Celebrity Couples Recap 2024: Mga Naghiwalay, Ikinasal, At Nag-Announce Ng Engagement

undefined

Balikan ang kwento ng celebrity couples breakup 2024, pati na rin ang mga ikinasal at nag-announce ng engagement ngayong taon.

Ngayong 2024, muling naging usap-usapan ang mundo ng showbiz dahil sa mga kwento ng pag-ibig ng ating mga paboritong artista. Mula sa mga celebrity couples breakup 2024 hanggang sa mga ikinasal at nag-announce ng engagement, tunghayan natin ang mga highlight ng taong ito na nagbigay kilig, luha, at sorpresa sa ating lahat.

Mga Naghiwalay: Celebrity Couples Breakup 2024

Hindi maikakailang masakit ang hiwalayan, lalo na kung ang mga ito’y naganap sa mga paboritong celebrity couples natin. Narito ang ilan sa mga pinakapinag-usapan ngayong taon:

  • Kyline Alcantara at Mavy Legaspi – Sa panayam kay Boy Abunda, inamin ni Kyline na tapos na ang kanilang relasyon. Aniya, “I will treasure that moment… it made me who I am today.”
  • Sarah Lahbati at Richard GutierrezPagkatapos ng maraming haka-haka, kinumpirma ni Sarah sa isang panayam na naghiwalay na sila ni Richard. Ang mag-asawa, na ikinasal noong 2020, ay may dalawang anak na lalaki, sina Zion at Kai.
celebrity couples breakup 2024

Larawan mula sa Instagram nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

  • Jericho Rosales at Kim JonesNaghiwalay ang dalawa noong Enero ngunit nanatiling magkaibigan.
  • Bea Alonzo at Dominic Roque – Sa isang joint statement sa Instagram noong Pebrero 11, inanunsyo ng dalawa ang kanilang paghihiwalay, na ikinalungkot ng kanilang mga tagahanga.
  • Catriona Gray at Sam Milby – Nagkaroon ng espekulasyon tungkol sa breakup nina Catriona at Sam matapos tanggalin ni Catriona ang kanilang engagement photos sa Instagram.
  • Sue Ramirez at Javi Benitez – Kinumpirma ni Mayor Javi Benitez nitong Nobyembre na naghiwalay sila ni Sue apat na buwan na ang nakalipas.
  • Maris Racal at Rico Blanco – Noong Hulyo, matapos ang limang taon, naghiwalay ang singer-actress na si Maris at ang musikero na si Rico.
  • Aiai delas Alas at Gerald Sibayan – Sa panayam kay Boy Abunda noong Nobyembre 11, inamin ni Aiai ang kanilang hiwalayan matapos ang pitong taon ng pagsasama.
  • Anthony Jennings at Jam Villanueva – Isa sa pinakakontrobersyal na breakup ngayong taon ay kina Anthony at Jam. Bukod sa kanilang hiwalayan, nasangkot si Anthony sa cheating controversy kasama si Maris Racal.

Mga Nag-Engage: Bagong Simula Para sa Ilan

Bagamat may mga naghiwalay, may mga celebrity couples din na nagdesisyong mag-level up ang kanilang relasyon.

  • Katya Santos at Paolo Pilar – Sa Japan ginanap ang engagement nina Katya at Paolo, na dinaluhan ng kanilang pamilya.
  • EA Guzman at Shaira Diaz – Ibinunyag nina EA at Shaira ang kanilang engagement noong Pebrero, na naganap pa pala noong Pasko ng 2021.
celebrity couples breakup 2024

Larawan mula sa Instagram ni EA Guzman

  • Ryan Bang at Paola HuyongNag-propose si Ryan kay Paola noong Hunyo, matapos ang mahigit isang taon nilang relasyon.
  • Michele Gumabao at Aldo Panlilio – Sa Tokyo, Japan naganap ang wedding proposal nina Michele at Aldo, na sinamahan ng isang engagement photo shoot.

Mga Ikinasal: Wagas na Pag-ibig sa 2024

Ang kasalan ay isa sa pinakamasayang yugto sa buhay, at maraming celebrity couples ang nagpakasal ngayong taon.

  • Benjamin Alves at Chelsea Robato – Pagkatapos ng 10 taon, ikinasal ang dalawa sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati noong Enero 28.
  • Valeen Montenegro at Riel Manuel – Isang intimate wedding ceremony sa The Peninsula Manila ang naganap noong Enero.
  • Ria Atayde at Zanjoe Marudo – Nagpakasal sila noong Marso 23, kasabay ng kaarawan ni Ria.
celebrity couples breakup 2024

Larawan mula sa Instagram ni Ria Atayde

  • Angeline Quinto at Nonrev DaquinaSa Quiapo Church ikinasal ang Kapamilya singer noong Abril, na sinundan ng isang magical garden reception.
  • Carlo Aquino at Charlie Dizon – Nagpakasal ang dalawa noong Hunyo 9 sa isang indoor garden-themed wedding sa Cavite.
  • Viy Cortez at Cong Velasquez – Matapos ang pamamanhikan, ikinasal ang sikat na couple noong Hunyo 17.
  • Mika Dela Cruz at Nash Aguas – Mula sa pagiging childhood friends, nauwi ang kanilang kwento sa isang masayang kasalan noong Mayo 18 sa Tagaytay.
  • Jose Manalo at Mergene Maranan – Sa isang beach wedding sa Boracay noong Disyembre 17, ginanap ang kasal ng komedyante at ng kanyang partner.

Ang 2024 ay puno ng emosyon para sa mga celebrity couples—may mga naghiwalay, nagpakasal, at nag-announce ng engagement. Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy tayong naniniwala sa wagas na pag-ibig. Alin sa mga kwentong ito ang pinakatumatak sa inyo? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!