Cellulitis: Sanhi, sintomas, at lunas

lead image

Alamin kung anong klaseng sakit ang cellulitis, saan nga ba ito nakukuha o paano nakukuha ito, at kung paano ito maaaring magamot.

Ang cellulitis at cellulite ay hindi iisa. Ang cellulitis ay impeksiyon na dahil sa bacteria. Naapektuhan nito ang malalim na bahagi ng balat, ilalim ng balat, taba, at soft tissue sa ilalim ng balat. Maaaring makapasok ang bacteria sa mga sugat, gasgas o kagat. Dahil dito, mas madaling makakuha ng ganitong kondisyon ang may mga sakit na eczema o psoriasis.

Ang karamdaman na ito ay maaaring makuha nang biglaan. Kung kumalat pa ito palalim sa katawan, maaari itong ikamatay. Ang maagang paggamot dito ng antibiotics ay kadalasan epektibo.

Mga sanhi

Ang mga bacteria mula sa streptococci at staphylococci na grupo ay kadalasang matatagpuan sa ibabaw na bahagi ng balat nang walang dinudulot na panganib. Kapag ito ay nakapasok sa balat, maaaring magdulot ng impeksiyon.

Ang mga kadalasang nagiging daanan ng bacteria papasok ng balat ay:

  • Ulcer
  • Paso
  • Kagat
  • Gasgas
  • Sugat
  • Kundisyon sa balat tulad ng eczema, alipunga o psoriasis

Sa kabila nito, mayroon parin mga nagkakaroon ng cellulitis nang walang sugat sa balat.

Panganib ng cellulitis

Ang mga matataas ang positibo na magkaroon ng cellulitis ay ang may:

  • Pamamaga ng binti o hita (endema)
  • Paghina ng immune system
  • Diabetes
  • Problema sa sirkulasyon ng dugo
  • May iba pang kundisyon sa balat tulad ng bulutong
  • Lymphedema
  • Dati nang nagka-cellulitis
  • Nagtuturok ng drugs sa balat

Mga sintomas

Kadalasang naaapektuhan ng kondisyong ito ang hita at binti ng tao. Ngunit, maaari parin nitong maapektuhan ang kahit anong bahagi ng katawan. Ang apektadong bahagi ay:

  • Maainit
  • Masakit
  • Namamaga
  • Namumula
  • Ang iba ay nakakaranas  ng pagkakaroon ng mga paltos, mga dimples o batik. Maari rin magkaranas ng lagnat, panlalamig, pagkahilo at panginginig.
  • Ang mga lymph glands din ay maaaring mamaga. Kapag ang hita o binti ang apektado, mamaga ang lymph glands sa may bandang ari.

Paano ito nagagamot?

Ang mga karaniwang paraang ng paglunas sa cellulitis ay sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Medikasyon

Iba’t ibang antibiotics ang maaaring i-reseta ng duktor depende sa hinihinalang bacteria na sanhi. Halos laging epektibong lunas ang pag-inom ng antibiotics. Sa iba ay lalala muna ang nararamdaman ngunit bumubuti rin makalipas ang ilang araw. Ngunit, sa mga nakakaranas na ng lagnat at pagsusuka, dapat nang magpunta sa ospital.

Pagpapa-ospital

Sa mga kaso na malala na ang cellulitis, kinakailangan gamutin sa ospital. Ito ay ang mga pasyente na nakakaranas ng lagnat, pagsusuka,at  hindi pagtugon ng katawan sa gamot matapos uminom ng antibiotics. Kasama rin sa mga ito ang nakakaranas ng pabalik-balik na cellulitis.

 

Source: Medical News Today

Basahin: Alipunga: Sanhi, sintomas, at gamot para sa impeksyon sa paa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner