Cellulite at Cellulitis: Ang lahat ng dapat mong malaman tungkol rito

Alamin kung anong klaseng sakit ang cellulitis, saan nga ba ito nakukuha o paano nakukuha ito, at kung paano ito maaaring magamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alamin kung anong klaseng sakit ang cellulitis, saan nga ba ito nakukuha o paano nakukuha ito, at kung paano ito maaaring magamot.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang cellulitis sa tagalog?
  • Mga sanhi ng pagkakaroon ng cellulitis

Ano ang cellulitis sa tagalog?

Ang cellulitis at cellulite ay hindi iisa. Ang cellulitis ay impeksiyon na dahil sa bacteria. Naapektuhan nito ang malalim na bahagi ng balat, ilalim ng balat, taba, at soft tissue sa ilalim ng balat.

Nangyayari ang infection dahil maaaring makapasok ang bacteria sa mga sugat, gasgas o kagat. Dahil rito, mas madaling makakuha ng ganitong kondisyon ang may mga sakit na eczema o psoriasis.

Ang karamdaman na ito ay maaaring makuha nang biglaan. At kung hindi maagapan o bigyang pansin ang kondisyong ito, maaari itong kumalat pa palalim sa katawan at ikamatay. Ang maagang paggamot dito ng antibiotics ay kadalasan epektibo.

Sa kabilang banda, ang cellulite ay karaniwann, at maraming tao ang mayroon nito. Ito ay itsurang bukol sa iyong balat, karaniwang makikita sa mga hita, tiyan, o puwit.

Ang lumpy na hitsura ng cellulite ay sanhi ng mga fat cells na lumaki sa pagitan ng nag-uugnay na tisyu sa ilalim ng iyong balat. Ito ay sanhi ng bukol na hitsura ng cellulite.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang cellulitis sa tagalog at mga sintomas nito?

Mga sanhi ng pagkakaroon ng cellulitis

Ang mga bacteria mula sa streptococci at staphylococci na grupo ay kadalasang matatagpuan sa ibabaw na bahagi ng balat nang walang dinudulot na panganib. Kapag ito ay nakapasok sa balat, maaaring magdulot ng impeksiyon.

Kabilang sa mga sintomas ng cellulitis ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Sakit at lambot sa apektadong lugar
  • Pamumula o pamamaga ng iyong balat
  • Isang sugat sa balat o pantal na mabilis na lumalaki
  • Masikip, makintab, namamaga ng balat
  • Isang pakiramdam ng init sa apektadong lugar
  • Isang abscess na may nana
  • Lagnat

Ang iba ay nakakaranas ng pagkakaroon ng mga paltos, mga dimples o batik. Nakakanaranas din magkaranas ng panlalamig, pagkahilo at panginginig.

Ang mga lymph glands din ay maaaring mamaga. Kapag ang hita o binti ang apektado, mamaga ang lymph glands sa may bandang ari.

Ang mas seryosong mga sintomas ng cellulitis ay kinabibilangan ng:

  • Panginginig
  • Masama ang pakiramdam
  • Pagod
  • Pagkahilo
  • Gaan ng ulo
  • Sumasakit ang kalamnan
  • Mainit na balat
  • Pinagpapawisan
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Laptop photo created by jcomp – www.freepik.com

Ang mga sintomas tulad nito ay maaaring mangahulugan na kumalat ang cellulitis:

  • Antok
  • Matamlay
  • Paltos
  • Pulang guhitan

Makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor kung nakakaranas na ng mga sintomas na ito.

Ang mga kadalasang nagiging daanan ng bacteria papasok ng balat ay:

  • Ulcer
  • Paso
  • Kagat
  • Gasgas
  • Sugat
  • Kundisyon sa balat tulad ng eczema, alipunga o psoriasis
  • Sa kabila nito, mayroon pa rin mga nagkakaroon ng cellulitis nang walang sugat sa balat.

Panganib ng cellulitis

Narito rin ang mga taong delikado at delikadong magkaroon ng cellulitis:

  • Pamamaga ng binti o hita (endema)
  • Paghina ng immune system
  • Diabetes
  • Problema sa sirkulasyon ng dugo
  • May iba pang kundisyon sa balat tulad ng bulutong
  • Lymphedema
  • Dati nang nagka-cellulitis
  • Nagtuturok ng drugs sa balat

Mayroong mga sanhi at panganib ang hatid cellulitis. Nakokontrol naman ng iba ang pagkakaroon nito subalit may mga ibang pagkakataon hindi ito makokontrol. Kaya naman dapat ay iwasan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagaganap ang cellulite kapag ang mga tisyu na kumokonekta sa iyong balat papaunta sa iyong mga kalamnan ay humihigpit nang hindi regular.

Hinihila nito ang balat at binabasag ito, itutulak ang layer ng taba sa ilalim ng iyong balat pataas. Ibinibigay nito sa iyong balat ang hitsura ng maliit na cellulite.

