Pasinaya Festival: Isang Pista ng Sining para sa Buong Pamilya!

lead image

Nag-iisip ng pwedeng family bonding ngayong Pebrero? Dahil buwan ng sining, punta na sa Pasinaya Festival sa CCP at makipista sa sining at kultura!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mommies and daddies! Naghahanap ba kayo ng makabuluhang family bonding ngayong Pebrero? Huwag palampasin ang CCP Pasinaya 2025 o ang Pasinaya Festival, isang pambansang selebrasyon ng sining at kultura na maaaring ma-enjoy ng buong pamilya!

Para sa lahat ang Pasinaya Festival

Gaganapin ang naturang programa sa Pebrero 1 at 2 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex at iba pang partner venues sa loob at labas ng bansa.

pasinaya festival

Larawan mula sa Facebook page ng Cultural Center of the Philippines

Ngayong taon, may temang “Para Sa Lahat” ang Pasinaya Festival, kaya’t tiyak na mayroong aktibidad na babagay sa inyong mag-anak. Mula sa mga live performances, workshops, exhibits, at iba’t ibang interactive na karanasan, maaaring ma-expose ang inyong mga anak sa mayamang sining at kultura ng Pilipinas.

Pasinaya Palitan: Pagbubukas ng mundo ng sining sa kabataan

Isa sa mga tampok na bahagi ng Pasinaya ay ang Pasinaya Palitan, kung saan maaaring matuto ang mga batang mahilig sa sining tungkol sa iba’t ibang oportunidad sa industriya. Sa pamamagitan ng networking at pitching sessions, mas makikilala ang galing ng mga Pilipinong artista sa lokal at pandaigdigang entablado.

Sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez, Iloilo City, at Tagum City, magaganap naman ang Navigating the Touring Circuit, isang workshop na maaaring maging inspirasyon sa mga batang may hilig sa teatro at pagsasadula.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook page ng Cultural Center of the Philippines

Pasinaya Worldwide: Sining na umaabot sa buong mundo

Ngayong taon, mas pinalawak pa ang saklaw ng Pasinaya! Magkakaroon ng mga kasabay na selebrasyon sa Jordan, Libya, at China—patunay na kinikilala sa iba’t ibang bansa ang sining at kulturang Pilipino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa Jordan at Libya, magsasagawa ng pagdiriwang ang mga embahada ng Pilipinas sa Pebrero 14 bilang bahagi ng Arts Month, habang sa China naman, makikilahok ang ilang unibersidad sa isang virtual meeting kasama ang mga performing groups bilang paghahanda sa isang malaking festival sa Nobyembre 2025.

Larawan mula sa Facebook page ng Cultural Center of the Philippines

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May Bayad Ba Ang Pasinaya Festival? 

Tulad ng dati, ang Pasinaya Festival ay may Pay-What-You-Can, See-All-You-Can scheme, kaya’t siguradong abot-kaya ang paglahok ng bawat pamilya. Ito ay isang magandang pagkakataon upang ipakilala sa inyong mga anak ang halaga ng sining at kultura habang nag-e-enjoy kasama ang buong pamilya.

Spend your weekends na sa piling ng sining, musika, at kultura na siguradong ikatutuwa ng inyong pamilya! Para sa updates, bisitahin ang opisyal na website ng CCP sa www.culturalcenter.gov.ph o sundan ang kanilang social media accounts sa Facebook, Instagram, at TikTok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan