Sa pagtatapos ng taon, huwag sana nating malimutan ang mga alaala ng mga celebrity deaths sa 2019.
Celebrity deaths 2019: 10 Celebrities na pumanaw noong 2019
1. Henry Sy
Ang Taipan na si Henry Sy, na binasangang pinakamayamang tao sa Pilipinas, ay pumanaw noong January 19, 2019, sa edad na 94.
Kilala si Sy bilang may-ari ng SM Malls, na ang pinakamalaking mall chain sa bansa. Siya rin ang ika-52 na pinakamayamang tao sa buong mundo ayon sa listahan ng Forbes magazine.
2. Joey “Pepe” Smith
Noong January 28 naman ay pumanaw ang singer-songwriter na so Joey “Pepe” Smith. Kilala si Pepe Smith bilang miyembro ng Juan de la Cruz band, na isa sa pinaka-sikat na rock and roll bands sa Pilipinas.
Bukod dito, naging solo artist rin si Smith, at umarte rin siya sa sine na Above the Clouds.
Sa edad na 71 ay pumanaw si Pepe Smith, dahil sa isang cardiac arrest.
3. Armida Siguion-Reyna
Ang singer, actress, host, at producer na si Armida Siguion-Reyna ay pumanaw naman noong February 11, 2019.
Bukod sa pagiging isang popular na singer, naging chairperson rin ng MTRCB si Armida mula June 30, 1998 – January 20, 2001.
Sa edad na 88 ay pumanaw siya dahil sa sakit na cancer.
4. Francisco Mañosa
Si Francisco Mañosa ay isa sa mga pinaka-impluwensiyal na architect ng Pilipians. Noong 2018 ay ginawaran pa nga siya ng parangal bilang isang National Artist for Architecture.
Ang ilan sa mga ginawa ni Mañosa ay ang Coconut Palace, EDSA Shrine, Davao Pearl Farm, at Amanpulo resorts.
Pumanaw siya sa edad na 88 noong February 20, dahil sa pagkakaroon ng sakit.
5. Eddie Garcia
Ang aktor na si Eddie Garcia ay itinuturing na isa sa mga haligi ng Pelikulang Pilipino.
Siya rin ang aktor na mayroong pinakamaraming nagawang pelikula sa kaniyang career, kabilan na ang iba’t-ibang mga roles. Bukod dito, siya rin ang bukod-tanging aktor na na-induct sa FAMAS Hall of Fame sa 3 magkaibang kategoriya: Best Actor, Best Supporting Actor, at Best Director. Siya rin ang nag-iisang Pilipino na pinarangalan ng Asian Film Award for Best Actor.
Sa kasamaang palad, ay pumanaw ang aktor noong June 20, 2019 matapos siyang ma-injure sa set ng Rosang Agimat. Dahil sa insidente, nabigyang-pansin ang kawalan ng mga medical team sa mga television shoot. Ito ay dahil matapos mahulog ni Eddie sa set ay walang kahit sinong medical personnel ang nakapagbigay sa kaniya ng paunang lunas.
6. Amalia Fuentes
Si Amalia Fuentes ay minsan nang tinaguriang “Elizabeth Taylor of the Philippines” dahil sa kaniyang husay sa pag-arte at angking kagandahan. Bukod dito, siya rin ang tiyahin ni Aga Muhlach at Niño Muhlach.
Pumanaw siya noong October 5, 2019, sa edad na 79 dahil sa multiple organ failure dahil sa pagkakaroon ng cardiac arrest.
7. Carlos Celdran
Ang artist at activist na si Carlos Celdran naman ay pumanaw sa murang edad na 46, dahil raw sa cardiac arrest. Matatandaang minsan nang naging kontrobersyal si Celdran dahil sa paglabas niya ng placard na may nakasulat na “Damaso” sa isang misa sa isang simbahan sa Maynila.
Isa rin siyang tour guide sa Intramuros, at nagbibigay ng mga walking tours sa lugar.
8. John Gokongwei Jr.
Ang bilyonaryong si John Gokongwei Jr. ay pumanaw noong November 9 sa edad na 93. Siya ang nagtaguyod ng Universal Robina Corporation, Robinsons Retail Holdings, at Robinsons Land.
Bukod sa pagiging isang negosyante ay kilala rin si Gokongwei bilang isang pilantropo, at maraming nai-donate na pera para sa mga mahihirap at iba pang charitable organizations.
9. Mico Palanca
Ang pagkamatay ng aktor na si Mico Palanca ay isa sa mga pinaka-malungkot na celebrity deaths ng 2019.
Ito ay dahil sa murang edad na 41, pumanaw ang aktor dahil sa suicide. Pinaghihinalaan na nangyari ito dahil sa matinding depresyon na pinagdadaanan ng aktor.
Pumanaw siya noong December 9, 2019.
10. Gerry Alanguilan
Noong December 20, 2019 ay pumanaw ang isa sa pinaka-batikang artist ng ating bansa, si Gerry Alanguilan dahil sa cancer.
Kilala si Gerry bilang isang comic book artist at writer na bukod sa mga mainstream comics ay sumikat rin dahil sa kaniyang original na akda.
Para sa maraming komikero sa bansa, isa si Gerry sa haligi ng Philippine comics, at ang kaniyang pagkamatay ay malaking kawalan para sa buong industriya.
Basahin: Aktor na si Mico Palanca patay matapos umanong tumalon sa building dahil sa depresyon