- Ano ang childhood asthma?
- Pag-crawl ni baby makatutulong para makaiwas sa asthma, ayon sa pag-aaral
Ano ang childhood asthma?
Halos walang pinagkaiba ang childhood asthma sa asthma ng maraming adults. Nangyayari ito sa tuwing ang lungs at airways at nati-trigger dahil sa iba’t ibang bagay katulad na lang ng pollen o anumang alikabok.
Hindi pa lubos na nalalaman kung paano nga ba nakukuha ang childhood asthma ngunit ang ilan sa factors na maaaring involved ay maaaring namamana, airway infections, at exposure sa polluted na kapaligiran.
Kadalasang nararananasan ng bata ang walang humpay na pag-ubo, pagkakaroon ng tunog ng whistle sa tuwing humihinga, kahirapan sa paghinga, at ang chest tightness. Maaari ring maranasan ng bata ang hirap sa pagtulog o malala ay respiratory infection.
Sa kasamaang palad, hindi nagagamot ang asthma. Maaaring mag-develop pa ang sintomas nito hanggang sa adulthood. Ang ilan sa maaaring makapagpalala nito ay ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng allergic reactions kasama ang skin reactions at food allergies.
- Pagkakaroon ng history ng pamilya na may asthma.
- Pagtira sa kapaligirang polluted.
- Pagkakaroon ng labis na timbang o obesity.
- Pag-exist ng iba pang respiratory conditions.
Sa tamang pag-aalaga sa baby ay maaari naman itong ma-control at maiwasan. Mahalagang maagapan kaagad ang sintomas na mapapansin sa inyong babies para maiwasan ang pagkakaroon ng labis na damage sa lungs.
BASAHIN:
STUDY: Babies, toddlers who take antibiotics may develop into asthma and allergies later on