Healthy living ang goal natin ngayon kaya tampok natin ang healthier version ng sikat na sisig: ang chicken sisig. Kilala bilang “beer mate”, madalas itong gawing pulutan dahil masarap kainin ang sizzling meal kasalo ang ice-cold beer. Ngunit hindi lamang pangpulutan ito dahil puwede rin itong gawing ulam.
Sa artikulong ito ay malalaman natin:
- Ang pinagmulan ng chicken sisig
- Mga sangkap sa pagluluto nito
- Proseso sa pagluluto ng chicken sisig
Dumarami na ang nahihilig kumain ng healthy version ng sisig. | Photo from iStock
Saan nagmula ang chicken sisig
Nagsimula ang pagluluto ng sizzling dish na sisig noong dekada 70s sa panahon ng American Occupation sa bansa. Ibinebenta sa murang halaga ang ulo ng baboy dahil hindi ito isinasama sa pagkain ng mga sundalong Amerikano noon. Minsan ay ibinibigay na lamang ito ng libre sa mga tao. Naisipan ng isang homecook mula sa Angeles, Pampanga na gumawa ng isang putahe mula rito.
Gamit ang tenga at pisngi ng baboy, ito’y kaniyang inilaga, inihaw at tinadtad ng pino bago i-prito. Nilagyan ito ng utak ng baboy, atay ng manok, sibuyas at mga pampalasa na suka at calamansi juice. Ito’y inihahain sa sizzling plate upang hindi mamuo ang taba ng baboy.
Mas healthy ang paggamit ng karne ng manok kaysa karne ng baboy. | Photo from iStock
Nakilala ang sisig sa iba’t ibang panig ng bansa. Dahil dito, nakilala rin ang lungsod ng Angeles, Pampanga bilang “Sisig Capital of the Philippines”. Ipinagdiriwang din sa lungsod ang kanilang taunang Sisig Festival bilang pagpupugay sa lutuing nagpasikat sa kanilang lungsod.
Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang nangyari sa sisig recipe ng mga Kapampangan. Nilalagyan na ito ngayon ng siling haba, dinurog na chicharon, itlog at mayonnaise. Alternatibong pamalit na rin sa baboy ang manok, bangus, tuna, pusit at tokwa. Ginawa ito upang magkaroon ng healthy variety ang sisig dahil mataas sa cholesterol ang orihinal na sisig.
Mga sangkap sa pagluluto ng chicken sisig
- 1 /2 cup cooking oil
- 4 cloves ng bawang, minced
- 1 piraso ng dilaw na sibuyas, finely chopped
- 1 kutsaritang garlic powder
- 4 cups leftover na inihaw na manok, hinimay or chopped
- 1/4 cup butter (unsalted)
- 2 kutsara ng toyo
- ¼ pound atay ng manok
- ¼ cup Kalamansi juice (puwede rin ang lime juice)
- 1 pirasong itlog
- ¼ cup mayonnaise
- 2 piraso ng siling haba, chopped diagonally
- Salt and pepper to taste
Ang orihinal na recipe ng sisig ay walang itlog at mayonnaise. | Photo from iStock
Ang proseso sa pagluluto:
- Mas prefer ng aming pamilya na gumamit ng leftover na inihaw na manok dahil mas malasa na ang laman nito. Pero kung walang inihaw na manok, maaari namang gumamit ng nilagang manok.
- Puwede ring gumamit ng lime juice bilang alternatibo sa Kalamansi juice. Puwede rin ang serrano peppers bilang kahalili ng siling haba para sa mas maanghang na lasa. Maaari ring dagdagan ng siling labuyo kung nais.
- Bago simulan ang pagluluto, painitin muna sa kalan ang gagamiting sizzling plate sa loob ng 10 minuto. Kailangang pre-heated na ang sizzling plate bago pa ilagay ang nalutong sisig upang mapanatili nito ang init ng pagkain. Maaari ring ilagay ang sizzling plate sa oven sa temperaturang 450 F ng 10 minuto.
- Sa isang malaking kawali o wok, ilagay ang cooking oil at pakuluin sa medium heat na apoy. Igisa ang bawang at sibuyas hanggang sa ito’y maluto. Idagdag ang leftover na manok at haluin. Kapag naging golden brown na ang manok, ilagay na ang atay ng manok at lutuin ng 1 minuto. Note: Madaling maluto ang atay ng manok kaya hindi dapat masyadong patagalin ang pagluto rito. Magiging makunat ito kapag na-overcooked.
- Ibuhos dahan-dahan ang toyo at idagdag ang garlic powder, asin at paminta habang patuloy na hinahalo. Hayaang manuot ang soy sauce sa manok. Ilagay ang mayonnaise at Kalamansi juice at haluing maigi.
- Maingat na ilagay ang pre-heated na sizzling plate sa wooden plate nito upang maiwasan ang pagkapaso. Lagyan ng butter ang sizzling plate at isalin na ang nalutong chicken sisig. Biyakin ang itlog sa ibabaw nito at ibudbod ang mga siling haba. I-serve agad!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!