Catriona Gray to Sam Milby: “We're gonna be married for the rest of our lives.”

Para kay Catriona, si Sam ang tanging lalaking nakita niyang papakasalan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Catriona Gray ini-enjoy nila ni Sam Milby ang ginagawa nilang wedding preparations. Hindi rin daw nila ito minamadali. Alamin dito kung bakit.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Engagement nila Catriona at Sam.
  • Catriona Gray at Sam Milby wedding preparations.

Engagement nila Catriona Gray at Sam Milby

Larawan mula sa Facebook account ni Sam Milby

Pebrero nitong taon ng i-anunsyo ni Sam Milby na engage na sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Ang announcement ginawa ni Sam sa Instagram kalakip ang larawan nila ni Catriona na may hawak na bason na ang nakalagay ay Mr. Milby at Future Mrs. Milby. Mas kinilig pa nga ang followers ng dalawa sa caption ng post na ito ni Sam. Ito ang sabi niya sa kaniyang engagement.

”I (FINALLY) put a ring on it! ? I love you my forever koala... now my fiancé. ❤️”

Catriona at Sam wedding preparations

Larawan mula sa Facebook account ni Sam Milby

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, ilang buwan na ang nakalipas ay wala paring ibinabahagi na specific na detalye ng kanilang kasal ang dalawa. At base sa pinakalatest nilang panayam, ito ay dahil ini-enjoy pa nila ang oras nila as an engaged couple. Kaya naman slowly but surely daw ang wedding preparations na ginagawa nila. Lalo pa’t para daw sa kanilang dalawa ay pang-habangbuhay na ang relasyon nilang dalawa.

“We're just really taking out time on the planning and enjoying our time as engaged couple because we're gonna be married for the rest of our lives. We just want to enjoy.”

Ito ang sabi pa ni Catriona.

Sa isang panayam ay minsan ng ibinahagi ni Catriona na alam niyang si Sam Milby na ang mapapangasawa niya. Ito ay dahil si Sam lang daw ang naka-relasyon niya na kung saan nakita niya ang kaniyang sarili na magpapakasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Sam at Catriona ay unang nagkakilala noong 2012 sa isang event. Nagsimula naman silang ma-link sa isa’t-isa noong 2019.

Larawan mula sa Instagram account ni Catriona Gray

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement