Hindi na bago sa pandinig ng tao ang mga 3rd party sa isang relasyon. Kaaniwan na itong nangyayri ngunit hindi pa rin maiiwasang magulat kapag nandyan na. Katulad ng isang cheating husband na nagpositibo sa coronavirus matapos nitong sumama sa kanyang mistress sa Italy.
Cheating virus has coronavirus | Image from pressfoto on Freepik
Cheating husband, nahawa sa coronavirus nang nagbakasyon kasama ang mistress
Isang hindi pinangalanan na lalaki ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 matapos umano nitong sumama ng patago sa kanyang mistress sa Italy.
Buong akala ng kanyang babeng asawa na nasa UK siya para sa isang business trip. At dito niya nakuha ang virus. Ngunit ang totoo, ang lalaki ay nasa Italy at patagong nakipagkita sa kanyang mistress doon.
“This patient is the talk of public health officials, his case would be funny if it wasn’t quite so serious.”
Ang lalaking ito ay nasa late 30s na. Nang makauwi siya sa kanilang bahay, dito na nagpakita ang mga sintomas ng COVID-19 katulad ng pag-ubo, hirap sa paghinga at lagnat. Nang mag pacheck up siya sa doctor, dito na niya nalaman na positibo na meron siyang virus.
“He thought he had the perfect alibi to carry out his affair, but hadn’t reckoned on the coronavirus meltdown, The patient is just relieved he got home before flights were canceled — that would have taken some explaining. He’s in a blind panic, but more about his adultery being exposed rather than his health.”
Cheating virus has coronavirus | Image from jcomp on Freepik
Agad naman na inamin ng lalaki na nagkaroon siya ng ibang affair. At ang babaeng ito ang kasama niya sa Italy, kung saan siya nagkaroon ng pandemic COVID-19. Ngunit mas pinili pa rin niyang manahimik at ‘wag sabihin ang pangalan ng kanyang mistress.
“The man confessed [to doctors] what he’d been up to in Italy, and that his wife has no idea. She thinks he just picked up the disease on his business trip away.”
Samantala, ang babaeng asawa naman ay pansamatalang nananahimik at nag self isolation sa kanilang bahay.
COVID 19 Cases in Philippines update
Base sa tala kahapon, March 18, muling umakyat na naman ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 dito sa bansa. Ang dating 98 noong Biyernes, ngayon ay nadagdagan na ng 104. Sa ngayon, mayroon ng 202 katao ang nagpositibo sa COVID-19 dito sa Pilipinas.
7 naman ang naka-recover at 17 katao ang naitalang namatay.
Cheating husband has coronavirus | Image from Freepik
Narito ang breakdown ng COVID-19 dito sa Pilipinas as of March 19:
|
CONFIRMED
|
RECOVERED
|
DEATHS
|
PERSONS UNDER INVESTIGATION |
202 |
7 |
17 |
259 |
Habang hinihintay pa rin ang 259 cases kung ito ba ay negatibo o may dadagdag pang positibo sa nasabing virus.
Samantala, naitala naman ang pinaka batang kaso sa COVID-19. Ang 13-year-old na batang babae ay isang residente ng Quezon City. Napag-alamang siya ay walang history ng pagpunta sa ibang bansa at walang exposure sa may COVID-19.
Nagsimula siyang makaramdam ng mga sintomas nitong March 4 lamang. At nagpakonsulta sa Quezon City Health Department.
Source: New York Post
READ: Micro-cheating: Ang mga simpleng paglalandi na maaaring sumira sa relasyon
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!