Umabot sa halos 50,000 na security camera o CCTV sa bahay ang na-hack sa Singapore. Ang mga footage o clips mula sa mga cctv camera na ito ay ninanakaw at ipinagbebenta ng ‘di pa kilalang mga salarin sa iba’t ibang online porn sites.
Pag-hack sa mga cctv camera sa bahay
Ang mga video kadalasan na ninanakaw ay may tagal na 20 minutes. Kadalasang mga magkakarelasyon, nagpapadedeng ina at kahit mga bata. Dagdag pa rito kadalasang mga nakahubad na footage o comprosing na position clip ang ninanakaw sa mga cctv o home camera para ibenta online.
Sa iang video noong Marso 2020, isang dalagita ang makikita na naka-tshirt at naka-panty lamang habang pinapalibutan ito ng mga libro. Ang karamihan sa mga video na ito ay galing umano sa mga cctv at home cameras sa Singapore.
Ang mga footage umano ay galing sa isang Internet Protocol (IP) na camera na karaniwan sa mga cctv o home camera sa Singapore. In-install ito para sa security purposes o bilang pag-monitor sa kanilang mga anak, eldery, domestic worker, o kanilang mga alagang hayup.
Resulta ng isinagawang imbestigasyon
Sa isinagawang imbestigasyon lumabas na may isang grupo ng mga hacker ang nasa likod ng pangyayaring ito. Ang grupo nila’y natagpuan sa isang social messaging platform na Discord. Mayroon itong 1,000 miyembro mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Noong Sabado nga lang mayroon 3TB na clips ang naibenta sa 70 na miyembro na nagbayad ng US$150 (S$203) para sa lifetime access sa mga cctv camera footage sa iba’t ibang bahay sa Singapore at iba pang bahagi ng mundo.
Isa na sa mga biktima ng grupo na ito ay ang Thailand, South Korea, at Canada. Mayroon pang umanong 700MB na “sample” na naglalaman ng 4,000 na video at picture mula sa mga hacked footage na ito, at libre ito.
Ang karamihan sa mga video umano ay nagmumula sa Singapore. Dagdag pa rito mayroon access ang grupo na ito sa 50,000 cameras, kung saan may access ang mga miyembro. Tinuruan din umano ang mga VIP members kung paano ma-explore ang “explore, watch live at pag-record” sa mga na-hacked na cctv camera sa bahay sa isang personalized na tutorial at sessions.
Ayon sa eksperto
Ayon kay Clement Lee, isang solution architect for Asia-Pacific for Check Point Software Technologies. Marami umanong mga IP camera ang may mataas na tiyansang ma-hack. Dahil kadalasan umano sa mga camera itong ay na-installed upang maka-access remotely via internet.
“Hacking of IP cameras is possible if they are accessible from a central cloud service or exposed to the Internet,”
Dagdag pa niya, “Usually, it is the result of poor password management.” Pinapayuhan niya ang mga may camera sa bahay na siguraduhin na ang kanilang mga camera ay updated at iwasan ang mga simple passwords.“Never assume your camera is secure.” at sinabi pa niyang “The best way to avoid falling victim to hackers is to avoid sharing personal details online.”
Tips para sa ekstrang seguridad ng cctv o security camera sa bahay
- Bumili lamang ng mga camera sa isang pinagkakatiwalaang brand na nagbibigay ng reliable na security.
- I-update lagi ang software ng camera.
- Gumamit ng strong password at regular na itong baguhin. Huwag gamitin ang default password ng camera.
- Iwasan din ang paglagay ng camera sa inyong bedroom o malapit sa cr
Mag-doble ingat upang hindi matulad sa ibang may security o cctv camera na na-hack. Sa mga simpleng pamamaraan na nabanggit malaki na ang maitutulong nito. Para hindi ma-hack ang inyong mga cctv at security camera sa bahay.
Source:
BASAHIN:
Safe ba ang baby monitor at camera mo? Experts say they can be hacked
10 Social media safety, security,and privacy tips for parents