Ibinahagi ng dating Miss Universe na si Catriona Gray na sila’y engaged na ng kaniyang boyfriend na si Sam Milby sa isang cute Instagram post.
Mababasa sa artikulong ito:
- Engagement nina Catriona Gray at Sam Milby
- 5 tips sa mag-asawa para mas tumagal na pagsasama
Engagement nina Catriona Gray at Sam Milby
Masayang ibinahagi nina Sam Milby at Catriona Gray na sila’y engaged na sa kani-kanilang Instagram account. Caption sa post ni Sam,
“I (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala… now my fiancé.”
Samantala caption naman ni Catriona Gray sa kaniyang post sa Instagram account,
“Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee) @samuelmilby”
Larawan mula sa Instagram account ni Catriona Gray
Makikita rin sa larawan na ibinahagi ni Catriona Gray ang kaniyang engagement ring at nakasulat sa kaniyang coffee cup ay “Futute Mrs. Milby.”
Bukod dito, marami sa kanilang mga kaibigan at nagpaabot ng pagbati sa engagement nilang dalawa. Kasama na ang kapwa niya Miss Universe na si Pia Wurtzbach at Harnaaz Kaur Sandhu.
“Congratulations to the both of you!! Wishing you guys a happy and healthy life together forever!” – Pia Wurtzbach
“Congratulations to you both!!!!!” – Harnaaz Kaur Sandhu
Nagbigay rin ng pagbati ang mga kaibigan ni Sam at Catriona sa showbiz katulad na lamang nila Iya Villania, Kiray Celis, Bea Alonzo, Yeng Constantino, at marami pang iba.
Disyembre noong nakaraang taon, naging usap-usapan ang engagement ng dalawa dahil sa isang cyrptic post ni Catriona Gray na nakalagay na “at her happiest” pero tinanggi naman ito ni Sam Milby.
Pagbabahagi pa noon ni Sam noon,
“Not true. Hindi pa kami kasal. Assumptions lang ng mga tao. I mean, we’ve discussed it pero hanggang doon lang muna. You guys will know naman if it happens. Hindi naming itatago.”
Taong 2020 nang kinumpirma at ibinahagi ng dalawa na sila ay magkasintahan matapos mag-post ni Sam ng larawan nila ni Catriona Gray sa kaniyang Instagram account.
Larawan mula sa Instagram account ni Catriona Gray
5 tips sa mag-asawa para mas tumagal na pagsasama
1. Mas makinig sa isa’t isa.
Isang tip para sa magandang pagsasama ng mag-asawa ay ang pagbibigay ng mas maraming oras sa pakikinig kesa sa pagsasalita. Sa ganitong paraan ay mas malalaman mo ang nararamdaman ng iyong asawa at matutukoy mo kung ano ba ang dapat gawin para masolusyonan ang kung ano mang problemang kinakaharap ninyo.
2. Ask the right questions.
Kahit gaano na natin katagal kasama ang ating asawa ay hindi parin natin sila lubusang kilala. Lalo pa kung hindi sila open o vocal sa kanilang nararamdaman. Minsan ay mapapatanong ka kung bakit ito bigla nagalit o bakit bigla lumungkot ang mukha nito habang kausap ka.
Kaya para malaman mo kung ano ang gusto ng iyong asawa o ang nararamdaman niya na importante para makaiwas sa problema ang inyong pagsasama, ay ang tanungin siya.
3. Acknowledge the good.
Karamihan sa atin ay ang maling ginagawa lang ng ating asawa ang nakikita. Habang dumadaan ang panahon ay nadadagdagan ito at naiipon at mula doon ay mapapaisip ka kung isa nga bang pagkakamali ang pagpili mo sa iyong asawa.
Ika nga ng lumang kasabihan ay nobody is perfect—tulad mo at ng iyong asawa at ng lahat ng tao sa mundo. May mga pagkakataon talagang may mga mali siyang gagawin pero hindi ba’t minahal mo siya dahil sa magaganda ring katangian niya?
Kaya imbis na bilangin ang pangit o mali sa iyong asawa ay tingnan ang mga mabubuti niyang ginawa sayo at sa inyong pagsasama. Sabihin mo ito sa kaniya at magpasalamat araw-araw o oras-oras sa lahat ng mabubuti niyang ginagawa para sayo.
4. Have date nights with an agenda.
Kailangan ninyo rin mag-spend ng quality time ng iyong asawa na kayong dalawa lang. Imbis na manood ng movies, gumawa kayo ng ibang bagay na may makikita kayong results.
Puwedeng pumunta kayo sa dance lessons ng magkasama, pumunta sa art exhibits o hindi kaya naman ay mag-usap lang kayo ng tungkol sa pangarap ninyo, mga gusto niyong puntahan o kaya naman ay alalahanin ninyo yung mga panahong nagsisimula pa lamang kayo.
5. Realize that love is a verb, not a noun.
Ang simpleng pagsasabi ng salitang “I love you” ay maaring magpahiwatig ng iyong pagmamahal.
Ngunit dapat mo ring isaisip na ito ay dapat mo ring iparamdam sa kanila sa pamamagitan ng actions tulad ng pagyakap o paghalik sa iyong asawa.
Maari mo ring maipakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagtimpla ng kape para sa iyong asawa sa umaga. Ang pagtetext sa kaniya o pagtawag para kumustahin siya habang malayo kayo sa isa’t-isa. Ika nga action speaks louder than words. At ang iyong pagmamahal ay hindi lang dapat sa salita kung hindi pati narin sa gawa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!