QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

lead image

Narito ang mga Pinoy celebrity babies na ipinanganak ngayong 2019. Hulaan kung sino ang mga sikat na magulang nila.

Celebrities babies Philippines 2019, kilala mo ba sila at alam mo ba kung sino ang mga magulang nila?

Celebrities Babies Philippines 2019

1. Summer Ayanna

celebrity babies philippines 2019

Siya ang pinakauna sa listahan ng celebrity babies Philippines 2019 dahil ipinanganak siya nitong January 4, ngayong taon. Ang pangalan niya ay si Summer Ayanna na anak ng parehong Filipino celebrities.

Produkto ng isang artista search ang aktres na Mommy niya. Isang sikat na aktor din ang Daddy niya lalo na sa pagpapatawa na nagsimula sa pag-aartista noong siya ay bata pa. Kilala mo ba ang mga magulang niya?

2. Shilo Jayne

celebrity babies philippines 2019

Ang cute na baby na ito ay si Shilo Jayne. Ipinanganak siya nitong February 24 ngayong taon. Kamakailan lang ay nag-viral ang video ni Baby Shilo habang nakikiduet sa kaniyang Mommy na kumakanta. Makikita rin sa video ang kaniyang Daddy on the background na tuwang-tuwa na pinapanood sila ng kaniyang ina. Parehong dancer ang mga magulang niya at mahilig sa spagetting pababa ang Mommy niya!

3. Elijah

QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

Naging sensitive man ang pagbubuntis ng former beauty queen na Mommy ng adorable little boy na ito ay healthy naman siyang naipanganak nitong February 16, 2019. Ang pangalan niya ay Elijah.

Maliban sa pagiging dating beauty queen ay kilalang TV host din ang Mommy ni Elijah. Habang ang Daddy niya naman ay isang best-selling author at entrepreneur. Nahulaan mo na ba kung sino ang mga magulang niya?

4. Jose Sixto IV

celebrity babies philippines 2019

Malamang kilala mo na ang mga magulang ng poging baby na ito! Isa siya sa pinakasikat at pinag-uusapan sa listahan ng Celebrity Babies Philippines 2019. Siya si Jose Sixto IV na kilala sa tawag na Ziggy. Ipinanganak siya April 16 ngayong taon.

Isang proud breastfeeding mom ang sikat niyang Mommy. Habang very supportive naman ang sikat na aktor niyang Daddy. Maliban sa mga parents niya ay love na love rin ng mga Pinoy fans ang older sister niya na si Zia.

5. Keliana Alohi

celebrity babies philippines 2019

Nitong nakaraang buwan lang ipinanganak si Keliana Alohi na tinatawag ding “Lilo” ng kaniyang mga magulang. Sikat na aktres ang Mommy ni Lilo na nagmula sa pamilya ng isang kilalang angkan sa showbizness. Ang Daddy niya naman ay isang champion surfer na naka-based sa Siargao.

Mayroon ding half-sister si Lilo sa kaniyang Mommy na ang pangalan ay si Ellie. Kilala mo ba kung sino ang maganda at prangkang Mommy niya?

6. Amelia

QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

Si Amelia ay itinuturing na miracle baby ng kaniyang Mommy na isang popular DJ host. Ipinanganak siya ng January 19 ngayong taon. Siya ay ang pangalawang anak ng kaniyang sikat na Mommy at club-owner-businessman na Daddy. Mayroon din siyang beautiful older sister na ang pangalan ay si Olivia.

7. Alfred Thor

QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

Ang handsome baby boy na ito ay ang 2nd baby ng kaniyang beautiful model Mommy na may 3.1M followers sa Instagram.

Mayroon siyang older brother na ang pangalan ay si Archie habang siya naman ay tinatawag sa nickname na Alfie. Ang Daddy niya ay very handsome din na isang British businessman. Sabi ng kaniyang Mommy siya daw ay isa pang adobo loving baby tulad ng kaniyang Kuya Archie. Nahulaan mo na ba kung sino ang Mommy niya?

8. Manu

QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

Ipinagbubuntis palang si Baby Manu ay sinusundan na ng mga netizens ang paglaki niya. Dahil ang kaniyang ina na isang actress turned writer/vlogger ay nakaranas ng kondisyong APAS (Antiphospholipid Syndrome) noong ipinagbubuntis siya. Kaya naman para masigurong healthy siya ay tiniis ng Mommy niya ang napakaraming tusok ng karayom noong ipinagbubuntis siya.

