Chesca Kramer tinuturuan na ang mga anak sa pagbubudget. Ganito kung paano ito ginagawa ng celebrity mom.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Mag-asawang Chesca at Doug Kramer hindi daw nagdadalawang-isip na ibigay ang gusto ng mga anak.
- Chesca Kramer ganito tinuturuan ng pagbubudget ang mga anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin.
Mag-asawang Chesca at Doug Kramer hindi daw nagdadalawang-isip na ibigay ang gusto ng mga anak
Ayon sa celebrity mom na si Chesca Kramer, ibinibigay nila ng mister na si Doug Kramer ang gusto ng mga anak. Dahil una naman daw sa lahat ay deserve ng mga ito sapagkat nag-eexcel sila sa pag-aaral, sports at activities na kanilang ginagawa. Ang pagshoshopping nga daw sa mga gusto ng anak ang isa mga bonding activities nila.
“We’re big in rewarding our kids because, you know, they’re also very good kids.”
“They excel in their sports. They excel in their schooling. And it’s also nice to reward your children and also go shopping with them.”
Pero dagdag ni Chesca, kung may mga gusto naman daw na bilihin ang mga anak niyang sina Kendra, Scarlet at Gavin ay mula ito sa sarili nilang pera. Dahil ang celebrity mom, ginawan ng kaniya-kaniyang bank account ang mga anak. Ito ay upang ang mga ito ay maturuan ng pag-iipon sa batang edad. Mayroon rin daw silang inalaan na budget para sa mga ito. At hinahayaan ang mga anak na humusga kung kailangan ba nila ang mga bagay na gusto nilang bilhin.
Chesca Kramer ganito tinuturuan ng pagbubudget ang mga anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin
Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer
“We also give them a budget… so they all have their own bank accounts.
“So with that, we put money there and then we tell them, ‘Okay, you learn how to budget your money… Ask yourself if you really need it or you just want it. Or when was the last time you bought something similar?”
“So it’s really just guiding them.”
Ito ang sabi ni Chesca kung paano niya tinuturuan ang mga anak na mag-budget ng kanilang pera sa pamamagitan ng pagdedesisyon sa kung ano ba ng tingin nilang kailangan nila.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!