita din ng pope ang iilan sa mga naging biktima ng pang-aabuso ng mga pari at ipinagdasal sila sa Dublin cathedral.
Paano proktektahan ang mga bata laban sa pang-aabuso?
Ayon sa CNN, masaklap para sa mga katolikong magulang na malaman na ang simbahang minamahal nila ay hindi pala lubusang mapagkakatiwalaan, na dahil sa mga kaso ng catholic church sex abuse ay nababalot na sila ng pangamba. Sa Amerika lamang ay daan daan na ng kaso ang naireport sa mga nakaraang dekada.
Hindi lamang sa Amerika at Europa nangyayari ito, kundi dito rin sa Pilipinas.
Mahigit 200 na pari na ang diumano’y nang-abuso ng mga bata. Noong 2003, mahigit 34 na pari ang nasuspende dahil dito, isang taon matapos humingi ng tawad ang publiko tungkol
Noong 2011, isang pari sa Butuan ay kinasuhan ng rape at nitong 2017 lamang ay na-aresto ang 55-anyos na pari matapos ito mahuli sa isang motel kasama ang isang 13-anyos na babae pero nakalaya din to matapos magbayad ng bail.
Paano nga ba mapoprotektahan ang mga bata laban sa nakakatakot ng pang-aabuso tulad nito?
1. Maging matatag at “open” sa iyong anak
Natural lamang maging emosiyonal bilang magulang kapag nakarinig ka ng mga ganitong balita. Pero dapat maging matatag ka. Ipakita sa iyong anak na gagawin mo ang lahat para siguraduhing safe sila. Itong assurance na ito’y mabibigyan din sila ng lakas ng loob na lagi maging alerto at “open” na magkuwento sa iyo.
2. Paniwalaan ang iyong anak
Kapag nagsumbong ang iyong anak na hinawakan sila o kahit kinausap man lamang sa paraan na hindi kumportable para sa kanila, paniwalaan sila. Huwag silang pagalitan, bagkus ay pakinggan mo sila. Kapag ginawa mo ito, mas magiging open sila na magsabi sayo ng kahit ano. Kapag alam mo ang bawat detalye, mas makakasiguro kang alam mo kung paano sila pananatilihing safe sa lahat ng oras.
3. Turuan ang bata tungkol sa “good touch” at “bad touch”
Hindi laging halata ang senyales ng pang-aabuso, kaya’t importante na alam ng mga bata ang good touch at bad touch. Ang bad touch ay ang paghawak sa mga parte ng katawan na “tinatakpan ng kanilang underwear” pero kahit anong touch man lang, basta’t hindi ito kumportable sa pakiramdam nila, ay dapat nilang isumbong.
Subaybayan din ang kilos nila, mailap ba sila sa mga partikular na tao? May pagbabago ba sa disposisyon at ugali nila?
4. Huwag silang hahayaan mag-isa kahit na kasama na taong “mapagkakatiwalaan” naman
Ang tawag dito ay pag-“minimize” ng opportunity ng child abuse. Huwag hayaang mag-isa ang bata, kahit na kilala mo ang kanilang kasama, kahit na kamag-anak pa ito, kahit na pari pa ito o miyembro ng simbahan.
Oo, hindi maiiwasan na iwan ang bata, kapag may trabaho o importanteng lakad, pero siguraduhin mapagkakatiwalaan talaga ang taong mag-aalaga sa kanila. Pagdating sa safety ng mga bata laban sa pang-aabuso, mas mabuti na ang maging maingat, dahil hindi biro ang mga kaso ng child abuse, at mas nakakabahala na kahit mga pari ay maaaring maging suspek.
larawan sa itaas: mula sa Wikimedia
sources: CNN, Independent UK, PhilStar.com
BASAHIN: 3 tips para sa matagumpay na pagsasama, ayon kay Pope Francis