Chesca Garcia may sweet na mensahe sa mister na si Doug Kramer sa 41st birthday nito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Chesca Garcia birthday message to Doug Kramer.
- Regalo ni Chesca kay Doug sa birthday nito.
Chesca Garcia birthday message to Doug Kramer
Sa Instagram ay nagbahagi si Chesca Garcia ng sweet birthday message sa mister niyang si Doug Kramer. Si Doug nitong July 10 ay nagdiwang ng kaniyang 41st birthday. Kaya naman si Chesca hindi pinalampas ang pagkakataon na bigyan ng sweet na mensahe ang mister niyang si Doug.
Sa Instagram iniisa-isa ni Chesca kung bakit napaka-swerte niya na maging mister si Doug. Dahil una pagdating sa kanilang mga anak ay talaga nga namang very hands-on at responsible father ito na talaga nga namang pinagpapasalamat niya.
“Our children adore you and cherish the time they spend with you. They are truly blessed to have you as their super dad. There’s nothing you wouldn’t do for them. ♥️”
Ito ang pagsasalarawan ni Chesca sa mister na si Doug bilang isang ama.
Larawan mula sa Instagram
Pagdating naman sa pagiging mister sa kaniya, si Chesca feeling blessed daw. Dahil sa dinadami-dami ng tao sa mundo ay si Doug ang napakasalan niya at nakasamang bumuo ng pamilya.
“As a husband, I thank God every day for the blessing of having you in my life. It’s incredible to think that out of all the billions of people in this world, I found the perfect match made just for me. A rare find these days!”
“Today, as we celebrate your special day, I am reminded how blessed I am that I have found my “forever” and my “happily ever after.” ♥️”
Ito ang sweet na mensahe pa ni Chesca kay Doug sa Instagram para sa birthday nito.
Regalo ni Chesca kay Doug sa birthday nito
Larawan mula sa Instagram
Si Doug naman may post sa Instagram tungkol sa eksena ng matanong ng mga anak niya kung ano ang regalo ni Chesca sa kaniya nitong birthday niya. Ibinahagi rin niya ang nakakatuwang reaksyon ng mga ito.
“Scarlett: “mom, what’s your gift for dad?”
Chex: “my body.”
All the kids: “MOMMMMMMMM!!!”
😂😂😂”
Ito ang caption ng post ni Doug na may kalakip na mga sweet na larawan nila ni Chesca.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!