Si Manu ay pangalawang anak, na isinilang nito lamang June 9. Ang Kuya niya ay si Philip na 5 years old. Habang ang Daddy niya ay isang Christian pastor na nakakatulong ng Mommy niya sa pagvlovlog.

9. Augustus Geoffrey

celebrity babies philippines 2019

Ang cute little baby boy na ito ay si Augustus Geoffrey na ipinanganak nito lang June 15, 2019. Siya ang second child ng kaniyang celebrity parents. Ang Daddy niya ay isang aktor mula sa isang pamilya ng mga aktor at aktres sa Philippines showbizness. Habang ang Mommy niya naman ay isang kilalang singer. Nito lamang April 2019 ay nag-anunsyo ang mga magulang ni Baby Augustus na sila ay engaged na at sinisimulang ng ayusin ang kanilang kasal.

Si Baby Augustus ay may 2-year-old sister na ang pangalan ay Arabella Simonein.

10. Nolan Cristiano

QUIZ: Kaya niyo bang hulaan kung sino ang mga magulang ng mga celebrity babies na ito?

Siya si Baby Nolan ay ang munting prinsipe. Ipinganak siya nito lamang July 10, 2019. Pangatlo siyang anak ng isang child star na TV host-actress na ngayon at sikat na sikat sa mga bata noong 90’s.

Ang kaniyang ama ay isang Filipino businessman. Samantalang ang mga kapatid niya naman ay si Nathan, 11 years old at si Nala, 2 years old.

11. Austin Titus

celebrity babies philippines 2019

Si Austin Titus ay pangalawang anak ng kaniyang very pretty na Mommy na produkto ng isang talent search. Dumaan man sa very delicate na pregnancy dahil sa kondisyon na APAS at PCOS, naisilang naman ng maayos ng kaniyang Mommy si Titus pati ang big sister nito na si Heather Slone na mag-3 years old na ngayong buwan.

Isang mahusay na aktres ang Mommy ni Titus at isang businessman naman ang kaniyang ama.

12. Kenzo

celebrity babies philippines 2019

Ang ating huling celebrity baby ay si Baby Kenzo. Ipinanganak siya nitong June 16, 2019 ng kaniyang very beautiful and sexy na Spanish model na ina. Hindi rin naman matatawaran ang good looks ng Brazilian model na Daddy niya na isa ring dating PBB housemate.

Si Kenzo ay ang pangalawang anak ng kaniyang mga model parents. Siya ay may big sister na 8 years old na at ang pangalan ay Daniela.

Nahulaan mo ba kung sino ang mga magulang ng mga nasabing Celebrity Babies Philippines 2019? Kung hindi pa simulan mo ng hanapin at matuto mula sa kanila ng mga aral at tips sa pagpapalaki ng iyong anak.

Mga sagot:

  1. Si Summer Aryana ay anak ni LJ Reyes at Paolo Contis.
  2. Sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap naman ang mga magulang ni Shiloh Jayne.
  3. Ang former beauty queen naman na si Miriam Quiambao ang ina ni Baby Elijah sa asawang si Ardy Roberto.
  4. Si Ziggy ay anak naman ni Marian Rivera at Dingdong Dantes na isinunod sa pangalan ng kaniyang lolo.
  5. Ang mommy ni Lilo ay si Andi Eigenmann at ang daddy niya naman ay si Philmar Alipayo.
  6. Anak naman nina Andi Manzano at GP Reyes si Amelia.
  7. Si Georgina Wilson naman ang model na mommy ni Alfie.
  8. Ang very strong na ina ni Manu ay si Rica Peralejo.
  9. Second baby naman nina Geoffrey Eigenmann at fiancé na si Maya Flores si Augustus.
  10. Si Camille Prats naman ang mommy ni Baby Nolan.
  11. Ang magandang si Nadine Samonte naman ang mommy ni Titus.
  12. Sina Hideo Muraoka at Fatima Rabago naman ang international model parents ni Baby Kenzo.

Source: Instagram

Basahin: WATCH: Cute celebrity baby moments that will make you smile!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner