Newborn baby sa Cebu na nag-positibo sa COVID-19, maaaring resulta ng "false positive"

Ano ang false positive result sa COVID-19 testing? At paano maiiwas sa sakit ang bagong silang na sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cebu newborn COVID positive test maaring resulta umano ng “false positive”. Narito kung ano ang ibig sabihin nito at paano ito nangyayari.

Image from Freepik

Cebu newborn COVID positive test

Isang lalaking sanggol sa Cebu ang una ng lumabas na positibo sa COVID-19 noong April 21. Ito ay isang araw matapos siyang maipanganak at magpakita ng flu-like symptoms ang kaniyang ina.

Ngunit naging palaisipan sa mga health officials kung paano nahawa sa sakit ang sanggol. Lalo pa’t lumabas na negatibo sa virus ang kaniyang ina. Kaya naman noong April 22 ay sumailalim sa repeat test ang sanggol, at ang lumabas ng resulta sa testing ay negative na.

Dahil sa naging magkaibang resulta ng COVID test ng sanggol, ipinahayag ng DOH Central Visayas na ang kaniyang kaso ay isang “false positive.” Ito ay nangangahulugan na mali ang naunang lumabas na resulta sa medical test.

Ilan sa tinitingnang batayan ng konklusyon ng ahensya ay ang maikling oras na pagitan ng lumabas ang positive at negative test result ng sanggol.

“The short span of time from birth and the supposed infection to viral clearance with negative result can be attributed to a false reading.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang paliwanag ng DOH Central Visayas sa nangyaring Cebu newborn COVID false positive test.

Ano ang ibig sabihin ng “false positive” sa COVID-19 testing?

Ayon kay Dr. Gary W. Procop, vice chair at director of virology sa Cleveland Clinic, ay may iba’t-ibang uri ng COVID-19 test ang available sa ngayon.  Ang most recommended test ay ang tinatawag na “nasal turbinate swab test”. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng maliit na swab sa ilong ng pasyente na aabot sa kaniyang nasopharynx upang makakuha ng specimen rito.

May mga ospital naman na gumagamit ng blood test upang matukoy kung ang isang pasyente ang isang COVID-19 positive. Habang mayroon ring tinatawag na “rapid diagnostic test” na mayroon lang yes or no na reading.

Magkakaiba man ang uri ng mga test, ayon kay Dr. Procop wala sa mga ito ang nagbibigay ng 100% accurate na result. At maari raw talagang magkaroon ng false positive at false negative na resulta ang mga test. Bagamat mas mababa raw ang tiyansa ng false positive result kumpara sa false negative.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paano nagkakaroon ng false positive result?

Ang false positive ay nangangahulugan na lumabas na positibo sa sakit ang isang pasyente, bagamat siya ay hindi naman talaga infected nito. Isa sa dahilan kung bakit ito nangyayari ay maaring dahil sa specimen cross contamination o specimen mix-up.

“Most tests target more than one region of the virus, and more than one target must be present to characterize a specimen as positive.” A false positive is more likely to occur from specimen-to-specimen cross contamination or specimen mix-up.”

Ito ang pahayag ni Dr. Procop.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang ang false negative naman ay resulta ng mga specimen na kinuha ng masyadong maaga o hindi pa ganap na na-iinfect ng sakit ang katawan ng pasyente. Maaring ito ay resulta rin ng hindi sapat na specimen collection dagdag pa ni Dr. Procop. Kaya naman sa gitna ng COVID-19 pandemic pinapaalalahanan niya ang lahat na maging maingat. Lalo na ang mga nagpapakita ng mga sintomas ng sakit upang hindi na makahawa pa.

“With an outbreak this severe, we are being extremely cautious and recommending that all patients with COVID-19 symptoms self-isolate and take necessary precautions, regardless of their test result.”

Ito ang paalala ni Dr. Procop.

Paalala ng DOH sa mga buntis

Samantala, paalala naman ni DOH Central Visayas Regional Director Jaime Bernadas dapat magdoble-ingat ang mga inang buntis na mahawaan ng sakit na COVID-19. Bagamat ayon sa mga pag-aaral ay hindi naman naipapasa ng isang ina ang sakit sa kaniyang sanggol sa sinapupunan, mataas naman ang tiyansa na mahawa siya nito pagkapanganak. Kaya naman mabuting ingatan nila ang kanilang kalusugan at umiwas sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng sakit.

“Their pregnancy makes them more vulnerable due to the increased demand on nutrition and lowered immune system status as the body accommodates the growing fetus.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang paliwanag pa ni Dr. Barnadas. Dagdag pa niya maliban sa babaeng buntis ay dapat maging maingat rin ang mga nakakasama taong nakakasama niya. Dahil sila ang maaring magdala ng virus na maari siyang mahawa.

“For those who are taking care of or living with pregnant women, it is highly advised for them to exert extra care to prevent transmitting any infection to them by practicing proper hand washing, social or physical distancing, and not going near them if you are not feeling well.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Barnadas.

Paalala ng CDC sa mga bagong panganak na ina

Image from Freepik

Paalala naman ng CDC sa mga kapapanganak lang na ina ay maging maingat sa pangangalaga ng bagong silang na sanggol. Kung maari ay agad na iiwas siya sa mataong lugar lalo na sa mga taong may sakit. Kung papasusuin ay siguradong malinis ang mga kamay bago hawakan si baby. Maghugas gamit ang tubig at sabon o kaya gumamit ng hand sanitizer na may taglay na 70% alcohol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga inang positibo sa sakit mas mabuting mag-suot ng mask at gloves kung magpapasuso. O kaya naman mas maiging mag-pump nalang ng gatas at saka ipadede kay baby. Basta’t siguraduhin lang na ang bote na paglalagyan ng gatas ng ina ay malinis at properly disinfected.

Agad ring ipaalam sa iyong doktor kung nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 ang iyong sanggol. Tulad ng hirap sa paghinga, ubo, lagnat at pagsusuka.

 

Source:

Cebu Daily News, Health

Basahin:

80% ng mga bata maaaring may COVID-19 ng hindi natin alam, ayon sa pedia