CHED school opening 2020 planong magkaroon ng “test run” ng physical class sa mga MGCQ areas sa bansa ngayong Hulyo.
CHED magsasagawa ng “test-run” ng physical classes
Sa pagbubukas ng klase ngayong taon ng mga colleges at universities sa bansa, plano umanong magsagawa ng “test run” ng physical classes ng CHED o Commission on Higher Education sa mga lugar sa bansa na nasa Modified General Community Quarantine o may zero cases na ng COVID-19. Ang nasabing “test run” ay gagawin sa kalagitnaan ng Hulyo bago ang aktwal na pagbubukas ng klase sa Agosto. Ito ay ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera.
Ang panukalang ito ng CHED ay nangangailangan pa ng approval ng IATF-EID o Inter-agency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases. Na ayon parin kay De Vera ay na-sumitehan na nila ng balangkas ng guidelines ukol sa gagawing test-run ng face-to-face classes.
“These protocols will be presented to the IATF (Inter-Agency Task Force) in late June and implemented starting July. We will see in the implementation of the protocols on the ground the viability of limited face-to-face classes.”
Ito ang pahayag ni De Vera sa isang panayam.
CHED school opening 2020
Pagliliwanag ni De Vera ang gagawing face-to-face classes ay alinsunod parin sa ipinatutupad na precautionary measures laban sa COVID-19. Oobserbahan parin ang physical distancing at ang pag-lilimita ng bilang ng mga estudyante sa isang klase.
“What is prohibited under IATF resolutions is the old or traditional full face-to-face classes in all areas under quarantine,”
“Limited face-to-face, halimbawa 30%, 40% or 50% ng classroom lang ang mapupuno, puwede yan sa mga lugar na COVID-free.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni De Vera.
Ayon pa kay De Vera, ang panukalang ito ng kanilang ahensya ay magiging posible kung ito ay pahihintulutan rin ng local government unit ng mga MGCQ areas sa bansa.
“Kapag sinabi mo sa mga lugar na ‘yan na absolute na zero face-to-face, you are not taking into consideration the local condition. Pero kailangan na magkonsulta sa local government kasi kapag nagsimula ka ng limited face-to-face tapos walang public transporation, kawawa ang mga bata”, dagdag pa ni De Vera.
Pero maliban sa limited face-to-face classes ay pinaghahandaan rin ng CHED ang iba pang modes of learning para sa mga estudyante sa kolehiyo.
“May kombinasyon ka ng limited face-to-face at saka mayroon kang online or limited face-to-face at saka mayroon kang offline doon sa mga lugar na walang connectivity. Yan ang pinaghahandaaan natin kasama ng ating mga eksperto”, saad pa ni De Vera.
DepEd: Walang face-to-face classes sa high school at elementary
Samantala, para sa klase ng elementarya at highschool sa darating na pasukan ay nilinaw ng DepEd na walang magaganap na face-to-face classes. Ito ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones. Magpapatuloy lang umano ang mga face-to-face classes sa oras na mayroon ng vaccine laban sa COVID-19.
“We thank the President for reiterating the national government’s willingness to assist us in our endeavor to offer alternatives to face-to-face learning despite the public health situation.”
“We will comply with the President’s directive to postpone face-to-face classes until a vaccine is available.”
Ito ang opisyal na pahayag ni Briones.
Sa ngayon, ang isinusulong na paraan ng pagtuturo at pag-aaral sa darating na school opening ay sa pamamagitan ng radio, television, online at modular learning.
Sa kabila nito ay patuloy na pinapaalalahan ng DOH ang publiko na obserbahan at isagawa parin ang mga paraan kung paano makakaiwas sa COVID-19. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Paano makakaiwas sa COVID-19?
- Ugaliin ang maayos at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. O kaya naman ay sa pamamagitan ng 70% alcohol-based sanitizer.
- Lumayo ng hindi bababa sa 3 metro sa isang taong umuubo o umaatsing.
- Iwasang hawakan ang iyong mukha ng hindi pa naghuhugas ng kamay. Ito ay upang maiwasang pumasok sa iyong mata, ilong at bibig ang virus.
- Ugaliing mag-disinfect ng mga bagay at surfaces sa iyong paligid.
- Kung galing sa labas ay agad na magpalit ng damit. Huwag ng gamiting muli ang mga jeans at jackets. Dahil maaring kumapit sa mga ito ang virus.
- Magtakip ng tisyu o panyo sa tuwing uubo o babahing. O kaya naman ay itakip ang iyong braso o manggas ng damit sa tuwing uubo.
- Manatili lang sa bahay kung masama ang makiramdam.
- Agad ng magpakonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas ng coronavirus na ubo, lagnat at hirap sa paghinga.
- Makinig sa balita at umiwas sa mga lugar na may nailulat na kaso ng coronavirus.
- Kung hindi makakaiwas na magpunta sa matataong lugar ay mag-suot ng mask. At mag-baon ng alcohol na madaling mailalagay sa kamay sa oras na hahawak sa mga bagay o surfaces.
Source:
Philippine Star, Rappler, Inquirer News
Basahin:
COVID-19 humihina na at maaaring mawala ng kusa, ayon sa Italian doctor