Ngayong Holy Week, oportunidad ito para magsama-sama ang pamilya. Bukod sa mga gawaing may kaugnayan sa ating pagiging Kristiyano, pagkakataon din ito para makapagrelax ang pamilya. At dahil summer na rin naman, inilista namin ang ilang Cavite resorts na pwede niyong puntahan para sa quick holiday o weekend getaway.
Family-friendly Cavite Resorts
Plano niyo bang sulitin ang long weekend ngayong Holy Week? O kaya naman ay nagplaplano kayo ng summer vacation? Kung hindi kayo makalayo ng Metro Manila dahil sa busy schedule ni mommy at daddy, pwedeng-pwede namang puntahan ang kalapit nitong lalawigan —ang Cavite!
Narito ang mga resort sa Cavite na tamang-tama para sa inyong family outing:
Mount Sea Resort
Larawan mula sa Facebook ng Mount Sea Resort
Napakaganda ng beach resort na ito sa Cavite. Mayroon itong private beach at iba’t ibang amenities na angkop sa mga pangangailangan ng mga guest para sa kanilang bakasyon.
Bukod sa private beach, marami ring swimming pools dito, kabilang na ang kiddie pool at outdoor jacuzzi.
Pagdating naman sa lodging, marami ring option para sa inyong pamilya. Mayroon silang premium rooms, suites, at villas. Lahat ng guest rooms ay mayroong modern facilities tulad ng air conditioner, cable TV, at private bathrooms. Mayroon ding mga apartment na may balcony kung saan ay tanaw na tanaw ang magandang view ng dagat.
Matatagpuan ang Mount Sea Resort sa 163 Marseilla Street, Bagbag II, Rosario, Cavite
Murang resort sa Cavite: Puerto Azul Beach Resort
Larawan mula sa Facebook ng Puerto Azul Resort
Kung budget-friendly resort sa Cavite naman ang hanap niyo, kilala ang Puerto Azul na murang resort sa Cavite. Kahit budget friendly, ay talaga namang cozy pa rin ang accommodation dito. Kung saan ay pwede kang mag-relax, mag-sunbathing, ay i-enjoy ang view ng dagat.
Konting lakad lang mula sa front door ng inyong kwarto, mararating niyo na agad ang dagat. At kahit abot-kaya ang resort na ito sa Cavite, ang bawat villa-style unit ay mayroong hiwalay na living at dining area. Kompleto sa mga gamit ang kusina nito, cozy ang bedroom, kaya tiyak na komportable ang stay niyo rito.
Ang bawat bathroom sa mga suite ay may hot at cold water at complete set ng toiletries. Mayroon namang ibang kwarto na mayroong bathtub.
Matatagpuan ang Puerto Azul Beach Resort sa Ternate Cavite.
Cavite resorts na pampamilya: Water Camp Resort
Larawan mula sa Facebook ng Water Camp Resort
Pampamilyang resort naman ang Water Camp Resort sa Kawit Cavite. Hindi lang mga bata ang mag-eenjoy rito kundi pati na rin ang parents at adults.
Tampok sa resort na ito ang iba’t ibang klase ng swimming pools. Mayroong Children’s interactive pool, adult pool, slide pool, rave pool, wave pool, at lazy river.
Samantala, mayroong 6 na uri ng accommodation sa Water Camp Resort na pwedeng pagpilian ng inyong pamilya. Nariyan ang standard room, deluxe room, villa, superior room, premier, at Quonset. Ang bawat kwarto ay may kompletong airconditioning, cable tv, kettle, en suite bathroom, at spacious na veranda na may seating area.
Ang maganda pa rito, tamang-tama talaga kung Holy Week vacation ang target niyong pagpunta rito. Kasi naman, malapit lang ito sa St. Mary Magdalene Church. Kaya pwede kayong magsimba muna bago pumunta sa resort. Pagkatapos magsaya sa resort, pwede ring bumisita sa Aguinaldo Shrine na 1.7km away lang sa Water Camp Resort.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!