Kadalasan, kung anu-ano ang sinsusubo ng mga babies at toddlers sa kanilang bibig—kamay, laruan, at kung ano man kaya nilang abutin, paniguradong isusubo nila. Kaya naman napaka-importante na bantayan silang maige. Ito ang masaklap na lesson na nangyari sa isang ina: ang cell phone charger danger kapag naisubo ng bata.
Cellphone charger danger
Isang nanay na nagngangalan na Courtney ang nagbahagi ng nangyari sa kaniyang 19-buwang gulang na abak na babae. Isinubo ng toddler ang cell phone charger… habang nakasaksak pa ito sa outlet! Kaya nagkaroon tuloy ng electrical burn sa bibig ng bata.
Dahil sa posisyon ng sugat, hindi ito malagyan ng gamot at kinakailangang maghilom nang mag-isa.
Pahayag ni Courtney kaniyang post:
Hindi ko sana ipo-post ito ngunit nang ibinahagi ko ang kuwento sa isang grupo ng mga nanay, nalaman kong kalimitan, hindi naiisip ng mga magulang cell phone charger danger kapag nahawakan ng bata. Sa kaso ng anak ko, ipinasok niya ang charger sa loob ng kaniyang bibig.
Dinala namin siya sa isang duktor kung saan nakumpirma na electrical burn ang nangyari sa bibig ng anak ko. Dahil sa posisyon ng sugat, na nasa corner ng kaniyang bibig, hindi ito malagyan ng gamot dahil baka kainin niya lamang ang gamot na ilalagay sa sugat.
Hindi ko talaga akalain na mangyayari ito. Parati kong inilalayo ang charger sa kung saan hindi niya ito maaabot. Ngunit noong araw na iyon, nawala na sa isip ko kung saan ito nakasaksak. Naging busy ako at hindi ko na ito nailipat.
Ilang segundo niya lang ito nahawakan at naisubo ngunit ito ang nangyari—nagkaroon siya ng electrical burn.
Never niyang sinubukang kunin ang charger noon. Ngunit ang araw na hindi ko ito naitabi, ‘yon ang araw na napili niyang kunin at isubo ito.
Salamat sa Diyos at tila hindi siya nasaktan at hindi siya nabo-bother dito.
Mga magulang, lolo at lola, at mga yaya: huwag hayaan na maaabot ng mga bata ang mga charger. Masuwerte ang anak ko na walang seryosong nangyari sa kaniya ngunit hindi natin masasabi kung kasing suwerte ang magiging sunod na biktima nito.
Pinost din ni Mommy Courtney ang mga pictures ng nangyari sa kaniyang anak:
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Lim Venturanza
https://sg.theasianparent.com/phone-charger-danger-for-kids