Ang katandaan ay maaaring magpalala ng hitsura ng iyong cellulite. Ganoon din ang pagdagdag o pagkabawas ng timbang ay magdudulot din upang lalong makita ang iyong celulite.

Ang cellulite ay nangyayari sa iba’t ibang yugto(stage) :

  1. Sa yugtong ito, ang cellulite ay lilitaw bilang mga kunot lamang.
  2. Kapag nakarating ka sa yugtong ito, ang pagkurot sa balat ay makakapagdulot ng dimples at hindi mga kulubot.
  3. Dito mapapansin ang mga dimples sa iyong pigi, tiyan, o hita kapag nakatayo.
  4. Ito ang huling yugto ng cellulite. Dito mo mapapansin ang mga dimples kapag lumalawak ka, at maaari kang makaranas ng sakit.

Ang cellulitis ay karaniwang sanhi ng impeksyon sa bakterya sa loob ng mas malalim na mga layer ng iyong balat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaari kang makakuha ng cellulitis naman  kung:

  • Mayroon kang sugat mula sa operasyon.
  • Mahina ang iyong immune system dahil mayroon kang diabetes o sumailalim sa chemotherapy
  • Nakakuha ka na ng cellulitis dati
  • Mayroon kang isang kasaysayan ng iniksyon sa droga
  • Mahirap ang sirkulasyon ng dugo sa iyong mga braso at binti
  • Mahirap ang kilusan.
  • Diagnosis para sa cellulite at cellulitis
  • Diagnosis ng cellulite

Maari madiagnose ng iyong doktor ang cellulite sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa lugar na pinaghihinalaan mong mayroong cellulite. Maaari silang magsagawa ng isang pagsusuri at inspeksyon upang maingat na matukoy kung mayroon kang cellulite.

Diagnosis ng cellulitis

Ang isang lisensyadong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan lamang ang maaaring mag-diagnose ng cellulitis.

Matapos kunin ang iyong  medical history , ang iyong doktor ay maaaring magpatuloy upang magsagawa ng isang pisikal na pagsusuri upang gumawa ng diagnosis.

Ang mga pagsusuri sa dugo at iba pang mga pagsubok sa lab ay maaaring hindi kinakailangan upang makumpirma kung mayroon kang cellulitis.

Ano ang cellulitis sa tagalog at mga sintomas nito? | Image from Freepik

Mga sintomas

Kadalasang naaapektuhan ng kondisyong ito ang hita at binti ng tao. Ngunit, maaari parin nitong maapektuhan ang kahit anong bahagi ng katawan. Ang apektadong bahagi ay:

  • Mainit
  • Masakit
  • Namamaga
  • Namumula
  • Ang iba ay nakakaranas  ng pagkakaroon ng mga paltos, mga dimples o batik. Maari rin magkaranas ng lagnat, panlalamig, pagkahilo at panginginig.
  • Ang mga lymph glands din ay maaaring mamaga. Kapag ang hita o binti ang apektado, mamaga ang lymph glands sa may bandang ari.

Paano ito nagagamot?

Kung nararanasan ang mga sintomas ng cellulitis, mas mabuting magpakonsulta agad sa iyong doctor para maagapan ito at mapigilan ang tuluyang paglala o pagkalat ng impeksyon. Panatilihin rin ang kalinisan sa katawan para maiwasan ito.

Ang mga karaniwang paraang ng paglunas sa cellulitis ay sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Ano ang cellulitis sa tagalog at mga sintomas nito? | Image from Freepik

Medikasyon

Iba’t ibang antibiotics ang maaaring i-reseta ng duktor depende sa hinihinalang bacteria na sanhi. Halos laging epektibong lunas ang pag-inom ng antibiotics. Sa iba ay lalala muna ang nararamdaman ngunit bumubuti rin makalipas ang ilang araw. Ngunit, sa mga nakakaranas na ng lagnat at pagsusuka, dapat nang magpunta sa ospital.

Pagpapa-ospital

Sa mga kaso na malala na ang cellulitis, kinakailangan gamutin sa ospital. Ito ay ang mga pasyente na nakakaranas ng lagnat, pagsusuka,at  hindi pagtugon ng katawan sa gamot matapos uminom ng antibiotics. Kasama rin sa mga ito ang nakakaranas ng pabalik-balik na cellulitis.

Nakakahawa ba ang cellulitis?

Ayon sa pag-aaral, ang cellulitis ay hindi naman nakakahawa sa tao. Pero maaari lang na mahawaan ka nito kapag ang sugat mo ay nahawakan ng infected na tao.

Maaaring magkaroon ng cellulitis ang mga taong may skin condition katuladng eczema o athlete’s foot. Ito ay dahil makakapasok sa  bukas na sugat mo ang bacteria nito. Mataas rin ang risk ng mga mahina ang immune system sa pagkakaroon ng cellulitis.

 

 

Source:

Medical News Today, Healthline, WebMD 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.