Chesca Garcia sa pumanaw na inang si Bing Velasco: “I learned how to be a mom and a wife because you were my prime example”

Chesca labis na nangungulila sa biglaang pagpanaw ng ina. Narito ang tribute niya para dito.

Chesca Garcia mom na si Bing Velasco nasawi sa edad na 70-anyos. Chesca ibinahagi ang kalungkutan na nararamdaman sa biglaang pagkawala ng ina.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pagpanaw ng ina ni Chesca Garcia.
  • Chesca Garcia tribute to her mom Bing Velasco.

Pagpanaw ng ina ni Chesca Garcia

chesca garcia mom death Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Nagluluksa ang pamilya nila Chesca Garcia sa biglaang pagkawala ng kaniyang inang si Bing Velasco. Ito ay 70-anyos at nasawi umano dahil sa atake sa puso base sa mga reports. Limitado pa ang mga impormasyon ibinabahagi ng pamilya tungkol sa biglaang pagkamatay ni Bing. Bagamat kinumpirma na ito ng kapatid ni Chesca na si Pichon Garcia sa isang social media post.

Chesca Garcia tribute to her mom Bing Velasco

Si Chesca labis na nalulungkot sa biglaang pagkawala ng ina. Lalo pa’t bilang nag-iisang anak nitong babae ay ang ina ang tumayong bestfriend at model niya sa lahat ng bagay.

Sa Instagram ay may tribute si Chesca sa ina na ayon sa kaniya ay naging prime example niya sa pagiging isang mabuting misis at ina sa kaniyang pamilya.

“Everything I know and everything I am is because of you. I learned how to be a mom and a wife because you were my prime example, always excelling in everything you did.”

chesca garcia with mom and kids Larawan mula sa Instagram account ni Chesca Garcia Kramer

Ayon pa kay Chesca, walang makakapantay sa pagmamahal na ipinakita ng ina sa kanilang magkakapatid. At alam niyang kahit ano pang mensahe ang isulat o sabihin niya ay hindi niya masusuklian ang lahat ng sakripisyo at bagay na ibinigay sa kaniya nito. Kaya naman sa pagkawala ng ina ay labis siyang nasasaktan. Bagamat naniniwala siya na magkikita parin silang muli at magkakasama.

“You can never outgive a parent who kept on giving. I know this because I have been blessed to experience it. I love you, Mommy, I love you so much. And I will always long for you.”

Ito ang mensahe pa ni Chesca sa namayapang ina.

Ang kapatid na aktor ni Chesca na si Patrick Garcia ay wala pang pahayag tungkol sa biglaang pagkawala ng ina. Lalo pa’t kamakailan lang ay nagbalik na ito sa paggawa ng pelikula.

chesca garcia mom bing velasco Larawan mula sa Instagram account ni Chesca Garcia Kramer

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!