Sarah Lahbati nagsalita na ukol sa estado ng relasyon nila ni Richard Gutierrez. Ito ay matapos ang ilang buwan na usap-usapang sila ay hiwalay na.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Sarah Lahbati sa relasyon nila ng mister na si Richard Gutierrez.
- Aktres sinabing mas mabuti ang pagkakaroon ng sariling pera na pinaghirapan niya.
Sarah Lahbati sa relasyon nila ng mister na si Richard Gutierrez
Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Lahbati
Ilang buwan narin ang lumipas ng huling makitang magkasama sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Mapapansin rin sa mga social media post nila na hiwalay silang nagkakaroon ng oras kasama ang mga anak na sina Kai at Zion. Ito ang nagbigay ng pahiwatig sa mga fans at followers nila na sila ay hiwalay na.
Mas nakumpirma nga ito ng magsalita si Annabelle Rama sa isang panayam at sinabi niyang nasa bahay niya na nakatira si Richard. Habang si Sarah nanatiling tikom ang bibig. Kahit na pinasaringan rin siya ng ina ni Richard na mahilig magwaldas ng pera habang trabaho lang ng trabaho ang aktor.
Matapos ang ilang buwan ay nagsalita narin sa wakas si Sarah. “We’re okay”, ito ang sagot niya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Richard.
Bagamat hindi niya deretsahang sinabi na hiwalay na sila ay masaya daw si Sarah na nag-coconcentrate ngayon sa sarili niya.
“I’m holding up pretty well. I’m happy. Again, I’m grateful. There’s nothing more to say than I’m really feeling blessed. And it’s a good time to just work on myself.”
Ito ang sabi pa ng aktres.
Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Lahbati
Aktres sinabing mas mabuti ang pagkakaroon ng sariling pera na pinaghirapan niya
Sa parehong panayam ay bahagya ring sinagot ni Sarah ang akusasyon sa kaniya na mahilig siyang magwaldas. Ngayon daw na balik-trabaho na siya ay gagastos siya sa paraang gusto niya at hindi kailangang ipaliwanag pa ito sa iba.
“I think when you work hard for your own money, you don’t owe anyone any explanation. You work so hard to do what? To explain yourself? No. If you have a job and you work so hard, then you don’t have to explain yourself to anyone. Just do your thing, whatever it is that you want to do.”
Ito ang sabi pa ni Sarah Lahbati.
Larawan mula sa Facebook account ni Sarah Lahbati
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!